C-Fourty Five

8.3K 260 14
                                        


UNEDITED....



Isang linggo pa ang matulin lumipas, napag-aralan ni Cassandra ang pasikot-sikot sa Mental hospital pati ang pagpalit-palit ng guard at ng day off ng mga nurse na nagbabantay sa kanya, si Lizel ang kanyang ginawang alas sa bawat kilos niya, nakipaglapit siya ng todo dito, hanggang sa dumating ang araw ng kanyang pagtakas, magtatapon noon ng basura ang mga janitor ng mental Hospital, kaya kahit nandidiri siya ay sumakay siya sa malaking basurahan na inilabas ng mga ito.




"Putik ano ba naman bigat ng isang drum na ito."reklamo ng isang janitor.

"Maano ngang manahimik ka na lang at ilabas mo na yan malapit ng dumating ang collector ng basura."sagot ng isa.


Ng marinig ni Cassandra na isinarado na ng dalawang janitor ang gate ay dahan-dahan siyang sumungaw at tiningan ang paligid, agad niyang hinubad ang suot na puting damit at isinuot ang itim na jacket at pantalon na baon niya na hindi niya alam kung kanino. Lakad takbo ang kanyang ginawa hanggang sa nakalabas siya sa highway. "Mandaluyong Mental Hospital" iyon ang kanyang nabasa sa di kalayuan. Agad siyang pumara ng taxi at nagpahatid sa Laguna. Sa bahay-bakasyunan na binili nila ni Miro noon na balak nilang pagtayuan ng kanilang bahay na ang alam ni Miro ay ibinenta na niya ito dahil hindi niya gusto ang lugar.


"Lorna."tawag ni Cassandra sa katiwala niya doon.

"Ate Cas?"gulat nitong sabi.

"Nasaan ang bata?"

"Ate, natutulog at tatlong linggo na siyang nilalagnat hindi ko siya maidala sa hospital dahil nakita ko sa TV na hinahanap siya ng magulang niya, at may pabuyang 2 milyon."


"2 milyon?"balik tanong ni Cassandra.

"Oo ate.''

"Ang pagkakataon nga naman, bumili ka ng maraming simcard ngaun din."utos ni Cassandra kay Lorna matapos itong abutan ng isang libong piso.



"Pahihirapan ko muna kaying mag-asawa lalo ka na Alleah." Sabi ni Cassandra at sinilipa ang batang natutulog.


Ng bumalik si Lorna ay may dala ito ng mga pinabibili ni Cassandra, pangkulay ng buhok at gunting. Inumpisahan niyang kulayan ang buhok ng itim at pinutol ito ng sagad sa batok at naglagay ng bangs, nakamasid lang naman si Lorna dito. Alam niyang dinukot nito ang bata ngunit hindi niya ito maisumbong sa pulis dahil sa malaking utang na loob niya dito. Naawa lang siya sa bata noong bago lumabas sa TV ang paghahanap dito ay dinala pa niya ito sa baranggay clinic, nawala ang lagnat ngunit bumalik  ulit.



"Ate Cas, anong binabalak mo?"



"Lorna, after this umalis ka na sa lugar na ito isama mo ang pamilya mo at magpakalayo-layo ka okey."


Agad na tumalikod si Cassandra, magbabagong buhay na siya sa tulong ng pera ni Miro. Sinabihan niya si Lorna ng sasabihin kaya Miro at Agad niyang isinalang ang simcard at nilagyan ng load idinayal niya ang number ni Miro sinigurado muna niya na naka off ang gps ng kanyang cellphone.

''Hello?"bungad ni Miro.

"Pwede ko ba na makausap si Mr.Miro Legazpi?"

"Ako nga ito? Who are you?"

"Alam ko kung nasaan ang anak mo."

"Hindi ako nakikipagbiruan kung manloloko ka pwede ba tigilan mo ako!?"

"Hindi ako manloloko Mr.Legazpi, hintayin mo ang larawan ng anak mo na ipapadala ko sayo ngaun din ngunit kapalit nito ang dalawapung milyong piso."

Pangarap Ka (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon