"Ang pagmamahal ko sayo ay ihahalintulad ko sa pangalan ko. Bukod sa hindi ko kayang kalimutan,
dala ko hanggang kamatayan ngunit kalakip noon ay respeto at paggalaang sa taong aking naging sandigan sa mahabang panahon ng aking pangangailangan."matatag na sabi ni Alleah kay Miro."Pero Alleah hayaan mo naman akong ipaglaban ka."sabi ni Miro na mababakas ang sakit sa mata nito dahil sa sinabi ni Alleah.
"Miro kahit lumaban ka, hindi kita kayang damayan, mahal ko si Jacob, hindi man kagaya ng pagmamahal ko sayo pero alam ko mahal ko siya at hindi ko siya magagawang saktan."
"Kung kinakailangan, magmakaawa ako kay Jacob gagawin ko, para kusa ka niyang bitawan."
"Tama na Miro, bitiwan man niya ako hindi nangangahulugan kakapit ako sayo! Kung hindi mo matanggap ang desisyon ko wala akong magagawa!"mariing sabi ni Alleah at tuluyan ng lumabas ng kwarto, sa labas ay naabutan niya si Jacob na nakatingin sa kanya.
"Babe.''mahinang bigkas ni Alleah, alam niyang narinig sila nito, ngunit papanindigan niya ang sinabi niya kay Miro.
Ngumiti si Jacob kay Alleah bago nito ginagap ang palad nito."Salamat Babe, mahal na mahal kita, hindi ako sakim na tao alam mo yan pero ikaw ang higit na nakakaalam ng tunay mong nararamdaman."
"Babe, I will stay with you no matter what happened okey, I love you too."sagot ni Alleah at iginiya nito pababa ang binata, yes she's happy with him, sa madaling salita kuntento AKO."sabi ng isip ni Alleah.
Tahimik na bumaba ng kabahayan si Miro, inabutan niya si Alleah at ang anak nila na naglalaro sa salas kasama si Jacob. Gusto niyang lapitan ang anak pero pinili niya ang tahimik na lumampas sa mga ito, palabas na siya ng bakuran ng narinig niya ang pagtawag ni Jacob.
"Miro? Pwede ba tayong mag-usap?"
Pumikit muna si Miro at huminga ng malalim bago nilingon ang kaibigan na ngaun ay gusyo niyang ituring na kaaway ngunit wala iyong kasalanan pareho silang nagmahal sa iisang babae, ang kaibahan lang siya ay sinayang niya ang lahat ng bagay na meron siya noon, at ito ang nagpahalaga hanggang ngaun.
"Sige."maikling sagot ni Miro.
Iisang sasakyan ang kanilang ginamit at humantong sila sa isang Bar.
"We are here para mag usap hindi para maglasing at mag away."nakangiting sabi ni Jacob.
"Oo naman."
Umorder sila ng tig isang bote ng beer. Nakakailang lagok na si Jacob bago siya nagsalita.
"Mariella is not mine, kita naman ang pagiging isa niyang Legazpi."umpisa ni Jacob."but I treat as my own, narinig ko ang napag-usapan ninyo ni Alleah, I can say that I'm happy about it but I'm not that selfish Miro. If Alleah give you a chance don't waste it and most of all don't take her for granted."
"Jacob, thank you, pero mahirap pilitin ang taong kusa ng umaayaw, hiling ko lang sana, kilalanin ako ng anak ko bilang ako na Ama niya."
"She know you, I already explained to her noong nasa Canada pa kami, pero syempre bata siya, maybe she understands what I said but not the meaning of it."
"Salamat Jacob sa lahat, hindi ko na hihilingin mahalin mo si Alleah, 'coz I know you love her a lot."naiiyak na sabi ni Miro." Mahalin mo siya para sa'kin, don't stop loving her, she deserve you."sabi ni Miro at tuluyan na itong napahagulgol ng iyak, hindi niya alintana ang mga mata na nakatingin sa kanya.
Matapos ang pag uusap ng dalawa ay nauna ng umalis si Jacob,nagpaiwan pa si Miro, na ayaw sanang iwanan ni Jacob ngunit kailangan na rin niyang umuwi at makapagpahinga. Kinabukasan maaga pa lang ay papunta na si Miro kila Alleah, mababakas sa mukha niya ang saya ngunit hindi buo,maaaninag pa rin ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Anak, ang aga mo naman saan ka pupunta?"puna ni Señora Alona sa anak.
"Ma, I have a surprise for you at sana ay madala ko agad dito."sagot ni Miro at humalik sa Ina. "See you later Ma."sigaw nito at patakbong sumakay sa kotse nito.
"Ngaun ko lang ulit siya nakitang ganyan kasaya, bkit kaya Mila?"tanong ni Señora Alona sa Yaya ni Miro.
"Di ba at may kasabihan na kung sino ang nagpaluha sayo, maaaring siya rin ang dahilan ng kasiyahan mo?"sagot ni Yaya Mila.
Napatingin si Señora Alona kay Yaya Mila at gumuhit ang ngiti sa kanyang labi. "Alvin, gabayan mo ang ating anak."bulong ni Señora Alona.
Isang masayang Miro ang nabungaran ni Alleah ng paba siya ng hagdan,gusto sana niyang tumakbo pabalik sa kwarto dahil masyadong exposed ang kanyang mga hita dahil sa suot niyang maiksing short at lose T-shirt, ngunit huli na nakita na siya nito.
"Morning A."simpleng bati nito.
"Mornin', ang aga mo naman yata?"tanong niya dito na nakakunot ang noo. Hindi na siua magtaka kung sino ang nagpapasok dito, malakas ito sa kanyang Ina noon pa man.
"Gusto ko sana na maka-bonding si Mariella."tila napahiya nitong sagot, kasabay ng pamumula ng pisngi.
"Tulog pa siya, sandali lang at gigisingin ko."aniya.
"Ahm wag na if you don't mind, ako na lang aakyat saan ba siya natutulog?"
"Sa kwarto mo,kung saan tayo nag usap, she likes it kaya pinag-bigyan ko na lang."
"A, kung okey lang sayo, isama ko kayo sa Hacienda mamaya, tiyak matutuwa si Mama, wala pa siyang alam sa lahat, I want to surprise her."
"Okey, isama mo si MJ may lakad kasi kami ni Jacob, actually aalis kami ngaun umaga, goodluck kay MJ, after kong sabihin sa kanya ang totoo kagabi she didn't say anything about it, you can go up now. "sagot ni Alleah at dumiretso na ito sa kusina.
Tahimik na umakyat si Miro sa taas at agad na pinuntahan ang anak, agad na namalisbis ang luha sa kanyang mga mata ng mahawakan ito, marahan hinaplos ni Miro ang pisngi ng anak at ang kamay nito ay paulit-ulit niyang hinalikan habang dumadaloy ang masaganang luha.
"Im sorry anak, hindi ko man lang nakita ang unang araw na lumabas ka sa mundo, Papa was so stupid that time, Im sorry kasi wala akong ginawa para makita ka, wala din kasi ako alam na any moment ay lalabas ka sa mundo, I am sorry anak, kasi hinayaan kong lumayo si Mama mo, I'm not blaming her, I'm blaming myself for being stupid man."patuloy ni Miro. "I hope that you give me a chance to show you how much I love you, kahit sayo na lang anak, kasi wala na akong pag-asa sa Mama mo."
Napahinto sa paglakad si Alleah ng marinig ang pag iyak ni Miro, marahan siyang humakbang para makita ito, she's surprise kahit pa alam niyang mangyayari 'yun. Nakaramdam siya ng sundot mg konsensya ng marinig buhat dito ang sinabi nito na wala itong alam na ipinagbubuntis niya ang kanilang anak."which is true."napakagat labi si Alleah para pigilan ng luhang nais kumawala lalo ng makitang nagising ang anak at nakatingin sa Ama.
"Why are you crying po, Daddy?"inosente nitong tanong na napahagulgol kay Miro at nagpanganga kay Alleah.
TBC....
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah