SEVENTEEN

126K 4K 2.6K
                                    

Hindi ko alam ang uunahin ko. Helping tita Sonya clean the mess I made is tempting but what tita Bianca said nailed my feet on the floor. My need to move seems to be edible for my weakness to swallow it.

"B, I told you not to say it just yet!" Tita Sonya's frustration is undeniable.

Iling siyang nagbalik sa pagpupulot ng mga piraso ng nabasag kong dessert stand at mga kawawang cupcakes.

Dumudugtong sa humahabang lubid ng kalabog sa puso ko ang bawat tama ng mga basag sa isa't isa. May this be for anger, confusion, longing, hurt...but what ever this means, awareness caught me by this one thing that reigned at the uppermost of my emotions. Resentment.

Trying to lift my feet feels heavy as the truth has its way to sap my knees. I let this all sink in to drive me to anger so I could move! Pero imbes ay binubusog ako ang kahinaan sa paglamon sa akin nito.

"Ruth is approaching young adulthood so eventually the truth would come to her knowledge." Tita Bianca paused. Ramdam ko ang bigat ng sitwasyon sa malalim niyang buntong hininga. "Lalo na't doon din mag-aaral ang batang iyon..."

Lupaypay man ang boses niya sa huling sinabi ay hindi ito pinalagpas ng pandinig ko. It's beyond audible. It's another bomb being launched at my ears. Nahimigan ko rin ang hindi niya pagsang-ayon sa pangyayari.

I wasn't even done processing all of these then this came up? That other daughter is going to our school? Nananadiya ba siya? 

Natanto kong wala na ang kaninang ingay sa labas. Bumaha ng mga yapak papasok sa kitchen kasabay ang ugong ng kanilang pagtataka na unti-unting naglaho nang makita ang lumilibot sa aking kalat.

"What's happening, mom?" Mandy asked. Mabagal siyang lumapit habang sinusuri ang nililinis ni tita Sonya.

Seeing her confusion, nothing clued me in that she knows something. O kung meron man, magaling nilang naitago iyon.  While realizing my grandmother's expression just a while ago announces that she knew. At alam niyang malalaman ko ngayon. That look of sympathy equaled to a smooth threat so as not to terrify me.

Ang sana'y pagtanaw ko sa labas para kay lola ay naudlot at lumihis kay Dean. I couldn't entertain the question in his eyes. He can see right through me. With those eyes I feel that it could read beyond the depths of my soul.

Ngunit umiwas ako at tumulong sa pagliligpit ng mga nabasag sa kabila ng kagustuhan kong tumakbo sa kanya at sabihan siya sa lahat. I wanted to pour everything to him, especially with that look that is inviting me to vent and a promise that he would listen.

"Ako na rito, Ruthzielle," pigil ni tita Sonya sa aking kamay. "You go with your tita Bianca at kakausapin ka niya."

May inutusan siya sa ibang mga pinsan ko na gawin ang trabahong dapat ako ang gumawa. My cousin didn't hesitate and act what she was told.

Hindi ako nagpapigil imbes ay humina lang ang aking mga kilos. Sa panghihina ko at panginginig ng aking kamay ay hindi ko pa kayang maglabas ng galit sa ngayon.

"Is she here?" tahimik kong tanong. 

She knows who I'm talking about. And I couldn't even say her name. I couldn't even call her 'mother' without leaving a bitter taste in my mouth.

Marahang tinapik ni tita ang kamay ko, hindi upang ako'y itaboy kung 'di isa itong panghihimok.

"Umakyat ka na..."

Nang walang pamimilit sa kanyang tono ay napatayo pa rin ako. I wanted to help her clean my mess aware that I'm being at fault. Pero wala rin naman siguro akong maitutulong.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon