FORTY TWO

173K 5.3K 2.5K
                                    

Ang tunog ng ospital ang umaagapay sa aking pagbabasa. I am face to face with a Lippincott manual of nursing practice book that I just recently purchased ahead from everyone else. Para naman hindi ako magmukhang mangmang na papanoorin na lang ang ama kong hindi pa rin naggigising hanggang ngayon.

The flashbacks from three days ago was even dreadful. His face today was a better view despite the machines with the means of life support. Salungat ito sa guhit ng hinagpis noong nakaraan habang sapo ang dibdib niya hanggang sa bumagsak siya sa sahig.

My heart ached as I was being reminded of it. Mabilis kong pinikit ang mga mata at pinilig ang aking ulo, inalis sa buntong hininga ang bigat ng loob nang binalikan ang binabasa. The words and sentences didn't make sense to me anymore. 

Mag-isa akong nagbabantay sa ICU. Despite the peace , the ventilation hiss, monitor beeps and other sounds combined scared the daylights out of me. Dagdagan ng lamig, tila ba ay nasa paligid lang si kamatayan at ang mga tunog ng makina ay ingay ng paghahanda para sa madrama niyang pagdating upang sumundo ng mga kaluluwa. That thought made this whole thing all the more terrifying that I shivered.

Ipinagpasalamt ko ang tunog ng cellphone upang tigbasin ang daloy ng aking isip. In the screen is a long line of number from overseas. Nanginginig ang kamay ko sa lamig habang pinipindot ang accept call icon.

"Hello?"

Malabo at putol-putol ang boses noong una kaya tumayo ako't lumapit sa bintana. Paulit –ulit akong nag-hello at pati na rin ang boses sa kabilang linya.

"Hel..lo Ruth..."

"Tita B..." tugon ko upang ipaalam na malinaw na ang boses nito sa akin. Sumandal ako sa bintana at katapat ang isang blankong pader.

"Ruthzielle ijha, Kamusta? Can you hear me now? How's your dad?"

I drifted my eyes to my unconscious father. Wala akong makapang emosyon ngunit labis ang nararamdaman kong panghihina at pagod.

"He's still not waking up..." gumaralgal ang aking boses.

Mabigat ang pagpapakawala niya ng hangin. "Pasensiya na't hindi ako makakabalik muna diyan. You know that I've just recently travelled back here in France at hindi rin ako papayagan ng employer ko. But I'll try to convince her, okay? Naitawag ko na rin sa mga tita's mo ang nangyari. They'd probably be giving you a ring in any minute by now."

"Thanks tita, I understand... "

"Are you in the hospital? Sinong kasama mo diyan? Si Sue?"

Niyakap ko ang sarili sa kabila ng suot kong cardigan at inalay na ang buong likod ko sa de-kurtinang bintana.

"Ako lang po. Kakagaling ko lang sa school. Pupunta rin dito si Tito Nelson upang bumisita.  He caught the first flight as soon as I told him what happened. Si Sue naman ay hindi ko masyadong pinapalabas ng bahay sa kalagayan din niya ngayon, but she was here yesterday."

"Okay good..." She was silent for a fleeting moment. Hinihila hila ko ang red and white ribbon ng aking nursing uniform. "How about you? Kamusta ka?"

I could hear an undertone of the question that reaches back to the wedding that didn't happen. Hindi ako sigurado kung nasiyahan siya nang malaman ito dahil siya ang labis na tumanggi. Asking me if I'm okay everytime she gets the chance made me doubt how she really felt about it.  I could adeptly spell worry, but dumb to make out the real intentions. 

"I..." The unorganized words got stuck in my throat. "Fine. I'm fine, tita." I convinced myself. I should be.

Muli na naman siyang nanahimik. And with the silence, the machine sounds crept its way to try to haunt my spine again. Sinasanay ko ang sariling hindi kilabutan.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon