Unedited.......
"Nay?"bigkas ni Alleah sa Ina.
"Mag usap tayo Alleah sa taas."sagot ng kanyang Ina at nauna na itong humakbang paakyat sa ikalawang palapag ng bahay nila, ahad na sumunod si Alleah matapos magpaalam kay Jacob at sa anak maging sa kanyang Ama. Napanganga si Alleah ng makita ang picture nila ni Miro ng araw ng kanilang kasal, naka-frame iyon at ipinasadya pa talaga para lumaki na soyang unang bumingad sa kanyang paningin, pareho silang nakangiti na nakatingin sa isa't-isa, hindi mo aakalain na sapilitan kasal-kasalan ang naganap sa kanila.
"Nay bakit meron niyan dito?"
"Anong nakakapagtaka diyan, mag asawa kayo natural na meron."
"Nay hindi totoo ang kasal namin ni Miro, hindi ko iyon ipinarehistro."
"Alleah, sagutin mo nga ang itatanong ko sayo, dahil kahit saan anggulo tingnan makikita mo ang katotohanan."
"Nay?"
"Kay Miro ba ang aking apo?"
"Nay."
"Sagutin mo ako Alleah, dahil may karapatan si Miro sa bata,."
"Nay, opo kay Miro nga ang apo ninyo, pero hindi ibig sabihin noon may karapatan na siya, wala kasi kayong alam sa lahat ng pasakit na binigay niya sa'kin, sa lahat hirap na tiniis ko sa kanya."
"Alam namin lahat-lahat, dahil ng araw na umalis ka dito kinabukasan ay dumating ang asawa mo, hinanap ka dahil sa kanyang mga sinabi natunugan ko iniwan mo na siya, limang taon Alleah, limang taon walang araw na hindi dumaan dito ang asawa mo para tanungin kung nasaan ka, at limang taon din kaming nagsinungaling ng iyong Ama."mahabang litanya ni Aling Lolita.
Hindi makapaniwala si Alleah sa narinig buhat sa Ina, nangingilid ang luha na napaupo siya sa upuan na naroroon, para siyang nawalan ng lakas.
"Valid ang kasal ninyo ni Miro anak."marahan sabi ni Aling Lolita, at pumasok ito sa kwartong hindi niya alam kung para kanino at ng lumabas ito ay isang brown envelope ang hawak nito."patunay na nagsasabi ako ng totoo, si Señora Alona ang nagbigay niyan sa'kin ikalawang araw ng lamay ni Señor Alvin."
Ang luhang kanina pa pinipigilan ni Alleah ay tila gripong nabuksan walang patid na tumulo ang kanyang luha."Nay kasintahan ko na si Jacob."
"Isa lang ang masasabi ko, ipakilala mo ang aking apo sa kanyang Ama, at kung sino ang higit mong mahal doon ka, dahil anak kita alam ko kung kailan ka nagsasabi ng katotohanan, maiwan na muna kita dito kalmahin mo ang sarili mo."paalam ng kanyang Ina.
Lutang ang isip na pumasok si Alleah sa kwarto na kanina pa niya gustong makita, lalo siyang nilamon ng curiosity ng makita ang mga gamit na naiwan niya sa bahay nila ni Miro, marahan niyang binuksan ang mga drawer at kabinet walang nabago doon, kung paano ang tupi niya ay ganun pa rin lahat, at ang mas higit umagaw sa kanyang pansin ay ang larawan nila noon ni Miro noong 16 pa lang siya.
"Hindi ko natatandaan na ipina-laminate ko ito?"wala sa sariling bigkas niya, habang patuloy ng pagsiyasat sa loob ng kwarto, may ilang damit na naroon si Miro. "Don't tell me dito siya natutulog?"muli niyang tanong sa sarili.
"Yes, I am sleeping here sometimes, mula ng malaman ko ang kalagayan ni Tatay Antonio."sagot ni Miro na nagpaiktad kay Alleah.
"Anong ginagawa mo dito!?"gulat na tanong ni Alleah.
"I want us to talk once and for all Alleah."dabi ni Miro at humakbang papalapit sa kanya at isinara ang pinto ng kwarto, napaangat ang pwet niya ng marinig ng pagligitik ng lock nito.
"Miro, bakit kailangan na i-locked mo pa ang pinto? Atsaka we can talk outside, baka kung ano ang isipin ni Jacob."kinakabahan na sabi ni Alleah.
"They give us time to talk, kaya you have nothing to worry about."
"Anong gusto mong pag usapan?"
"First I want to say sorry for everything that I did to you, I know sorry it's enough. Nagsisi ako sa lahat until now, I believe to all her lies mula pala sa umpisa she's lying, ng malaman ko mula kay Jacob ang katotohanan about Jayson Ybañez and her, hindi na ako nagalit at nanumbat sa kanya, kasi isa na lang ang gusto kong gawin Alleah."
Napatingin si Alleah kay Miro, nagtatanong ang kanyang mga mata, habang malakas ang kabog ng kanyang dibdib."anong ibig mong sabihin?"
"About Mariella? Akin siya di ba?"tanong ni Miro."wag mo ng itanggi sa'kin, dahil kitang-kita ang katotohanan."
"Tama ka ikaw ang tunay niyang Ama. Pero hindi iyon dahilan para may mabuo pang magandang relasyon sa'tin dalawa, I fed up with you Miro."bigkas ni Alleah na mababakas ang lahat ng galit at sakit sa bawat binibitiwan niyang salita.
"May karapatan ako sa anak ko! At ipaglalaban ko iyon ang karapatan ko sainyo.!"may diin na sabi ni Miro.
"Then magkasubukan tayo Miro. Ama ka lang ni Mariella hindi kita asawa!"mariin niyang sabi, she wants to know kung may idea na si Miro sa kasal nila na totoo pala ang ikinaakala niyang hindi. Kung dinadaya siya ng kanyang paningin sa nakitang sakit na gumuhit sa gwapong mukha nito ay ipinikit niya ang mata, at sa pagdilat niya ay kita niya ang pamumula ng mata ni Miro.
"Tama ka Ama ako ni Mariella, kaya I want you to tell her kung sino ba ako, sa lalong madaling panahon, kung ayaw mong korte pa ang magdesisyon sa bagay na yan."
"Ang kapal ng mukha Miro, Ama ka ang dahil semilya mo ang bumuo sa kanya pero ang pagiging isang Ama si Jacob lang ang may karapatan, dahil siya ang nagpuno ng lahat ng sana ay ikaw,ang magpupuno!"sigaw ni Alleah." kaya you have no right to threaten me na makakarating ito sa korte dahil kung magsasalita ako, umpisa pa lang alam mong talo ka na sa laban na gusto mong umpisahan!"
"Umpisa pa lang ito Alleah at babawiin ko ang anak ko kay Jacob at tandaan mo kasama ka sa babawiin ko, sa ayaw mo at sa gusto, kung kinakailangan dukutin kita at reypin ng paulit-ulit para magbuntis kang muli ay gagawin ko, manatili ka lang sa piling ko kahit kamuhian mo pa ako hanggang sa huling hininga ko ay gagaw ko!"mariin sabi ni Miro na nagpanganga kay Alleah.
"Pak!"
Ang malakas na sampal ni Alleah kay Miro." yun ay kung mangyayari pa, magpapakasal na kami ni Jacob kaya palayain mo na ako ng lubusan Miro, hindi ba kita kailangan dahil, wala kang kwentang tao, sinayang mo ang Alleah na hibang sayo noon, iba na ngaun Miro! Iba na ako ngaun!"
"Oo iba ka na ngaun,pero tandaan mo ang kay Juan kailanman ay hindi pwedeng maging kay Pedro! Masakit kang manampal pero di bale alam kong mas masarap ka naman halikan."sabi ni Miro at walang babala hinaklit ang kanyang bewang at kinuyumos ng halik ang kanyang nakaawang na labi, napapikit si Alleah ng maglapat ang kanilang mga labi, hanggang sa nasumpungan na lang niya ang sarili na ikinawit sa batok ni Miro ang dalawang baso, at tinutugon niya ang paghalik nito. They almost forgot everything dahil para silang mahinang apoy na nabuhusan ng gasolina na agad na naglagablab.
"Tok!
"Tok!
Mga katok na nagpabalik sa kanilang katinuan, namumula ang mukhang itinulak ni Alleah si Miro na nasa ibabaw niya at naililis nito ang suot niyang blusa to expose her breast na natatakluban ng bra.
"Alleah Mahal mo pa ba ako?"tanong ni Miro ng palabas na ito sa kwarto.
TBC...
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah