NINE

176K 5.7K 3.1K
                                    

Bumalik kami ni Dean sa loob para sa kanilang second set. Sa backstage na ako nanood upang makaiwas sa mga roaming guards. Ang iba kong kasamahan ay may kanya-kanya ring ingay sa likod.

"I love me!"

Kahit mula rito sa frontseat ay kinayang makalusot ng boses ni Erika na naglilikot sa likod ng pick-up. Hearing her like this? I can only assume that they had some liquiors just a while ago backstage.

Napangiwi na ako sa lumalalang tawanan habang tutok sa sinusundan naming pick-up ni Cashiel. Doon kinakarga ang ibang instrumento.

Binigyan ako ng rason na lumingon sa likod pagkarinig  ng dabog kasabay ang pag-uga ng sasakyan. Erika was jumping and laughing already, so were the people around her except Wilmer na ang sama ng tingin sa kanya habang sinusubukan siyang paupuin.

"Pwede ihatid natin si Erika sa kanila? She can't go home like that alone," pagod kong saad kay Dean.

I know that he's tired, too. Akalain mong limang kanta sa dalawang set so that made him sang ten songs tonight. Or at least, just several minutes ago. Five minutes after midnight was the displayed time above the stereo.

At ngayon nagmamaneho pa siya. Mas inalala ko pa ito kesa ang pagharap kay daddy mamaya. 

Kita ko ang pagsisikap niyang pigilan ang paghikab. Nang nilingon ako ay halata na talaga ang pagod niya sa namumula at namamasang mga mata. He smiled.

I'm sorry, Dean. Kung hindi lang talaga lasing si Erika ay hindi ko hihingin ang pabor na 'to.

"Okay lang ba? I hope it's no trouble, Dean. Pero pwede mo rin naman kaming ibaba at magta-taxi na lang kami. Ako na maghahatid sa kanya pauwi..." I trailed off as I witness the dark and quiet streets outside. 

Agad nahawi ang ngiti niya. Iyan at ang imahe sa labas na mismo ang nagbabawal sa aking ituloy ang alternatibo kong plano.

"Then what, Ruth? Have some bunch of assholes do something to the both of you? Alam mo ba kung anong oras na? In this part of the city, it's murder time. Nothing good happens here at past twelve midnight."

His annoyed tone was enough for me to shut up. Alright, he's right! Hindi naman niya kailangan siraan ang lugar na 'to.

Seeing how the dark streets painted a lot of colorful pictures in my head, I know where his annoyance was coming from. I know exactly where that underlying fear was coming from. I have that in me myself.

Pagkatapos maihatid si Erika ay sa parehong eskinita nagpababa ang magkapatid na Rivero. Marami pang mga pampasaherong sasakyan na dumadaan kaya mas ligtas. Out of way na rin kasi kung ihahatid pa sila ni Dean.

Bumagal ang sasakyan at kita ko ang nakatayong bulto ni daddy sa harap ng gate ng bahay pagpasok pa lang sa subdivision. Ramdam ko ang paglingon ni Dean sa akin ngunit nanatili ang mga mata ko kay dad na alam yatang lulan ako ng sasakyang bida ng kanyang paningin.

As the headlights tainted his face, I saw his stare could send this pick-up in flames anytime. Pumalo ang kaba sa dibdib ko. I texted him a while ago, pero huli na. I should have texted him right after agreeing to go to the bar.

Nang umibis ng sasakyan ay doon ko pa lang naisip na sana hindi muna kami umuwi. Bigla akong naduwag. Bumaba na rin si Dean tanda ng lagapak ng pinto sa side niya.

Nothing scares me more than seeing my father angry. It scares me even more to know the extent of it.

"You didn't tell me na aabutin kayo ng madaling araw," aniya nang nasa harap na niya kami. Ang tindig at halukiphip niya'y sapat na upang mapaatras ang kahit sino.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon