TWENTY

156K 4.6K 2.6K
                                        

Nakalaya man sa kumpulan ay kinukulong naman ako ng paninikip ng dibdib ko.

The rush of blood in my veins has me on edge. Gusto kong maligo, but I doubt it would simmer down my flaming frustration. Naging gaas lang yata ang subok kong pagkontrol. The more I put all the stops, it only blazes like a relentless wildfire.

"Uy, Ruth. Kumakanta lang sila. Ilugar mo ang pagseselos mo, jusko!"

Nahabol ako ni Erika at nagawang pumantay sa lakad takbo ko. Nahati ko ang grupo ng nagtatawanang mga CAT officers sa gitna ng court field. Maingay silang lumayo sa akin na tila naglalakad akong apoy. I don't care.

Pagak akong natawa.

She has my mother! At kung sa estadong iyan ay hindi pa niya kukunin ang atensiyon ni Dean, can she tell me where to place my jealousy? Like hell? Yeah! Probably. In hell!

Kinain ko na lang ng pizza ang emosyon kong hindi pa nagpakilala. I'd consider that the closest was jealousy. But it wasn't exactly that.

Nilibre ko na rin si Erika dahil sinamahan niya ako. Hindi pa kami bumabalik sa gym pagkatapos marinig na tatlong kanta pa ang pinagsaluhan nila. I bet my talentless ass that the people like their tandem they'd even asked for more.

Kung marunong lang akong kumanta, ganon din kaya ang maging pagtanggap nila sa amin ni Dean kung magdu-duet kami? I couldn't reallly tell. Talent should be inborn. My inborn capability is being rude. I couldn't even call that talent.

Why do most people hate me is because I usually snub at people that I don't like to deal with. I know myself that way. Mapili ako sa pinapansin ko at depende lang sa mood kung gusto kong maging mabait sa kanila o hindi. Criticism is welcomed but asking me to change is a sure reject.

While plain Jillian can be everybody's bestfriend. Innocent but inferior. Nanginig ang pakpak ng mga anghel sa kabaitan ng itsura niya. And that voice! That voice can tempt anyone to pray the rosary everyday! What saint would not be threatened by that?

Hindi nagtagal ay namalayan kong wala na ang ingay sa gym. Students started to scatter on the open court field and on the driveway. Ang ilang seniors na nag-canteen ay nilapitan kami.

"Girls, lipat daw tayo sa open court," ani ng isa sa kanila.

Ang kasama niya'y mabilis nag-iwas nang tinagpo ko ang tingin.

"Bakit daw?" tanong ni Erika.

"Doon gaganapin ang prom. Iyong formation ng line magsisimula sa freshmen building. Andun na si Ms. Guillen, pinatawag na tayo."

"Sige, salamat!"

Inubos muna namin ang natirang slices saka kami tumayo. Dala ang mga tubig namin ay tumungo na kami sa freshmen building. Hindi naman masyadong pormal ang nakikita naming pila roon so we didn't hurry.

Maingay ang hallway dahil sa nagtatalakan na mga estudiyante. Nag-aasaran pa ang iba kung saan partner ng ilang seniors ang mga third years. Mukhang nasa height talaga ang kapalaran namin sa prom.

Nang mahagip si Wilmer ay dumirekta agad ang mga hakbang ko sa kanya. Saglit niya akong sinulyapan saka binalikan ang kausap na third year sa harap niya. Erika's partner.

"Papabili nga ako ng bagong version ng game. Maraming magandang features. Ni-research ko."

Nagkibit si Wilmer, mukhang bored. "Okay lang. I still like the original. Parang ginaya kasi sa ibang game iyong bago."

I don't know what game they're talking about. Nakikinig lang ako dahil wala akong magawa. Erika's talking to the girl infront of her about their favorite Kpop idols na bigla nalang nauso.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon