C-Fifteen

7.3K 250 11
                                    

UNEDITED......



"Ayus ah! Nice one Alleah!"sabi ni Miro at sinuntok ang mesa na nagpaiktad kay Alleah. "Hindi pagmamahal ang tawag dyan Alleah,dahil maramot ka, selfish ka!!"

"Miro ginawa ko lang ang tama, dahil mahal kita at kaligtasan mo ang iniisip ko."

"What do you think of me stupid! Kung naloko mo sila Mama na buntis ka pwes ako hindi! At itanim mo sa kukote mo na kailanman hindi kita mamahalin, gagawin kong miserable ang buhay mo!!"mariin at puno ng galit na sabi ni Miro habang nakaduro ito sa kanya.

"Miro, hindi mo naman ako kailangan panindigan."

"Ipapalasap ko sayo ang, kahihiyan at sakit na ipinaranas mo sa'kin, pinili mo ito e di panindigan mo!"

Ng tumalikod si Miro para buksan ang pinto ay napahagulgol si Alleah ng iyak nanghihina siyang napaupo sa upuang naroroon.

"Stop crying na parang ikaw ang biktima sa katangahan mo Alleah, fixed yourself and come with me!"malamig na sabi ni Miro sa kanya.

Ilang sandali pa ang dumaan at magkasunod na lumabas si Miro at Alleah ng kusina.

"Yaya sila Mama po?"tanong ni Miro.

"Nasa garden iho."

"Thanks Yaya. Bilisan mong maglakad!"

"Ano ba ang pinaplano mo Miro?"tanong niya dito ngunit tila ito bingi na patuloy sa paglalakad.na halos magkandarapa siya sa paghila nito.



"O nandito na pala kayo, sumabay na kayong mag-almusal sa'min."sabi ni Señora Alona.




"H-hindi na po busog pa naman po ako."tanggi ni Alleah.


"No! You have to eat, para sa baby natin."sabat ni Miro at ipinaghila pa siya ng upuan, nagkatinginan ng makahulugan ang mag-asawang Legazpi.


"May gusto kayong sabihin Miro, Alleah?"di napigilan tanong ni Señor Alvin sa dalawa.

"Yah Papa, I'm sorry for this, akala ko kasi hindi na aamin si Alleah na dinadala niya ang anak ko, napahiya pa tuloy kayo."sabi ni Miro ay hinagip ang kanyang kamay at mahigpit na hinawakan.


"Well, what can I say, andito na at nangyari na. It's better kesa naman lumabas na bastardo o bastarda ang aming unang apo."muling sabi ni Señor Alvin.


"So what is your plan guys?" Tanong naman ni Señora Alona.


"After one week  I want to marry Alleah."sagot ni Miro na nagpagulat kay Alleah dahilan para dumulas ang hawak niyang baso ng tubig.




"S-sorry po."sabi ni Alleah at akmang pupulutin ang basong nabasag ng awatin siya ni Miro.



"Leave it,tatawag na lang ako ng maglilinis niyan."


"So Mama, Papa okey lang b sainyo na kayo na ang mag-asikaso ng mga kailangan namin kailangan ko kasing ayusin ang negosyo ko."baling ni Miro sa magulang habang humihigop ng kape.


"Oo naman anak, but wait Alleah has to stop working baka makasama sa bata ang ma-stress, nagpacheck up ka na ba hija.?"



Pakiramdam ni Alleah ay namutla siya sa tanong ng ina ni Miro, sasagot na sana siya ng dumating ang isa sa mga kasambahay at may sinabi ito sa magulang mi Miro.






"Miro, Alleah, we're going to Cassandra's mother nasa hospital pa siya."paalam ng Señora Alona.




"Okey Ma, dadalawin ko siya mamaya may ilang details pa kaming pag-uusapan ng wife to be ko."





Buong buhay ni Alleah ay noon lang siya nakaramdam ng ganito katinding kaba, sa bawat salitang binibitiwan ni Miro pakura niya ay pagpapamukha iyon sa kamalian na kanyang ginawa.




"Magtatrabaho  ka pa rin sa opisina ko, gaya ng dati lahat ng schedule ko ay aayusin mo, ayaw ko ng mali at higit sa lahat ayaw ko ng tatanga-tanga!"




"M-Miro hindi naman natin  kailangan magpakasal."






"Di ba ito ang gusto mo, ang matali ako sayo, wag kang mag-alala kapag bumalik na si Cassandra hihiwalayan din naman kita, dahil hindi ko masisikmura na tumabi sa isang kagaya mong sinungaling!"




"Hindi ako nagsisinunangaling sayo Miro!"mariin niyang sabi."i have my reason at darating ang araw na mapapatunayan ko yun sayo."




"Don't yell at me! Alleah, kailanman hindi ako maniniwala sayo, you're such an angel in disguise!"





"Ginawa ko yun dahil may binabalak si Jayson Ybañez sayo, may relasyon sila ni Cassandra!"







"Pak!"



"Wag na wag mong sisiraan ang babaeng mahal ko!"bulyaw ni Miro kay Alleah matapos niyang pakawalan ang isang malakas na sampal sa mukha nito.




"Miro!"gulat na bigkas ni Alleah habang sapo ang pisngi na pakiramdam niya ay namanhid sa lakas ng sampal nito.




"Fuck you Alleah!"mariing sabi ni Miro at iniwanan na siyang lumuluha sa sakit ng sampal at higit sa lahat ay sa mga salitang binibitiwan nito sa kanya. May isang oras siyang nanatiling nakaupo at kinalma ang sarili, binitbit niya ang kanyang bag at nagpaalam sa yaya ni Miro.



"Yaya Mila, uuwi na po muna ako."





"Alleah anak, napaano ang pisngi mo?"nag-aalala nitong tanong.




"Wala po yan, nauntog po sa mesa kanina kasi nahulog po ang baso,pupulutin ko po sana."





"Anak ilan buwan ka ng buntis ?"





"Po!?"




"Alam mo mas gusto naman kita kaysa kay Cassandra, yung babaeng yun masama ang ugali atsaka palagi ko yun nahuhuli sa gabi umaalis, bumabalik madaling araw na."




"Hayaan mo na Yaya, atleast hindi po nakasal si Miro doon, dahil talagang masama po ang ugali ni Cassandra bata pa lang kami ganun na sya."




"Akala ko nga ikaw ang sinasabi niya dating babaeng gusto niyang pakasalan."


"Yaya paasa ka ha, alam mo naman si Cassandra ang gusto niya noon pa."




"Paano kasi anak, may nakita ako sa ilalim ng unan niya noong nasa Australia kami, eh ang alam ko say...




"Yaya!"tawag ni Miro na nagpahinto sa sinasabi nito kay Alleah.



''bakit iho?"




"Pakidalahan po ako ng prutas sa kwarto ko, now please."sabi nito.







Ng nakatalikod na si Yaya Mila ay sya naman binalingan ni Miro."why are you still here!?"mabagsik nitong tanong sa kanya.




"Pauwi na ako may sinasabi lang si Yaya Mila."




"Umuwi ka na at ayaw ko ng nakikipag-usap ka kay Yaya,naintindihan mo! So get out of my sight!"





Durog na durog ang puso ni Alleah ng mga oras na yun, tahimik niyang nilisan ang Hacienda habang tumutulo ang luha. Maging si Jessica ay hindi siya ni kinakausap ng matino, she's so helpless. Dinala siya ng kanyang mga oaa sa simbahan at doon ay ibinuhos niya lahat ng kanyang hinaing.








"Hindi bagay sayo ang magdasal Alleah, nakakahiya ka! Alam kong kaya mo ito ginawa ay para maangkin si Miro, pero ito ang tandaan mo, gagawin kong miserable ang buhay mo!"mariing sani ng taong kahit hindi niya lingunin ay kilala niya.


"Yun ay kung papayagan kita Cassandra!"matapang niyang sagot.



"Gusto mong makipaglaro Alleah, well ibibigay ko ang larong gusto mo!"





TBC.....

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon