EIGHT

202K 5.9K 2.2K
                                    

"So anong ginawa niyo?" tanong ko kay Erika.

Nagkibit siya habang lumilipad ang mga daliri sa cellphone niyang nakabaon sa makapal na libro. Nasasayangan nga ako. Malalim ang gupit sa gitna ng mga pahina . This is her way of hiding the phone while texting during class. 

"Wala...kumain lang. Nilibre niya ako ng mango shake."

Malikot ang mga binti niya at tila wala na sa katext ang atensiyon kung 'di sa anumang nangyari kahapon.

"Bakit niya ginawa iyon?" patuloy kong usisa.

Ningisihan niya ako,  isang patunay sa tumitiling damdamin  para sa malamig at madilim na Ortigoza'ng iyon. Tinignan niya ang mga kaklase kong abala sa ibang bagay bago ako masiglang binulungan.

"Nag-like siya sa status ko sa facebook kagabi!" aniya at impit na tumili.

Napairap ako. "Nag-like lang si Kiefer sa status mo akala mo naman liligawan ka na niya. Nilibre ka lang din ng shake, hindi binigyan ng singsing!"

Tinulak niya ako't kinuha ang binabasa kong The Little Prince upang ihampas sa aking braso. Binawi ko iyon agad at hinaplos. Pabalik-balik kaya ako sa bookstore sa SM at Ayala para lang makabili ng kopya. 

Of course, hindi ito pinalagpas na hiramin ni Dean. Hindi na talaga ako magtataka kung wala akong makikitang laman ng bag niya maliban sa tubig at pick ng gitara. Figures to me kung bakit palagi ito mukhang matamlay.

"Magpapa-quiz si Ginang sa inyo mamaya. Nag-quiz kasi kami kanina pagkatapos ng lecture. " Binuksan niya ang libro sa isang kabanata at itunuro ang sinulat niyang side notes. "Memorize this. Lalabas 'to."

Tumatango-tango na si Erika sa gilid ko hindi pa man tapos sa pagsasalita si Dean. Inagaw niya ang aking libro upang simulan nang magsaulo.

As usual, Dean's squad was biding their time like the King's slaves, waiting for their master to tell them what to do. Ganon nga siguro ang aura ni Dean. Always the leader of his pack. The master of his domain.

Ngayon ko naitanong kung saan sila kadalasang nagla-lunch. Kung naaabutan ko naman kasi sila sa canteen ay hindi ko sila nakikitang kumakain. Well, I've never really seen them eat at all!

Ang mga babaeng madalas na umaaligid sa kanya ay hinihintay rin siya sa kabilang puno ng mangga. They're giving me the stink-eye as though I'm the offensive dirt on their million dollar worth outfits. And I don't like it.

Mabilis akong tumango at hinihiling na kasing bilis din rito ang pag-alis ni Dean upang mailayo na sa akin ang mga babae niyang nagpapagandahan sa kanilang mga pamaypay, dinaig ang Donyang may makapal na kolorete sa mukha sa El Fili.

"Uhm...Ruth?"

Kumurap ako sabay lingon sa kanya, maang-maangan sa nagliliyab niyang presenya at kung paano ako pinapaso nito.

"Hm?"

May pag-aatubili sa kanyang mga mata. Bahagya ang kagat niya sa ibabang labi. Tila ba tinatantiya niya kung ano ang maging kalalabasan ng kanyang sasabihin.  May balingkinitang takot sa anumang hatol ko. I swear, the sight alone pinches a part of me, tugging a string to make this young numb heart feel.

"Sasakay ka ba sa carpool niyo mamaya?" Humugis ang pag-asa sa kanyang tanong.

"Oo, bakit?"

Wala akong masungkit na rason sa pagkatunganga niya. I want to interpret it as shock but I don't think so. Mas humukay ang ngipin niya sa kanyang labi sanhi ng pamamasa at pamumula nito saka bumaling sa ibang direksiyon, tila may lihim na pinaplano.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon