Tumayo ako at mabilis nagligpit ng mga gamit. Hindi ko tinitignan si Dean. I just want to get out of here straightaway.
Umingit ang pinto sa likod kaya mas binilisan ko ang mga hakbang. I don't have to look back. Sinisigawan ako ng pabango niya na nakasunod siya.
"Ruthzielle!" mahigpit niyang sambit.
Umiiling ako at dinoble pa ang bilis. Mainit ang lunchtime kaya umabuloy ito sa pamumuo ng aking pawis. Sa matayog ng sikat ng araw ay tila binubulag ako sa mga lugar na maaari kong pagtaguan.
Mabilis tumatakbo ang isip ko kung saan ako tutungo upang iwasan siya.
I don't need this with Dean. I don't want to do this with him if that's where he is leading us. He's flirting with me and it's nature to him. If I flirt further back, he's going to take a bite on it until he decides that he's done.
The last thing I want is to involve myself on things that won't offer me certainty. Dean is an uncertainty. He's just going to offer me a vague future. I don't need that for now. Heck! I will never need that! Ever!
Siguro nga ay wala akong naririnig na may pinopormahan siyang babae pero wala rin naman akong naririnig na nauubusan siya. He entertains the girls who wooed and chased after him! Hindi rin naman siya ang tipo na nakikita mong naghahabol. I can never imagine him take the merry chase after some chick. Or grovel and weep over her.
So this, him after me, is a blinding neon sign that points exit. Because Dean is fire. I don't want to get totally burned just yet. Napaso na ako. Ayoko munang masunog.
Sumabit ang hininga sa lalamunan ko sa pagkagat ng isang kamay sa aking braso. Halos madapa ako nang kanyang hinatak papasok sa ilalim ng hagdan ng table tennis court. Bago pa ako makapanlaban ay naisandal na niya ako sa pader.
Here we go again.
Nabalewala ko ang dumulas na strap ng aking bag. The fall created a thud against the dusty floor. Kinulong na ako ng berdeng mga mata na tila lubid itong ginagapos ako sa kinatatayuan.
"Why are you running away?" nagtambal ang gaspang at lalim sa kanyang boses.
Kahit hindi magmukhang galit si Dean ay mapapaisip ka pa rin kung lalapitan mo ba siya o iiwasan. His looks could make you desperate for him. While his intensity could make you hesitate to go near him.
How much more if this look he's giving me doesn't promise anything good? Undoubtedly, he's really mad! Nanginig ang kilay niya at sa ilalim nito'y mga matang sinasaksak ako ng patalim. God! I could cry blood.
"In case you don't know, Dean, I don't like the attention. Ipapaalala ko pa ba sa 'yong kahit ang atensiyon ay naaakit mo? Kaya kung sino mang gustong sumikat ay lumalapit sa 'yo. But definitely, hindi ako isa sa mga iyon."
Tinitigan niya lang ako. I'd be a hypocrite if I say I didn't feel anything from that even when he's not giving me any ounce of hope of gratifying me an answer. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko o hindi niya maintindihan.
Tumitibok ang pag-asa kong magsalita siya.
"You're stripping me away from my social life," patuloy ko nang hindi siya magsalita, inaasahang mapapaatras ko siya pero hangin lang ang duminig sa hiling kong iyon.
Inangat niya ang isang braso upang isandal sa gilid ng aking ulo. Ang mga daliri niya ay banayad na humahaplos sa hibla ng buhok ko salungat sa pinapakita niyang galit ngayon. Para itong nanunuya sa frustration ko!
"Most of them hate me at hindi ko alam kung anong mali sa pagkakaibigan natin. The rumor mill says that it started from your mad stunt in the bar and they chose to live with that. My guy classmates are avoiding me like a plaque! Hindi ko maintindihan! My girl classmates are...still...well, don't like me."
BINABASA MO ANG
THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2
RomanceWild, young and free... Madalas kapag sa murang edad nagsisimula ang isang relasyon, hindi gaanong siniseryoso ang mga bagay-bagay; Rash decisions, immature mindset, juvenile beliefs...but one man excluded himself among those who believe in the theo...
