Nabigla si Alleah sa pananampal ni Cassandra sa kanya, sapo ang pisngi ay tiningnan niya ito ng masama.
"Sino ka para sampalin ako?"sigaw niya dito.
"At ikaw sino ka rin para paglaruan ang damdamin ng kapatid ko?"
"Hindi ko pinaglalaruan ang damdamin ni Jacob! I am real to him."
"Really you're real? Bakit at paano pinaglalaruan mo sila ni Miro, dahil alam mong pareho ka nilang mahal di ba kaya ganan ka?"
"Why don't you straight me to the point, ano ba ang problema mo at talagang sumugod ka pa kahit ganitong gabi na?"
"Palayain mo ang isa sa kanila Alleah!"
"Kung ang hinahabol mo sy si Miro, matagal ko na siyang ipinaubaya sayo."
"Kung ipinaubaya mo na siya, sana hindi na nasaktan pa ang kapatid ko, yes I've been so stubborn to him but it doesn't mean na hahayaan ko na masaktan mo siya dahil hindi niya deserve yun, at kung ginagawa mo lang ito para makaganti sa'kin, laban natin ito 'wag mo na silang idamay."
"Umalis ka na!"taboy ni Alleah dito
"Kapag binitiwan mo ang isa sa kanila sisiguraduhin mo lang mapapanindigan mo Alleah, dahil kapag ako ng nagkaroon ng pagkakataon lahat ay mawawala sayo lalong-lalo na si Miro, dahil nagpapaka ipokrita ka kakatanggi na hindi mo na siya mahal ngunit halata naman sayo na pride lang ang iyong pinaiiral."
"Tigilan mo ako, dahil hindi mo alam ang totoo kong nararamdaman!"
"Alam ko dahil,naranasab ko! Mahal na mahal ko si Miro ang masakit ikaw ang mahal niya, I worked hard para maging akin siya, but I really it's not my luck dahil kahit anong gawin ko hindi niya ako nagawang mahalin ng lubusan, ngaun sabihin mo nga sa'kin, are uou really move on with Miro?"
Natahimik si Alleah sa tanong ni Cassandra. At ng tumingin siya dito ay kitang-kita niya ang mapanuyang tingin ni Cassandra.
"You cannot answer me right? Dahil kahit sarili mo niloloko mo, wag mo akong bigyan ng chance to get what is your's dahil kahit anong gawin mo hindi ko na ito ibabalik sayo!"mariing sabi ni Cassandra bago iniwanan si Alleah na walang imik.
Nanghihinang napaupo si Alleah sa sofa, natanong niya ang sarili "ano nga ba ang ipinaglalaban niya at ni Cassandra?" Naihilamos niya ng mga palad sa kanyang mukha at pagod na pumikit. Hindi pa sumasagot sa kanyang tawag at text message si Jacob mula ng umalis ito. Pakiramdam ni Alleah ay mag isa na lang siya ng mga oras na 'yun, pinili niya ang umakyat sa kanyang kwarto at nahiga pabiling-biling siya sa higaan ang daming bagay na pumapasok sa kanyang isipan, wala ang anak ng mga oras na iyon dahil hiniram ito ng kanyang byenan kaya lalong nahungkag ang pakiramdam ni Alleah. Ilang oras na ang matulin lumipas ngunit nakadilat pa rin ang mga mata ni Alleah, hanggang sa sumilay na ang haring araw ay nanatili siyang mulat.
"Mama I missed you."ang tili ni Mariella makitang gising ang Ina ng ihatid ito ng Ama nito.
"I missed you too, kamusta ang tulog mo anak.?"
"Okey lang po Mama, ahm Tita Cassandra is there also, she's a sweet auntie, kaya natuwa si Daddy sa kanya, nanuod po kaming tatlo ng movie."
"Really."ang napipilitan niyang pinasigla ang boses.
"Opo and then I fall asleep nagising na lang po ako kaninang umaga."
"Katabi mo ang Dad mo?"
"I don't know po."sagot nito at sumiksik ito sa bandang kili-kili niya agad niyang niyakap ang anak at hinalikan ito sa noo."
"Si Cassandra nandoon ba?"
"Opo, she's in thr car po ng ihatid ako ni Dad."
Parang kinurot ang puso ni Alleah sa narinig na sinabi ng anak, so talagang nag-umpisa na si Cassandra na makipakompitensya sa kanya, at inuuna nito ang kalooban ng anak. Makalipas ang halos dalawang oras nilang paglalambingan ng anak ay nagpasya silang puntahan si Jacob sa bahay ng mga ito.
"Mj dumating na si Papa mo."masaya niyang sabi sa anak.
"Talaga po."
Nakangiting tumango si Alleah bago muling pinindot ang doorbell.
"Rosa si Jacob?"nakangiting tanong ni Alleah.
"Eh Mam, umalis po si Sir kagabi pa po hindi nga po namin alam kung saan nagpunta,may dala po kasi siyang maleta."
"Ano, imposible naman sinasabi mo Rosa, kahit si Mr. Morales gusto kong makausap please."
"Magkasama po silang umalis Mam Alleah, nagkaroon po kasi ng pagtatalo dito kagabi."
"Rosaaa!"sigaw ni Mrs Morales mula sa loob ng bahay.
"Sige na Mam Alleah, baka makita pa ako ni Mam Sabrina, mahigpit niyang bilin na 'wag kang papasukin o kakausapin." Nagmamadali na sabi ni Rosa na agad tumalikod.
Laglag ang balikat na inakay ni Alleah ang anak. Agad niyang hinanap ang cellphone sa kanyang bag para tawagan si Jacob, nh isang itim na van abg huminto sa kanilang harapan at hinablot ang kanyang anak.
"Mariellaaaa! Mga walangya ibalik ninyo ang anak ko!"umiiyak na sigaw ni Alleah habang humahabol sa van na mabilis na nakalayo.
Hindi alam ni Alleah kung paano siya nakarating sa harap ng Hacienda nila Miro. Ng makilala siya ng guard ay agad siyang inalalayan ng mga ito at tinawag si Señora Alona.
"Alleah anak anong nangyari sayo?"nag-aalang tanong nito."Mila tubig please."
"Ma, si M-Mariella."humahagulgol na sabi ni Alleah.
"Anak anong si Mariella di ba ipinahatid ko na kila Miro kanina.?"kunot noo nitong tanong.
"Ma, may hu-min-to van sa ta-pat na-min ka-ni-na."paputol-putol na sabi ni Alleah."kinuha nila si Mariella Mama, please tulungan mo po ako, huhuhu."ang halos pasigaw ni Alleah na sabi sa kanyang byenan na siyang dating nila Miro at Cassandra.
"Mama, what's going on?"agad na tanong ni Miro ng abutan ang asawa sa ganoong sitwasyon na halos pagang-paga na ang mukha nito sa kakaiyak."Alleah anong nangyari?"tanong ni Miro na agad nilapitan ang asawa.
"Miro."umiiyak na sambit ni Alleah at yumakap dito na parang dito kumukuha ng lakas."ang anak natin nawawala."
"Pabaya ka palang Ina Alleah!"mapanuyang sabi ni Cassandra."nag iisang anak pinabayaan mong mawala, what kind of mother are you?"
"Pak!!
"Wag na wag mong ma-question ang pagiging ina ko, dahil kahit paano naging ina ka rin dahil nagbuntis ka! At eto amg tandaan mo Cassandra once na malaman kong may kinalaman ka sa pagkawala ng anak ko, magtago ka na sa pinanggalingan mo dahil dudurugin kita ng pinong-pino!"galit na sigaw ni Alleah ditp matapos niyang pakawalan ito ng malakas na sampal.
"Pinagbibintangan mo ba ako Alleah, maghapon kong kasama si Miro anong patunay mo!?"
"Oo pinagbibintangan kita, kaya maging maingat ka Cassandra hindi mo ako kilala ng lubusan kayang kong pumatay para sa mahal ko sa buhay lalong-lalo na kung para sa'kin anak!"
TBC
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romans"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah