SIX

208K 7.3K 6.3K
                                    

I arrived at exactly seven fifteen at bumungad ang may higit sa tatlong kumpulan sa loob ng classroom. Chairs scattered, grouped and twisted everywhere. May iba na hindi pa maayos ang pagkakabalik sa dating pwesto.

"Excuse me..."

Tumabi ako sa pagdaan ng kaklase hila ang silya papunta sa isa sa mga kumpulan. The dragging noise made me cringe. Pahirapan din ang pangongopya nila. May umupo pa sa armrest at nagsulat na lang sa kanyang binti. Iyong iba sa palad at likod ng taong nasa harap nila.

"You done copying?" rinig kong tanong sa gilid ko pagkatapos agawin ang papel ng pinagkokopyahan.

As though I was being at the center of the warzone watching them do what I used to do. But I learned the easy way not to depend on other people's answers if I don't like to blame them for a single mistake on my paper.

Tahimik akong lumapit sa pwesto ko upang matagpuan na wala ang aking upuan. Ang strict pa naman namin ni Enzo kahapon na ipantay ang hanay, magugulo rin pala ngayon!

"Where's my chair?" iritado kong sigaw. Sinuklay ko sa mga daliri ang patuyo ko nang buhok.

"Here!"

Hinanap ng pandinig ko ang boses ni Erika. And there! She's inside on one of the clusters. Mukha siyang nakikipagpaligsahan sa pangongopya sa determindao niyang mukha at mabilis na pagsusulat.

Hindi pa ako nakahanap ng aagawing silya ay lumapit na siya dala ang ingay ng armchair kong hinihila niya. Umagang-umaga ay magulo ang hanggang balikat niyang buhok.

"May assignment ka na?" tanong niya.

Umupo muna ako bago kinuha ang libro na inipitan ko ng intermediate paper. Walang imik kong pinakita sa kanya ang ginawa ko kagabi.

Matinis na umangal ang papel sa mabilis niyang pagdaklot sabay upo. Dinikit niya ang kanyang silya sa upuan ko. She didn't even bother check if she's copying the right assignment.

"Dito ako. Walang kaagaw." Kenkoy siyang tumawa na agad ring tinuldukan sa pag-abot ng nerd naming kaklase ng english chip sa kanya. Sumimangot siya. "Why are you giving me this?"

"You're not speaking english," kampanteng anito sabay suot ng kamay sa bulsa. Ang isa'y inayos ang thick glasses na nalaglag sa bridge ng kanyang ilong.

"I am speaking!" My friend exclaimed.

"You did not a while a go."

"That's a while ago! I'm speaking now!" Marahas niyang tinulak ang chip sa tiyan nito.

Gawa ang chip sa flat na kahoy na pininturahan lang ng puti at may sulat na english drive chip. This only applies in the classroom. Sa labas ng klase, iyon na ang reporting o pagsusulat sa papel ng mga estudyanteng lumalabag sa english drive rules.

"Don't me, Santos. I'm making assignment," banta ni Erika nang akmang ilalapag ni Santos ang chip sa papel ng kaibigan ko.

"That's wrong grammar. You're still going to have the chip."

"F.U. Santos."

"Bad word."

Hinampas ni Erika ang arm rest niya. "Hay nako! Putangina sige na akin na iyang chip! Gawin ko 'tong English chippy at ipapakain ko sa 'yo, Santos!"

Kumuha iyon ng atensiyon. May ilang natawa at ako'y kamuntik na. Erika didn't mind at binulsa ang kahoy saka tinuloy ang pagkopya sa assignment.

"Erika naman, pati pangalan ko kinopya mo."

Natigilan siya at tinignan ang tinutukoy ko.

"Shit."

Natawa ako. Mabagal niya akong nilingon dala ang bahagya niyang gulat at halong paumanhin. Alam ko ang mukhang iyan.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon