THIRTY FIVE

162K 5.2K 4.5K
                                    

My father went into a coma due to cardiac arrest. Naging tahanan ko ang ospital sa loob ng isang buwan.  It was too sudden that I went as close as being depressed that I almost forgo college. It was so easy for me to give up everything because that's what I always do. It was the easiest to do. To do nothing. To run away. To leave.

Sa kalagitnaan ng pagdedesisiyon ko noong umalis ay pinaalalahanan ako na paano na kung wala ako? With my gestating sister, I'd thought that I have to hold myself for them. Kaya kung ano man ang naisipian kong bitawan ay siya nang kinakapitan ko.Through my college friends I tried to shy away from my problems. Occasional parties, flings and some boyfriends, a little bit of studying all compressed into one being an outlet.

But no matter how many people surrounded me, with sweating, moving bodies one night under the blinding lazer lights, a problem always makes me feel I'm alone.

They all flashed like several sunrises before my eyes. Habang nagpupuyos pa sa galit at mabilis ang mga hakbang palayo roon, iyon ang umangkin sa aking alaala. That state of being alone faired to this kind. This happens to be a déjà vu of being in solitary.

Pumapanaog pa lang ako sa hagdan ay may humigit sa aking braso't muntik ko pang ikinaakyat ng isang baitang sa kabiglaan nito at lakas.

Wilmer's unreadable composure surprised me a bit. He caught me when I almost stumble. Pumalatak siya habang inaayos ako ng tayo.

Sumasakit lalo ang ulo ko. Wala na akong maintindihan at tanging paghingal ang lumalabas sa aking bibig sa halip na boses ng mga katanungan. My throat felt so painful and dry from the threatening sob.

"Alam mong..."I choked. Huminga ako nang malalim. "Alam mong..."

Lalong nagliyab ang aking mga hingal nang may napagtanto. Lumukot ang aking mukha sa subok pagpigil ng hikbi. Nanginig ang aking kalamnan. Dean wasn't even able to keep it a secret the way I expected him to. Ni hindi ko sinabihan si Erika tapos...siya...God! Why? Did I love the wrong man?

"Tita Elle's your mother. Jaillin's your half sister. Yes, I know," mahinahon ngunit malamig na kumpirma ni Wilmer.

"It's Jillian..." hindi makapaniwala kong anas, tila ba panaginip lahat ng nakita ko kanina.

"Whatever. Basta siya."

Mariin akong pumikit at iyon agad ang naglalaro na imahe sa dilim. Her hand on him, intertwined. A kiss in his cheek from a renegade's lips. Painted in pink. Modified beauty masks with innocence.

Nanginginig ako sa paghiling na sana bangungot lang iyon.  Please someone wake me up. How did this happen? How come? Sa dinami daming mundo na maaari kaming magtagpo muli, dito pa?Sa ganitong paraan. Sa harap ng taong pinagkakatiwalaan ko. Ayaw ko nang mag-isip dahil wala na akong maintindihan.

"Dean told you..." I breathed the words. The heavy weight in my chest pulled my strength, banning me to speak through exhaustion. 

"Hindi na importante  kung sino ang nagsabi. You see why only half of me wanted you to do this?"

My brain power's astray for me to analyze anything. Umiling na lang ako at nagbaba ng tingin. Sumusuko at pagod na pagod na walang kinalaman sa mga ginawa ko buong araw.

"Uuwi na ako. Pakisabi na lang sa kanila—"

"Ruthzielle!"

Lakad takbo si Marcus papunta rito na umiigting sa kalituhan ang mukha.  I forgot about him for a minute. Ngayong nakikita ko na siya ay binuhay ang sama ng loob ko ng pangangapa ko ng sagot. 

"Alam mo ang tungkol dito, Marcus?" Tumaas ang boses ko.

Tila suntok sa kamao ang aking tanong nang siya'y huminto. The stain of confusion a while ago now became drops. 

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon