SEVEN

221K 6.2K 3.4K
                                    

Sinikap kong indahin ang init sa aking mukha dahil sa sinabi niya. Hanggang makarating kami sa library ay hindi ko siya inimik. I'm just too stunned to talk!

However, I was somewhat amazed that he put me down here as if he could read my mind. Dito talaga ang tungo ko upang kunin ang bag na iniwan ko sa kakilalang working scholar sa library.

Sa pagbabalik sa driveway ay iniwasan kong dumaan sa gitna na maglalantad sa akin mula sa gym. Binilisan ko ang mga hakbang kasabay ang ginhawa nang matanaw ang kakapasok lang namin na carpool sa school gate.

Sumaglit ang mga mata ko sa naglalaro ng volleyball. Kita ko kung paano sila huminto sa paglalaro at mukhang kanina pa nila ako inaabangan na dumaan. God, I've never been wanted this way for destruction!

Muli kong nakita ang galit mula kay Lucia. Mas binilisan ko ang paglalakad sa pag-aakalang hahabulin niya ako ngunit nang tinanaw muli ay nanatili ito sa kinatayuan na mas kuyom ang kamao at nagdabog.

"Walk straight. She can't hurt you."

Ikinabigla ko ang nagsalita sa likod. Saka ko lang napansin si Dean na nakabuntot.

I don't know what he wants but asking him means regarding him. Again, I have to thank him for this dahil siya marahil ang dahilan kung bakit hindi ako sinugod muli ni Lucia. Yet, my expression of gratitude can wait.

To wherever my urge of snobbing him came from, I still have yet to know. Maybe it sprouted from the shame which rooted from assuming something that isn't even true.

Papahupain ko muna ang hiya ko bago ko siya papansinin. So in order to cover my tracks, snobbbing him would make a good art of it.

At saka...ang sarap kayang nguyain ng pride ko.

Kumalabog ang aking sapatos sa kahoy na sahig ng multicab pagkapasok. Umuga ang sasakyan sa bawat hakbang ko. I am the first one to get in. Sa pinakadulo ako umupo sa mismong likod ng passenger's seat.

As I put my bag on my lap, wala sa sariling bumaling ako sa labas at nakitang papalapit dito si Dean. My eyes rounded in alarm!

Halos mabingi ako sa pagkalabog ng dibdib ko lalo na't ako lang mag-isa sa multicab. Nasa labas si kuya Edwin upang makipag-chikahan sa ibang carpool drivers.

Hiniga ko ang ulo sa headrest ng passenger at nagkunwaring matutulog. Another way to avoid is to pretend. Ilang sandali ang pinalipas ko bago idilat nang bahagya ang kaliwa kong mata upang sumilip muli sa labas.

Dean was already talking to Lucia na mukhang ito pa ang lumapit sa kanya. His broad back is facing me kaya mga kamay lang ng babae ang nakikita kong panay ang taas indicating her frustration.

Galit na boses niya ang naririnig ko though hindi ko masikop ang mga salita niya. Tahimik na nakikinig si Dean na nasa balakang ang mga kamay ngunit halata ko ang inis nito sa mabilis niyang hingal at panay pasida sa kanyang buhok. Para bang hindi na siya makapaghintay pang makaalis doon.

I could tell, but I'm not sure, that they're talking about me. Or maybe about them. Tss. Hindi girlfriend, huh?

Natabunan ang pinapanood ko sa bulto ni Sue na pumasok sa sasakyan.

"Anong nangyari sa braso mo, ate?" tanong niya pagkaupo.

Dumaing ako at kunwaring naistorbo sa pagtulog. Nanginig pa ang aking mga mata na sinubukang sumilip sa labas. So much for pretending, Ruth.

"Wala..." Pinagpasalamat ko ang ngalat sa aking boses.

"Anong wala? Pati mukha mo may kalmot!"

I ignored my sister. I just don't want to talk about it. At ang isipin lang ang tungkol doon ay nagpangyari na ng pangangamba sa akin para bukas.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon