TWENTY ONE

155K 5.2K 2.7K
                                    

"So saan ba siya dapat umikot? Left or Right?" tanong ni Dean.

Nasa gilid namin siya ni Wilmer na pinapakitaan ng steppings sa cotillon. Will's kind enough to help his friend. Ayaw man sa akin ng taong 'to, he endured a dance with me for the sake of dancing and Dean, not because of me.

No hard feelings. Sanay na rin naman ako.

"Right. It's always on the right, Dean,"matiyagang ani Will at muli akong inikot.

Nilingon ko si Dean at naabutan ang kanyang pagtango. For a while I thought he understood what Wilmer has demonstrated. Ngunit nanatili siyang nakatingin sa akin. Nakahalukiphip habang pinipisil-pisil ang kanyang bottom lip.

Nagsalubong ang kilay ko . I'm quite desperate to pay a penny for his thoughts at aalamin ko pa lang sana iyon kung hindi lang binawi ni Wilmer ang tuon ko sa pagsasayaw.

Wilmer has got the moves. Kita ko ang galing niya kaya mas ginanahan ako. I never took him as a dancer since ganon ang karamihan ng mga nasa banda. They care solely about music and playing than anything else. Mas saulo pa nga niya ang steps kesa sa 'kin.

Napangiti ako sa smooth flow ng aming pagsasayaw. At habang nangyayari iyon ay tinitignan ko si Dean. I smirked at him. Patuya ang pag-aangat ko ng kilay sa kanya at mas ginalingan ko pa.

Nahuli ko kung paano tumigil ang daliri niyang naglalaro sa kanyang labi. His fingers are just merely folding his bottom lip now while slightly parted. Nakatunganga lang siyang ganoon habang sinusundan ako ng tingin.

His reaction brought a surge of entitlement to me. Humalakhak ako habang iniikot ni Wilmer.

Bilang parte ng sayaw, hinawakan niya ako sa baywang at inangat saka inikot. Tinukod ko ang aking mga kamay sa kanyang balikat.

"Tama na iyan, tama na iyan! Tapos na ang kanta!" awat n Dean sabay lapit.

Pinagitna niya ang kanyang kamay sa amin ni Wilmer. His other hand is holding my arm pulling me to him. Tumama ang gilid ko sa harap niya.

"Chill..." Inilingan lang siya ng kaibigan at binalikan na ang totoong partner nitos sa cotillon.

"Iyan, ayaw mo kasing makipagsayaw sa 'kin. Naghanap tuloy ako ng iba," pang-aasar ko at humiwalay sa kanya.

Nahagip ko ang kakarating lang na si Erika galing guidance. Simangot na nakasunod malayo sa kanya ang babaeng humila sa buhok ko. I'll ask Erika later kung anong pataw sa kanyang ginawa. That's quite an offense. And I bet the other girl has it worse than my bestfriend.

"It's 'cause I hate dancing..."mariin niyang sabi."At saka hindi ako marunong. Alam mo iyan. And let's not talk about things that I don't know."

Yes. Of course. His ego would be subtly crushed into sand grains once those things he doesn't know about were acknowledged.

Mabagal siyang lumapit sa akin. Nang maramdamang dumidikit na siya ay umatras ako. Hindi niya ako hinayaan na makalayo nang kinuha niya ang kamay ko.

Just a moment of wonder if he's finally going to dance. If we are at last going to see him dance. Nakatingin kami pareho sa magkahawak naming kamay.

"Ang alam ko lang gawin ay paikutin ka..." His voice bordered into a whisper. Inangat niya ang kamay ko saka dahan dahan akong inikot. "...hanggang sa mahulog ka, tapos..." He bended forward as he leaned me back and lower. Kumapit ako sa kanyang braso nang maramdamang babagsak ako. But with his hands on my back and waist..."Sasaluhin kita."

He just did a dip on me. Sumadsad ang nakalugay kong buhok sa gym floor. Sa gulat at mangha ko'y walang namutawi sa aking bibig. The order of ABC's suddenly dear forgotten.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon