Mabilis na humakbang si Miro papasok sa loob ng bahay at agad na hinanap ang pinanggalingan ng boses ni Alleah.
"Alleah, nasaan ka?"sigaw ni Miro at inisa-isang buksan ang mga kwartong naroroon.
"Im here, Miro."sigaw ni Alleah kasabay ng pagkalampag sa pinto na agad na tinungo ni Miro ngunit napahinto ito ng makitang may granadang nakakabit sa pinto na oras na buksan niya ang pinto ay sasabog ito.
"Alleah, may bintana ba dyan?"
"Wala Miro, bakit just please open this door?"
"I cannot , may granada sa pinto at oras na buksan ko ito ay sasabog."
Napaiyak si Alleah sa narinig, akala niya ay ligtas na siya ngunit hindi pa pala. "Miro si Mj, nakita mo ba?"
"Hindi, wala pang balita sa kanya."sagot ni Miro at sinenysan ang mga pulis para ipakita ang mga granada.
Walang nagawa ang mga pulis kundi ang tungkabin ang bubong ng bahay, para maalis si Alleah sa loob ng bahay, inabot sila ng ilang oras bago nakuha si Alleah, pasakay na sila patungo sa hospital kung saan dinala si Jacob ng maalala ni Alleah ang Van na ginamit sa kanyang anak ng dukutin niya ito.
"Miro wait hanapin mo 'yung van, baka nandito lang yun dun isinakay si Mj baka may makuha tayong lead na makapagsasabi kung nasaan ang anak natin."sabi ni Alleah at agad na bumaba ng kotse at mabilis ang hakbang na umikot ng bahay.
"Alleah wait."sigaw ni Miro na agad sumunod sa asawa.
"Miro may garage dito."sigaw ni Alleah na halos manikip ang dibdib sa kabang nararamdaman ng mga oras na 'yun ."oh God wag naman po sanang nandito ang anak ko."naiiyak niyang dasal habang pinapanood ang pagbaklas ng mga pulis sa malaking kadena at padlock's ng garahe.
"Miro, natatakot ako."iyak ni Alleah habang yakap siya nito.
"Shhh, everything will be fine."alo ni Miro.
Ng ganap ng mabuksan ang garage ay halos patakbong tinungo ni Alleah ang Van na itim, nag unahan bumagsak ang luha niya ng makita ang anak na nasa loob ng Van, na bamumutla at tila lantang gulay na.
"God! Mariellaaaaa!"tili ni Alleah ng buksan ng pulis ang Van kasunod ang malakas na pagsabog nito na ikinahagis nila ni Miro. Halos panawan ng ulirat si Miro sa nangyari, kahit nahihilo siya ay binuhat niya si Alleah na may ilang galos, natawagan na ri niya ang kanyang Ina kanina bago nila lapitan ang Van para magpadala ng ilang pulis sa lugar nila at para dakipin si Cassandra na ikinanta ng isang tauhan nito.
"Miro, Alleah oh my God!"ang umiiyak na bulalas ni Señora Alona ng makita ang ayos ng dalawa.
"Ma-ma, please take her yo the hospital I have to stay and check kung si Mariella nga ang nasa loob ng sumabog na van."umiiyak na pahayag ni Miro.
Walang sinayang na sandali ang lahat ng taong nasa pinangyarihan ng pagsabog ng mamatay ang apoy sa tulong ng bumbero na dumating ay agad na nagsagawa ng inspection ang mga kapulisan. Isang bangkay ang nakuha at agad nilang dinala ito sa morgue para ma- autopsy.
"Mr Legazpi, sa anak nyo po ba ang kwintas na ito?"ang tanong ng Doctor na nagsagawa ng autopsy sa bangkay.
Nangangatog ang kamay na inabot ni Miro amg kwintas na ibinigay sa kanya, walang salita na namutawi sa kanya kundi isang malakas na hagulgol.
"Mariella anakkk."tangis ni Miro, kabibigay lang niya ng kwintas na iyon , balak sana niyang ibigay iyon kay Alleah sa kaarawaan nito ngunit naisip niyang sa anak na lang dahil mukhang wala na siyang pag-asa sa asawa. Ang ilang pulis na naroroon ay naluha din sa pagtangis ni Miro. Ng mga oras na iyon ay unti-unting bumabalik ang kamalayan ni Alleah.
"Ma, si Mj nasa loob ng Van ang anak ko Ma."hagulgol ni Alleah.
"Anak, huminahon ka, inaalam pa ng pulis ang buong pangyayari."
"Ma, sabihin mo sa'kin dinadaya lang ako ng paningin ko kanina, hindi si Mj 'yung nakita, na namalikmata lang ako Ma."
Pakiramdam ni Señora Alona ay umurong ang kanyang dila sa hinagpia ng manugang, isang nakakaunawang yakap ang ibinigay niya dito at haploa sa likod.
"Anak ipagdasal natin na hindi si Mj iyon, sa ngaun yan ang higit natin kailangan gawin ang magtiwa sa Panginoon."
Samantala tila pusang hindi mapaanak si Cassandra sa kanyang kwarto nakarating sa kanya ng balita dahil sa napanood niya ito sa TV nangangatog ang kanyang kamay at tuhod ng malaman na sumabog ang Van na ipinandukot nila sa anak nila Miro. Namalisbis ang luha sa kanyang mga mata ng malaman na isa si Jacob sa binaril nf mga tauhan niya at ngaun ay agaw buhay ito sa hospital.
Nagulat si Cassandra sa malakas na pagbukas ng pinto ng kanyang kwarto at dalawang mag-asawa na sampal ang sumalubong sa kanya buhat sa Ina.
"Mom.!?"
"Walangya ka! Naturingan kang matalino nagpapakabobo ka dahil lang sa lalaki na aayaw sayo!"
"Mom I'm sorry."hagulgol ni Cassandra.
"Tingnan mo ang kapatid mo na nag aagaw buhay dahil sa kasakiman mo! Pray hard Cassandra na mabuhay ang kapatid mo dahil kung hindi ako mismo ang magpapakulong sayo!"
"She's under of arrest Tita!"mariin na sabi ni Miro."don't dare to come near me Cassandra."umiiyak na sabi ni Miro."dahil baka makalimutan ko na tao lang ako at walang karapatan humatol sayo ng kamatayan." Dugtong ni Miro na punong-puno ng luha ang buong mukha.
Hindi nakaimik si Cassandra sa sinabi ni Miro, napahagulgol siya ng mga oras na iyon at lumapit kay Miro.
"Miro I'm sorry."sabi ni Cassandra at lumuhod siya sa harap nito ngunit isang malakas na sampal ang ibinigay mi Miro.
"Pinatay mo ang anak ko Cassandra!?"duro ni Miro kay Cassandra." Hulihin iyan at wag na wag hahayaan makalaya."
Putok ang labi ni Cassandra habang pinoposasan ng mga pulis, tigmak ang luha na bumaling ito sa Ina ng akmang lalapitan niya ito ay umurong ang kanyang Ina.
"Mom, I'm sorry."
TBC.......
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah
