C-Fourty Four

7.7K 244 9
                                    

Doble dobleng pagsubok ang pinagdadaanan ni Alleah, wala siyang ibang masisi kundi ang sarili, ayon sa autposy ng batang nakita niya ay si Mariella nga ito dahil.sa kwintas na patunay ni Miro na ibinigay niya dito.


Ikatlong araw niya sa hospital ng magpasya siyang umuwi na dahil mas nahihirapan siya sa pananatili doon, ayaw tanggapin ng isip niya na wala na ang anak.



"Miro, malakas ang kutob ko buhay si Mariella baka gawa gawa lang iyon ni Cassandra."

"hushh magpagaling ka hahabapin natin ang anak natin."


Ng igiya ni Miro si Alleah papasok sa kwarto nito ay lalong nakaramdam ng kahungkagan ang dibdib ni Alleah, lalo pa at nakikita niya ang mga larawan ng anak. At ang paborito nitong laruan.


"Anong balita kay Jacob?"

"He's still fighting, sana maging okey din siya."

"Wag mo akong iwan ha."pakiusap ni Alleah sa asawa.


"No hindi kita iiwan."


Samantala sa kulungan, tahimik na nakatanaw sa kawalan si Cassandra, iniisip ng mga kasama nito sa selda na nasiraan na ito ng bait dahil naroon ang umiyak at tumawa ito, magsalita ng mag isa.


"Mariella, wag ka nga magtago dyan, isosoli na kita sa Mama mong pangit."bulong ni Cassandra at sumilip sa ilalim ng folding bed at tila may inaabot doon."halika ka na, I'll be mad at you na.!"



Naiiling ang mga kasam ni Cassandra na naririnig siya hanggang sa .



"Warden, kinakabahan kami sa bago namin kasama nagsasalita at umiiyak saka tatawa baka pwedeng idala nyo na siya sa mental, baka sa halip na mabuhay pa kami ng matagal ay mamatay agad kami."sumbong ng isang babaeng kasama ni Cassandra sa selda.


"Sige sabihin ko kay sarhento."tugon ng Warden.


"Bakit ka nakatingin sa'kin?"singhal ni Cassandra sa mga kasamahan.


"Wala naman, tulungan ka sana namin kunin yung sinasabi kong Mariella, asan ba siya."



"Mga gago, walang Mariella dito niloloko nyo ba ako?"


"Pasensya na yun kasi ang narinig namin sayo."



Inirapan ni Cassandra ang mga kasama at lihim siyang napangiti mauuto ko rin kayong lahat, at kayo Miro ang anak ninyo ay hindi na  ninyo makikita pang muli.

"Rock-a-bye baby, in the treetop
When the wind blows, the cradle will rock
When the bough breaks, the cradle will fall
And down will come baby, cradle and all.......



"Tumahimik ka nga nakakarindi ka na ah!?"bulyaw ng isang kasamahan ni Cassandra sa Selda ngunit tila walang narinig si Cassandra patuloy siya sa pagkanta at pagsayaw na tila naghehele bg sanggol. Ng hablutin ng isang kasamahan ang unan na ginawa nitong sanggol ay umiyak si Cassandra.


"Akin na ang anak ko."sigaw ni Cassandra.


"Prrrrrt!" Silbato ng pulis sa kanilang pagkakagulo.



"Anong kaguluhan ito.?"


"Papa, kinuha ni Alleah ang anak ko."umiiyak na sabi ni Cassandra sa pulis.



Napanganga ang pulis sa sinabi ni Cassandra at makalipas ang kalahatibg oras ay inilabas ito ng selda dahil sa pag-aakala ng mga itong nasisiraan na ito ng bait. Sakay ng sasakyan patungong mental hospital ay nakangiti si Cassandra habang hawak ang manikang ibinigay ng isang pulis.



Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon