PROLOGUE

627K 12.9K 10.3K
                                    

"And this, is my late break-up gift to you!"

Humigpit ang hawak ni Jude sa braso ko habang humihiwa na kami sa tiyan ng crowd. This is where we struggle the most. Dahil dito ang pinakamahigpit ang siksikan upang makalapit sa stage at makasandal sa barricade. In my nth experience on being one of the crowd, I am no rookie. 

Strange on how I am here with my ex-boyfriend. And I could even justify the strangeness on the mere fact that he is...gay.

"My feminine soul seduced this man body. They mated at ako ang resulta."

I stared at him agape. Nag-uunahan ang gulat at aliw na rumehistro sa utak ko. Nothing could top this weird break-up in my few lists of break up history. Kung ang iba'y mahirap kinalimutan ito dahil sa nasaktan sila. Well, exclude me in the heartbreak bandwagon.

"B-but Jude...we kissed. You kissed me." I sounded so helpless. Pero dahil lang ito sa hindi talaga ako makapaniwala. Gusto kong i-deny ang araw na ito. No.Today doesn't exist at all!

Umismid siya, hindi ko alam kung saan mas papanig ang indikasyon doon. Kung nandiri siyang hinalikan ako o dahil dumikit ang labi niya sa isang babae at pinagsisihan niya.

Namimilipit siya habang nilalaro ang kanyang kamay. Para bang mahirap sa kanyang aminin ito. I gotta commend him for his bravery. Pero bakit ngayon lang? Bakit hinintay pa niyang magkaroon kami ng relasyon bago aminin na kasapi pala siya sa ibang liga? Na iisa lang ang preference namin? Boys. Guys. Men. Straight.

"Doon ko na-realize na hindi ko type ang girls."

There! I got my answer.

"Bakit ako?"

Nag-iwas siya saka muling umismid at nagkibit. Bakla nga talaga.

"I don't know. You're pretty?" Mukhang hindi siya sigurado. Am I pretty?

"Did you use me as a beard for your real sexuality?"

"No!" agap niyang tanggi kasabay ang iling. "Confused lang talaga ako ng mga panahong iyon. Then...the kiss happened at hindi ako nakatulog. Feel ko may mali. So before the worst could happen, ito na. We're here." Maarte niyang muwestra sa aming dalawa.

Binalikan ko ang mga araw na magkasama kami at ang mga napansin ko sa kanya. I overlooked his hand gestures that somehow pointed dots of doubt in my certainties.

But I ignore them. All of them. Nilagpasan sila ng mga mata ko kahit mga senyales na mismo ang kumakaway at nagpapansin sa akin.

And I didn't ask for a confirmation but that alone introduced itself to me right now.

"Oh my God..." Lumipad ang kamay ko sa aking bibig.

Kita ko ang pumaraan na sakit at pagsisisi sa mga mata niya at hinila ang mga ito sa sapatos ko.

"I'm sorry. Am I hurting you? Sorry, I just..."

"Hurt me? Hell, Jude! I am shocked!" I exclaimed. "Ang saya ko pa na hindi ka tumitingin sa ibang babae. Iyon pala mga lalaki ang tinitignan mo."

Taon din ang lumipas bago ako nasanay sa kanya. And I surprisingly wasn't even a bit hurt. During our relationship para namang hindi kami. We were more like barkadas. He was more of like a best friend rather than a boyfriend. Now I know why.

The kiss though. Yet, it was only a one-off peck in the lips.

Isang  bundol galing sa namimilipit na babae ang nagpalaya sa akin sa alaala. Agad akong kumapit sa braso ni Jude saka tumingkayad upang tanawin ang stage. We're almost there!

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon