FORTY FOUR

200K 5.1K 3.9K
                                    


"Gusto raw ni Wilmer na sumabay na kami pabalik ng Cebu. But even if he won't say so, iyon naman talaga ang gusto kong mangyari," Si Sue na nakaupo sa tapat ko nitong island counter.

Sila ang bumungad sa amin mag-aalas otso pa lang ng umaga. Kasama si Skylar na siyang naghatid sa kanila, dahil hindi pa rin nito kinakausap si Wilmer hanggang ngayon.

Last night suddenly became a fresh memory now in her presence. Pagpikit pa lang ng mga mata ko kagabi para sa pagidlip ay binura ang mga pangyayari ng init ng mga bisig at hininga ni Dean. It never felt cold when that kind of heat burns into your skin and lulls you to a deep sleep. The warmth against the cold felt so damn good. Hanggang ngayon ay parang napapaso pa rin ang balat ko.

"Sabi ni Sky?" medyo tumaas ang aking tinig sa kaba.

Nakita ko ang kanyang pagtango habang humihigop sa likod ng usok ng mug. Agad kong binalikan ang ginagawa dahil tila nababasa niya ang aking iniisip. I put three pancakes in her plate and rained them with a maple syrup bago dinulas sa harap niya kasama ang dalawang mug ng tinimplang chocolate drink.

"When will you talk to him? Akala ko magkasundo na kayo pagdating kay Arrow?" tanong ko habang nilalagyan ng bacon ang plate ni Dean.

"We were, until he insulted you. Wala siyang karapatan, ate. The guy should know his limits."

A small smile pulled on my lips. Kung para saan ito ay marahil sa dalawa lang iyan; Sue's sustained maturity since Arrow's birth or for siding with me or both. Sa nagiging sitwasyon namin mula pa noon, tama lang na kami na lang ang magdadamayan.

Inagaw ng dumaang katahimikan ang ingay ng cartoons sa tv at pakikipagusap ni Arrow kay Sunita. He's sitting infront of the cat eating its catfood.

"Mommy, I want a cat, too. Walang kalaro si Suni..." anito habang may catfood sa palad at sinusubuan pa ang pusa.

Pinipigilan ni Sue ang mangiti sa pinapakita nitong iritasyon. She served a piece of pancake on a smaller plate. Tinabi niya ang mas maliit na mug rito.

"Come here na and get your pancakes, Arrow. Tita Ruth's done making them."

"Later...Suni is so alone. Wala siyang kasamang kumakain." Totoo ang lungkot at awa na naririnig ko sa bata. Sinandal nito ang baba sa pagitan ng magkadikit niyang tuhod at pinapanood lang ang pusa. The young boy smiled when Sunita sweet purred.

I've never thought of it before I found out but now that the secret's out, and the longer I stare at Arrow, I get to see the evidence of Wilmer in him. Lalo na ang mga mata nito sa tuwing seryoso at walang imik. Even the pitch black hair since my sister possessed a light brown.

Ang hindi ko lang matanto ay kung saan galing ang pagiging masiyahin nito. Or maybe it was just part of his youth and innocence. Someday, he'd get either Sue's attitude or Wilmer's cold bearing. Sa ngayon ay mukhang sa tita Sky niya nakuha ang pagiging palangiti. Hindi naman kasi ako palangiti.

"Busog na iyong pusa, Arrow. Kanina mo pa iyan pinapakain. You get your pancakes here then you can watch the cartoons," mahinahong sermon ni Sue.

Doon na tumayo si Arrow at pinagpag ang kamay sa pants. Umangat ang kilay ko nang 'di sadya dahil sa tuwid na tindig nito ay si Wilmer agad ang naalala ko! Jeez! I still couldn't get over being mind-blowned!

"You wash your hands, first."

Tumayo si Sue at sinamahan ang anak sa sink. Binuhat ito at tinulungang maghugas ng kamay.

Bringing the mug to my lips, my eyes drifted to Dean's black coffee that has probably gone cold already. What took him so long to wake up? Dapat gising na siya dahil may event pa silang dadaluhan mamaya.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon