UNEDITED.....
Naihilamos ni Miro, ang dalawang palad ng tuluyan ng mawala sa paningin ang asawa. Ilang minuto pa ang nagdaan bago siya nakatayo at iniwan si Cassandra sa salas, mabilis siyang nagbihis at lumabas ng bahay, dinala siua ng kanyang mga paa sa isang Bar. Kung saan siya nalasing noon ng sobra.
"Boss long time no see."bati ni Louie.
"Oo nga eh, musta Louie?"
"Okey naman Boss next month graduating na ako at maraming salamat sayo Boss, lalo na sa parents mo at kay ate Alleah."
Napahinto siya sa pag inom ng beer ng banggitin nito ang pangalan ni Alleah."Alleah, bakit?"
"Sa totoo niyan Boss crush na crush ko si ate Alleah, nagulat nga ako ng sabihin niyang may asawa na sya, she's may tutor when I was in first year college graduating siya noon, free tutorial ang nangyari."
"Ahh, sinabi ba niya sayo kung sino ang asawa niya?"
"Hindi kasi last ko syang nakita noong galing sya sa Doctor, last week doon ko lang nalaman na may asawa na siya."
"Doctor?"
"Oo, sabi niya kasi busy daw asawa niya sa office, sabi niya eh kababata daw niya naging asawa niya. Lucky him kitang-kita kay ate Alleah na mahal na mahal niya ang asawa niya."
Magsasalita pa sana si Miro ng tawagin si Louie ng kasamahan nito.
"Louie, tawag ka ni Boss.''
"Sige boss Miro."
"Sige Louie,salamat."
Pangatlong araw na ni Alleah na hindi umuuwi sa kanilang bahay ni Miro, nagtataka man ang magulang ay hindi nangahas magtanong ang mga ito. Samantala, halos araw-araw naman nakaantabay si Miro sa bahay ng magulang ng asawa at nakakahinga siya ng maluwag tuwing natatanaw niya ito na nandoon lang at palaging nakayakap sa magulang.
"She's really a sweet woman."saad ni Miro habang nakatingin dito."ipokrito siya kung di niya aaminin na na-miss niya ang presensya ng asawa."
Paalis na siya ng makita niyang huminto ang Ford ni Jacob, napamura siya ng umibis si Jacob, na may bitbit na bulaklak at mga prutas, lalong nagtagis ang kanyang baga ng makitang nakangiting sinalubong ito ni Alleah at hinalikan naman ito sa pisngi ni Jacob.
''Damn! You Jacob! She is my wife!"galit niyang sabi at akma na sana siyang baba para sugurin ito ng tumunog ang kanyang cellphone. It's his Mom.
"Mom?''
"Where are you? I told you to bring alleah here for lunch ano't si Cassandra ang dumating dito.?"
"Mom, Alleah is with her parents, I forgot to tell her about your invitation.''
"Gosh! Miro your impossible. Okey bye, hindi ko na inaasahan pa kung darating ka dito."
Matapos silang mag usap mag-ina ay sinubukan niyang tawagan si Alleah. Kita niya ang pag-asim ng mukha nito bago ini-off ang cellphone. ''Shit! She's really angry to me."sabi ni Miro at pinaandar na ang kotse ng makaalis si Jacob sa bahay nila Alleah. Sa loob ng anim na araw ay ganun ang naging routine ni Miro ang tingnan ang asawa sa bakuran ng kanyang byenan bago siya pumasok sa opisina at bago siya umuwi sa kanilang bahay. About Cassandra, yes she's in my house at ang huling nangyari samin ay hindi na naulit pa, kahit anong gawin nitong pang-aakit ay hindi na niya ito pinatulan pa. Tanaw na tanaw niya ang asawa na nakatayo sa labas ng bahay ng mga ito, sa suot nitong pajamas na humahapit sa katawan, tuwing umiihip ang hangin ay nagbibigay kay Miro ng kakaibang pakiramdam, ang buhok nito na sumasayaw sa hangin ay lalong naging kaakit-akit sa kanyang paningin. Miro made his way, gustong-gusto na niyang mayakap ang asawa. Ilang hakbang na lang ito sa kanya ngunit hindi pa rin siya makapagsalita. Kaya ng pumihit ito ay halos magkabungguan sila, panandalian na tila huminto ang pag-inog ng mundo ni Miro habang nakatitig sa asawa.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romansa"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah
