Unedited.....
''Miroo."tili ni Alleah ng makitang bumagsak ang asawa kasunod ang anak."Mariellaaa."
Agad na dumalo ang mga pulis sa mag -anak habang ang iba ay dinaluhan si Cassandra at Lorna na parehong may tama ng baril, dahil ng tumalikod ang dalawa para tumakas ay agad silang binaril ng isang pulis na nakaita sa kanila, mabilis na isinugod ang mga ito sa hospital habang panay ang iyak ni Alleah, halos hindi niya alam ang mga sinasabi sa magulang at byenan kaya kinuha ng pulis ang cellphone na hawak nito at sinabi ang kinaroroonan nila.
"Nay, si Mj at Miro parehong nasa E.R."humahagulgol na sabi ni Alleah sa ina ng dumating ang mga ito.
"Anak magiging okey din ang lahat manalig ka okey."alo ni Señora Alona sa manugang na pigil ang luha, dahil kailangan nilang maging matatag.
Ilang oras ang lumipas lahat sila ay tahimik habang naghihintay sa paglabas ng Doctor mula sa E.R.
"Sino po ang ina o ama ng bata?"tanong ng Doctor.
"A-ako po."ang sagot ni Alleah na namamaga na ang mukha sa pag iyak.
"She's out of danger now, sobrang trauma lang ang bata kaya siya nilalagnat at hindi nasisikatan ng araw. She'll be transfer in a private room after an hour."nakangiti nitong sabi kay Alleah.
"Salamat po Doc."sagot ni Alleah at bumaling ng yakap sa ama at ina."nay ligtas na ang anak ko."
"Oo nga anak,maraming salamat Panginoon."
"Mam nailipat na po ang anak n'yo sa room 505."pagbibigay alam ng isang nurse kay Alleah.
"Ma?"ang baling ni Alleah sa byenan.
"Sige na anak puntahan mo na si Mj, ako na muna ang bahala dito."
"Sige po, babalik po agad ako."
Ng makatalikod si Alleah ay saka bumuhos ang luha ni Señora Alona ayaw niya iyong ipakita sa manugang natatakot siya para sa anak. Tama ng asawa ang nawala sa kanya wag naman sanang pati ito.
"Señora Alona?"ang agaw pansin ng Doctor na lumabas sa emergency room.
"Kamusta po anak ko?"
"Señora tatapatin na kita, he's in coma dahil sa balang tumama sa kanyang ulo, nagkaroon po siya ng bleeding sa utak, as of now hindi ko po masabing okey na siya kahit naalis ko na ang dugo sa kanyang utak, miracle and pray lang po kasi nag 50-50 po siya kanina during the operation. He's still in ICU."
Halos manlambot si Señora Alona sa sinabi ng Doctor, parang pelikula na naulit ang nangyari sa kanyang asawa at anak, na kung iisipin ay iisang tao ang dahilan.
"Sumsobra ka na Cassandra!"maigting na sabi ni Señora Alona at pinuntahan nito ang kwartong kinaroonan ni Cassandra na sa pagkakaalam niya ay sa binti lang ito pinatamaan ng pulis na bumaril dito.
"Tita."bigkas ni Cassandra na bakas ang kaba sa mukha.
Mabilis na lumapit si Señora Alona dito at binigyan ito ng isang malakas na sampal.
"Kapag may masamang nangyari sa anak ko, kahit buhay mo ay uutangin ko Cassandra!"
"Tita, patawad. "Bigkas ni Cassandra.
"Kung ang Diyos marunong magpatawad ako hindi Cassandra!"mariing sabi ni Señora Alona, bago niya iniwan si Cassandra na lumuluha.
"Sana naman ay magtatanda ka na Cassandra."sabi ng kanyang ina na hindi nakuhang magsalita sa mga nangyari.
BINABASA MO ANG
Pangarap Ka (completed)
Romance"Hindi pagmamahal ang tawag sa ginawa mo Alleah,selfish ka!" Sigaw ni Miro sa dalaga." "Ginawa ko lang ang alam kong tama Miro,dahil totoong mahal kita." Sagot ni Alleah. Miro & Alleah
