SIXTEEN

143K 4.3K 1.8K
                                    

          

 

Mula noong sembreak ay walang palya ang mga pinsan ko sa pagpapaalala na dalhin si Dean sa birthday ni lola. Mukhang nagsagawa pa nga yata sila ng countdown sa kanilang mga kalendaryo. They kept on reminding me almost every week!

"This Saturday, ha? Punta kayo rito sa bahay. It's lola's seventy eight year! Sama mo rin si tito Ralph." Si Margot sa kabilang linya. Mandy and Belle's cheers of support second the motion.

The day also serves as our annual family reunion. Kumukulo na ang takot sa namuong posibilidad.I hope to dear God that she won't show up like it's always been since she left.

"I'm not sure, baka kasi may gig sila sa araw na iyan. That's a weekend," ani ko habang pinaglalaruan ang cord ng telepono.

Hindi muna sila masyadong tumutugtog dahil sa nalalapit na examinations. They do weekends in place of Tuesday nights, Thursdays and Fridays. Babalik naman sila sa regular schedule sa Christmas break which for sure ay mas malaki ang kanilang kikitain. But they didn't sign up for the money. It was all about the music for them.

Milagro kung maituturing na hindi na nagka-cutting class si Dean. Sinabi ko nga, hindi ko na siya papansinin kung hindi siya mag-aaral nang mabuti. Since then, he shuns cutting classes like a prey running off from its predator.

"Dean..." mahina kong tawag sa kanya habang nakapalumbaba.

"Hm?"

Sa lambing ng boses niya ay nanlambot ako. Iyon lang, nasa ginagawang assignment sa Math ang kanyang buong atensiyon. Mas gusto niyang tapusin ito dito sa library para raw sa pag-uwi ay diretso na siya hilata sa kama.

"Busy ka this Saturday?" tanong ko.

Pumitik pabalik ang kaba sa pagsasalubong ng kilay niya. A wave of alert filled me. For several heartbeats I thought he's pondering about my question.

But I was wrong. Dikit na dikit ang noo niya sa papel habang nagsusulat. His pink lips thinned when he's dead serious about something including this.

"Hindi naman..."

Mas lamang ang concentration niya sa pagbibilang sa kanyang mga daliri kesa ang makipagusap sa akin. Gusto kong mairita! But witnessing how he's being invested in his studies wiped that irritation like a flashflood. 

Sandaling tumambay ang paningin ko roon. He's solving an equation. Sa sobrang seryoso niya ay pakiramdam ko may tutuligsa sa akin sa oras na gigibain ko ang kanyang konsentrasyon. 

Hinintay ko muna siyang matapos sa pagsusulat ng sagot bago ako sumulong.

"Wala kayong practice or gig?"

He stopped and finally, his attention is on me! Ang pagkagatla ng noo niya ay may halong aliw. Sumusundot ang dila niya sa loob ng kanyang pisngi. Sa ganitong ekspresyon, hinanda ko na ang sarili sa kanyang pagbibiro.

"Why? You're gonna ask me on a date?" He smirked then chuckled.

Namilog ang mga mata ko. "Ako pa talaga magyayaya!"

Nagkibit siya at binalikan ang assignment. "Para maiba. Don't worry, ako naman ang magbabayad."

I watched him getting deep into his task again. Weird kung paano may mas gana pa siyang gumawa niyan kung dati rati'y halos isumpa na niya ang pag-aaral. Natutukso na nga akong ipagawa sa kanya ang assignment ko. I'm sure he's going to do it pero ayokong abusuhin iyon.

"Anong silbi ng boyfriend? Siyempre tagadala ng bag mo. Tagapaypay at tagabili ng pagkain. Makakatipid ka pa, 'di ba? Ipagawa mo na rin assignment mo para sulit."

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon