"Alleah?"tawag ni Tessa sa dalaga.
"Oh, hi Tessa bakit!?"
"Haba ng hair mo day!"nakangisi nitong sabi.
"Tsss yaan mo papagupit ko!"biro niyang sagot.
"Haha! Gaga! Hindi iyon, heto galing kay Sir Jacob."
Inabot ni Alleah ang ibinibigay na bulaklak ni Tessa."nasa labas pa ba siya?"
"Wala na itinaboy na ni Sir Miro, taka lang ako sa Boss natin ha, feeling ko may gusto siya sayo."
"Tessa wag kang ganan baka makarating yan kay Cassandra malapit na silang ikasal remember."
"Pwedeng magsinungaling ang bibig ngunit hindi ang titig."
"Ay naku! Wag kang assuming, Tessa hayaan mo kapag nangyari yun ikaw ang unang makakaalam."
"Deal!"
Naiiling na sinundan ng tingin ni Alleah ang papalayong si Tessa, "how I wish na totoo nga but it's really impossible!"sabi ng isip ni Alleah at Marahan inamoy ang.mga bulaklak na ipinadala ni Jacob. Agad niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang binata.
"Hi, thanks for the flowers, i love it."bungad niya dito. "Yes ofcourse, okey hintayin na lang kita mamaya, haha,sige ingat din."masayang sabi ni Alleah, dahil busy siya sa kakaamoy at pakikipag usap kay Jacob ay hindi niya napansin si Miro.
"Do your work first Ms. Miranda, bago ka makipagtsismisan sa telepono!"asik ni Miro na ikinagulat ng dalaga.
"Bye Jacob."sabi ni Alleah at agad na ibinaba sng cellphone.
"I hired you here para may makatulong ako lalo na after ng kasal ko, may tamang oras para sa telepono!"mariing sabi ni Miro.
"Im sorry, Sir."
Tahimik na tinalikuran ni Miro ang dalaga, naiinis siya na puspusan ang panliligaw ni Jacob sa dalaga, ayaw noyang lokohin ito ni Jacob dahil kilala niya ito kung gaano ito maglaro ng babae.
Lumipas ang maghapon na halos hindi nagpapansinan ang dalawa,sa loob ng opisina umiimik lang si Miro kapag may kailangan sa dalaga.
"Ms. Miranda, pakidala nito sa finance department, at hintayin mo ang mga iyan na ibalik sayo ngaun din ni Mr.Lazaro."utos ni Miro.
Napasulyap si Alleah sa kanyang relong pambisig, it's alredy 5pm, oras na ng uwi niya bakit ngaun pa iniutos ni Miro.
"Sir, 5pm na po."
"Boss mo ako kaya, sundin mo ako!"pabalang na sagot ni Miro.
"Pero."
"But what!? Dahil naghihintay si Jacob sayo sa labas kaya ka nagmamadali ganun ba!?"
"Paano naman napasok si Jacob sa dito? Teka nga kanina ka mainit ang ulo ano ba ang problema mo at pati kaming mga kaibigan mo ay idinadamay mo?"
Napahinto si Miro sa ginagawang pagbabasa ng mga hawak na papeles, at tiningnan ang dalagang nagpipigil ng inis.
"Kung sabihin kong may problema ako may magagawa ka?"
"Kung meron man, how? Eh hindi mo sinasabi paano kita matutulungan?"
"Dahil hindi mo kaya!"
"Ewan ko sayo Miro, sa totoo lang hindi kita maintindihan Miro magulo ka alam mo ba yun!"asik ni Alleah at dinampot ang mga papel na ibinigay nito at bitbit ang kanyang bag ay nagmamadali siyang lumabas at nagpunta sa Finance. Pagdating niya doon ay wala na halos tao doon kundi ang bagong hire na si Jayson Ybañez.
"Sir ipinabibigay ni Sir Legazpi, kindly do it now please, he needs also now."
"Okey sit down Alleah,in fifteen minutes, matatapos ko din ito."sagot nito at kinuha ang mga hawak niyang papeles."mabuti inabutan mo pa ako dito, I'm about to leave."
"Oo nga Sir,thanks God,kanina pa mainit ag tuktok ng Boss ko na yun,napaka-moody."nakanguso niyang reklamo.
"Haha, maybe na-pressure siya sa klase ng trabaho niya, mahirap kasing maghandle ng mga business lalo pa at kilalang tao sila."
"Sabagay tama ka Sir."
Makalipas ang 15 minutes ay binabaybay na niyang muli ang hallway pabalik sa opisina ni Miro, agad niyang itinulak ang pinto ng opisina nito, at nagulat siya sa inabutan. Cassandra is almost naked habang nakakandong sa binata, huli na para umurong pa siya kitang-kita niya ang ngising ibinigay ni Cassandra sa kanya.
"Alleah!"kunway gulat na bigkas ni Cassandra.
"Im sorry, sorry! Eto na yung mga papers nagawa na ni Sir Jayson Ybañez, alis na ako."nagkakandautal niyang sabi at mabilis ang hakbang na umalis, habol ang hininga ay parang, tinusok ang puso ni Alleah, makirot ,na kahit anong gawin niyang labanan ang totoong nararamdaman ay mahirap pa rin pala na masaksihan ang isang katotohanan, agad niyang pinahid ag luhang namalisbis sa kanyang pisngi.
"Alleah, sandali."ang tawag na nagpatigil sa kanyang paglakad mg lingunin niya ay nakita niya si Jayson.
"Sir kayo pala."pilit ang ngiting sabi niya.
"Kanina pa kita tinatawag, hindi mo naman ako naririnig."
"Pasensya na Sir, nagmamadali kasi ako."
"Yah, I noticed that, are you going somewhere?"
"Yah, one of my friend is waiting for me outside the building."
"O great, next time invute kitang mag snack or early dinner with me, kung okey lang sayo."
"Nakakahiya naman Sir."
"No! And please after work, no more po and Sir okey, nakakatanda ng pakiramdam kasi."natatawa nitong sabi.
"Haha okey Jayson."
"Thanks, paano, I think yan na ang sundo mo?"sabi nito ng matanaw ang papalapit na si Jacob."ingat Alleah.
"Okey salamat."
"Hi, sino yung kasabay mo?"nakangiting ni Jacob at kinuha ang kanyang bag sa balikat bago pa siya nakapagprotesta.
"Bagong Boss sa Finance, si Jayson Ybañez."
"Jayson Ybañez? His name is familiar."sambit ni Jacob na narinig ni Alleah.
"Kilala mo?"
"Maybe no, or yes I don't know para lang kasing narinig ko na ang pangalan niya."
"Maraming magkakapangalan you know, anyway salamat ulit sa flower at breakfast."
"Your welcome, beautiful."
"Masugid na bolero ka talaga Jacob."
Pasakay na sila sa kotse ni Jacob ng dumating sila Cassandra at Miro.
"Hey bro, anong ginawa mo dito?"tanong ni Cassandra at matalim na sumulyap sa kanya.
"Sinusundo ko si Alleah. Mauna na kami."paalam na Jacob."anyway Cassandra narinig mo na ba ang pangalan Jayson Ybañez, pamilyar sa'kin eh!"
"Ha!?"
Sabay na napatingin si Alleah at Miro kay Cassandra na umilap ang paningin.
TBC....
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah