FOURTEEN

144K 4.9K 2.6K
                                    

"Best friend ko iyan! Panalo na iyan!" Pumalakpak si Erika at tumayo. Katabi niya ang kapatid ko na winawagayway ang pompoms.

"Ate ko iyan!"

Since ako ang nakapuntos sa huling serve ay lumipat ako ng service court. One point lang ang lamang ng kalaban mula sa blue team at sila ang champion last year. I have to win this!

Inikot ko ang leeg ko upang agapan ang sumusuot na pawis. I tried to ignore it. I caught Dean while I'm preparing to serve. Nag-angat siya ng dalawang thumbs-up at kinindatan pa ako!

A button was being pushed inside me that enwraps heat around my chest. Tinago ko ang ngiti sa pagismid.

Malutong ang tunog ng shuttlecock sa aking pagtama.  From then on, the rally became consistent dahilan ng pag-iingay ng gym. I don't want the cheers to get in my head 'cause I have to focus on how to keep this going hanggang sa hindi na kayanin ng kalaban ang tamaan ito. 

Sapat lang naman ang bilang ng mga nasa gym upang punuin ang bleachers. Ngunit hindi ito kagaya ng pagdumog sa outside court para sa on-going game ng volleyball. Naroon lang naman yata sila dahil nasa volleyball ang karamihan sa mga chicks at mga varsity players na mga crush ng bayan.

"Sugar! Sugar!"

Tangina. Isigaw ba naman iyon?

I didn't look at Dean at baka mas lalo pa akong mawalan ng focus. Umawang ang bibig ko sa muntik ko nang hindi pagtama ng paparating na shuttlecock. Tumili ang sapatos ko kasabay ng pagtili rin nang ilan. Damn! Huwag ka munang mag-cheer, Dean, please.

Sa muling paghagis ay medyo mataas kaya tumalon ako. I was aiming for a smash shot at nasalo pa rin iyon ng kalaban. My opponent smirked at me.

"Champion! Simeon! O 'di, ba rhyme?"

Nawala ako sa concentration kaya hindi ko nagawang tamaan ang muling hagis. Natawa ako sa cheer ni Erika. Sabay ang reaction ng mga tao sa disappointed na 'aww' at palakpak naman sa kabilang team.

Tinuro ko si Erika ng racket ko. She bit her lip at showed me a peace sign. Hinila ni Sue ang buhok niya sa inis.  

"Okay lang iyan. Crush pa rin kita!"

Inignora ko na lang iyon at inabangan ang pag-serve sa kabila. But the whispers and murmurs bothered me.

"You're throwing your own damn sloppy balls to hell. Patay ka kay Ortigoza. Nandiyan lang iyong bakod sa tapat, o."

"Tss...maniwala..."

Instinct tapped me to look at Dean. Nakatayo na ito at parang sinusuyod ang paningin sa bawat espasyo ng bleachers kaya hindi ko makita ang reaksyion niya.

"Push up na iyan!"

Lilingunin ko pa sana ang sumigaw ngunit pumito na ang referee. Tinignan ko siya at sumaglit na rin ng tingin sa scoreboard.

Everywhere sounds so alive as the game carried on. Cheers, claps and bets crowded the gym air.

I'm not sure with myself though. Dahil sa mga panay kong paglingon sa pwesto ni Dean kanina ay wala na siya. Inanod ko ang sarili na hindi mag-alala, o isipin kung saan siya pumunta at mag-focus na lang sa laro. Hindi ko na rin pinapansin ang mag nag-cheer sa akin.

He didn't come back until the game ended. He didn't come back to watch me win my first game.

"Alam mo bang nanghingi ako ng sign? Na kapag mananalo ka, mananalo rin ako sa Ms. Intrams bukas! Nako, sure win na ako!" Inagaw ni Erika ang isang pompoms ni Sue at winagayway . "Orange team! Wooh!"

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon