TWENTY SIX

140K 4.6K 3.1K
                                    


He's holding a marquise cut white gold ring.

Mas lalong hindi ako nakaimik. Ang katahimikan sa pagitan namin ni Dean ay nagpamulat sa aking pati ang mga hampas ng alon sa bato ay humihina na rin, tila nakaantabay din sa aking sagot.

I took stock of our position. We're at the back of his pick up car, him leaning his back on the car's side while I am in between his thighs and slightly turned to face him. Nakalagay pa ang isang braso ko sa nakatupi niyang tuhod. How offbeat for a proposal.

Pero iisipin ko pa ba ang pagiging pambihira nito kung hindi rin naman ako sigurado?

Habang tumatagal ang pananahimik ko ay nagkatunog na ang tahimik na hingal ni Dean. Marahang umuga ang pick up sa aking pagtayo at sinuot ang sapatos.

Tila inipon niya lahat ng hangin sa mabagal niyang pagsinghap at tumayo na rin at sinundan akong bumababa ng pick-up. Muntik pa akong matapilok dahil sa pagmamadali.

"Ruthzielle..."

Umiiling ako habang naglalakad palayo. Wasak ang pangalan ko sa nabasag niyang tinig. The sting it did to my chest is almost unbearable.

Kung noon pa ito nangyari marahil tinakbuhan ko na si Dean. Leaving is my expertise. I'm afraid to say that old habits die hard because truth be told, running away seems more appealing than facing him. Inaakit na ako ng pagtakbo.

"Ruth..."

Tila hanging dumaan lang ang kanyang mahinang boses. Kung hindi lang niya ako hinawakan sa siko ay nanatili akong nakatalikod sa kanya.

The look I gave him is disappointed. Kung nahagip niya man ito ay maaaring naging dahilan ng nakikita kong sakit sa mga mata niya sa kabila ng balingkinitang liwanag sa tinayuan namin.

But the unadulterated pain in his eyes was just part of it. Naroon pa rin ang intensidad na idiin ang gusto niya. Isipin ko pa lang iyon ay hinatiran na ako ng tumataginting na posibilidad na mapipilit niya ako.

Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang sa aking mukha. I eyed his hand that was forming a fist. I could see the ring right there suffocated by his palm.

"Kanina lang ay nagdesisyon kang hindi na tumuloy sa Spain o sa banda," ani ko nang may napagtanto. "Would you still have offered me the ring, Dean?"

Mahigpit ang tikom ng kanyang bibig. Mabigat ang tingin niya sa akin na parang madadaganan ako nito kung hindi agad ako iiwas.

"Yes..."

Kumabog ang puso ko na wala man lang narinig na pag-aalinlangan sa kanya. So was he planning this all along?

"Why...?" I asked like he's just betrayed me.

Lumambot ang kanyang mukha at mas lumapit pa. "Because I love you, Ruth."

"You can't validate that love through marriage, Dean!" sigaw ko sabay atras.

Hingal akong nag-iwas sa nakikitang gulat niya sa ginawa ko. Remind me again why should I look him in the eyes while I shout some sense into him.

"Ang mapanatili ang nararamdaman sa haba ng taon, sa kabila ng 'di pagkakaunawaan at agwat sa isa't isa, iyon ang patunay ng pagmamahal. Hindi sa kasal."

"Paano kung hindi tay—"

"Kung hindi tayo e 'di hindi! You can't control everything, Dean! We can't!"

I was a little bit guilty for overdoing this. For shouting at him but this is what he needs to understand. Because to talk so calmly would lack conviction.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon