TWENTY FOUR

141K 4.1K 1.9K
                                    

Siguro sa pagiging abala kaya hindi ko na nakikitang hinahatid sundo si Jillian. So the hate triggers became less. Malaki ang naitulong ng pagre-review ko sa exams upang kalimutan ang pangyayaring iyon.

Ngayon ko lang nagustuhan ang pagiging busy since I'd always love chilling.

I found it more easy to move on, not just because of my hands being full. Walang liban ako sa mga gigs nina Dean apat na beses sa isang linggo. So I'm always almost occupied for me to think about the inconsequentials.

Iba nga lang kay Sue na hindi pa rin tinitigilan si Jillian. But her mechanisms are smoother this time. Alam niya ang mangyayari kung sasaktan niya ito. She's going to meet her again.

I should not let the thought of her become the forefront of our issues. Hihigpitan lang ako nito at aagaw sa aking kalayaan. Kaunting buga na rin naman ay hindi ko na siya makikita. When I go to college this June, she'd be out of our reach.

Thinking about these plans makes me feel better. Hindi na rin namin nabanggit ni Sue ang tungkol sa kanya. So everything is okay for us. I just don't like to mind on the duration.

"Saan ba kasi tayo pupunta?"

Nagtatawanan kami ni Dean habang hila hila niya ako palabas ng school gate. Ang kaninang ambon ay lumalakas hanggang sa umulan na. Kasabay namin ang ilang estudiyanteng nagdidiwang sa pagtatapos ng examination para sa huling taon namin sa highschool.

I saw some people noisily dancing in the rain. Iyong mga siga sa fourth year na sumikat dahil palaging naga-guidance.

He took off his polo uniform at itinakip ito sa aming mga ulo. Patakbo naming nilusob ang ulan. Nagtalsikan ang mga putik hindi lang sa sapatos kung 'di sa palda ko at sa pants ni Dean. I just go wherever he wants to bring us.

Hinila niya ako papasok sa madilim na locker room. Alam niyang inimpake ko na ang mga gamit ko rito so Sue can have my locker all by herself. He even helped me with my things. So I don't see why we're here.

Dumiin lang ang lamig nang nasa loob kami. Nagtaka ako nang sinara niya ang pinto dahilan ng maigting na kadiliman. Habang ang ulan sa labas ay patuloy na lumalakas.

"Akala ko ba kakain tayo?" angal ko.

Kanina pa ako gutom. Ang sarap pa namang kumain ngayon dahil maulan.

Imbes na sagutin ako ay bigla na lang niya akong sinandal sa pader na malapit sa pinto. I gasped as he slowly trapped me. Sa dilim ay naririnig ko ang mahina niyang tawa.

"Dean, what are you doing?"

Don't tell me...no! hindi niya magagawa iyon sa akin!

"You want thrill, Ruth? Let's get almost caught," he whispered then laughed.

At naramdaman ko ang hininga niya sa tenga ko. The warmth of his breath flowed like waves that shielded me from the cold.

Nasa dibdib niya ang mga kamay ko upang itulak sana siya. Mas nadiin lang ako sa malamig na ring pader sa pagtulak niya sa sarili sa akin.

His polo is dear forgotten on the floor. Gusto ko iyong pulutin upang makatakas. Lumipad naman ang kamay niya sa strap ng bag ko. Lumikha ng ingay ang pagbagsak niyon sa aking paanan.

"We can't do this, Dean..." bulong ko, puno ng pagtanggi. Halos natataranta.

Like how everyone knows him, he doesn't take too kindly to taking orders. Ang bulong ng halik niya sa pisngi ko ay kiniliti ako. The flow of electric current followed suit, and it paralyzed me.

"Shh...wala tayong ginagawang masama," malambing niyang palubang loob.

Unti-unting namamaalam ang warning bells sa isip ko na parang naniniwala sa sinabi ni Dean kaya pinabayaan na ang rasyonal kong kaisipan. As they fade, bumaba na rin ang kamay ko sa kanyang tiyan.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon