TWENTY TWO

143K 4.2K 2.9K
                                    

Kiefer and Erika became the prom king and queen that night. Hindi ko maipaliwanag ang sayang naramdaman para sa kaibigan. Erika won't give me her camera, so nanghiram na lang ako sa classmate ko para kunan sila. I took five shots of them.

"Erika, ano ba! Lapit ka pa..." Sumenyas na ako.

Kulang na lang pasakan ko siya ng baterya para lang kumilos. She won't move a muscle!

Binantaan niya ako ng tingin. Tinutusok tusok niya ang nguso niya na para bang masasaksak ako niyan. Buti nga si Kiefer ay game lang at siya pa ang lumapit. Umakbay pa!

"Ihh...!" pang-aasar namin.

Panay ang ngisi ko habang pinipicturan sila. Hindi talaga siya makangiti nang mabuti. While Kai is being confident and handsome. Bagay na bagay sa kanya ang korona at sash.

Nasa likod ko si Dean na kanina pa tahimik. He follows me every where I move to find a perfect spot to take a picture. Tipid din ang mga sagot niya sa mga kumakausap sa kanya.

"Kung hindi ka lang palaging nagka-cutting class, ikaw sana prom king," ani ng lalake niyang classmate. Muntik na akong tumango upang sang-ayunan ito.

"Okay lang. Ayaw ko rin naman maging prom king. My brother deserves it more."

Nilingon ko siya sa sinabi niya. Bumitaw siya sa pagkakahalukiphip at nilapitan ako.

"Tapos na?" tanong niya sabay lipad ng kamay sa kanyang buhok at bahagyang hinihila-hila ito.

Hindi ko mapigilang tignan siya bilang isang rebeldeng prinsipe na tinakasan ang kanyang kaharian. With his messy sand brown hair, a dazzling white horse with him is sure to complete that image I pictured him to be.

Umiling ako at binalikan ang pag-scan ng mga pictures sa camera. Humantong ako sa mga pictures kanina. Bigla na lang suminghap si Dean sabay hinablot mula sa akin ang camera.

Umikot ako upang makuha sa kanya iyon ngunit binawi ang aking kilos sa nakikitang talim sa mga mata niya. He's murdering the pictures with his stare.

"Bakit kayo may picture ng kapatid ko? Tatlo pa! Tayo wala!" Kasing kintab ng kotse niya ang kanyang iritasyon.

Narinig iyon ng classmate ko na ngayoý tumatawa. Kinuha niya ang kanyang camera at sumenyas sa amin.

"O, mag-pose na kayo diyan at baka umiyak ka pa."

Hindi na nagpatumpik pa si Dean at hinila ako sa floral arch na may mga palamuting bulaklak at series lights. Hinintay pa naming matapos ang iba na nagpa-picture doon bago kami lumapit.

Nang matapos ang huling pair ay nagpatiuna agad si Dean roon hawak ang kamay ko. Agad siyang lumipat sa aking likod. 

Kumuha siya ng bulaklak galing sa arch at nilagay sa tenga ko. Bahagya akong natawa sa ginawa niyang pakulo. How did I even allow him to do this is beyond me. Ini-enjoy ko na lang dahil walang mangyayari kung tatanggi ako.

I secretely checked some students looking at us. Mga nag-aabang din na magpa-picture sa arch. Kumunot ang noo ko na may ilang camerang nakatapat sa amin. Or maybe kay Dean lang.

I felt his hands snaked on my waist and they intertwined in my stomache. His breath that has already tickled my nape signals how his face is coming near.

In my vacant shoulder, nilagay niya ang kanyang baba roon.  I angled my face to give him more space right there. Aking pinatong ang mga kamay ko sa kanyang nagsiklop nang mga kamay sa aking tiyan.

"Smile!"

I gave the camera the prettiest smile I could afford. Dean's hands tightened as he pulled me cloer to him.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon