FOUR

219K 7K 3.6K
                                    

Dati rati ay hindi ko napapansin si Dean kung hindi dahil sa atensiyon ng mga tao sa kanya. I see him in the hallways, pero hindi iyong tipong tumatatak sa araw ko.

Ngayon, kahit saan yata ako lumilingon ay nakikita ko siya. He's just everywhere! Akala ko tao lang ang marunong mang-asar. Mas matindi palang manuya ang pagkakataon.

I wonder if it's nature to get to be aware of a certain person who used to be unfamiliar to us, after an interaction has come about. Ngayon ko lang napagtanto na naranasan ko na.

"What? Your mother's hot, Cash. You want us to hook up? You're gonna be my damn son. C'mon, be a good boy to stepdaddy."

Ito ang narinig kong panguulol niya sa kaibigan isang hapon nang nagpunta akong canteen. Water break namin niyon sa Araling Panlipunan. Laking pagtataka ko kung bakit magkasama ang dalawa. Magkaiba naman sila ng antas.

"Shut the fuck up, Dean." Si Cash at inalis ang kamay ni Dean na ginugulo ang kanyang buhok. Simangot siyang nagsusulat sa kanyang evaluation notebook, kulang na lang maiyak siya.

Hindi pa nila ako namamalayan. Are they cutting classes? Bakit silang dalawa lang?

Nilibot ko ang ibang bahagi ng canteen at inasahang makita ang mga kaibigan nila. Karamihan sa mga narito ay mga guardians at yaya lang ng mga nasa pre-school, a countable number of students and nothing more.

Binalik lingon ko ang counter nang tinawag pansin ng tindera dala ang sukli at ang binili kong tubig.

"O, i-forge mo na pirma ni mama. Hindi ako makakapasok nito kapag walang signature niya."

"Pirma ko na lang, I'm your future stepdaddy, remember?" Bahagyang tumawa si Dean.

"Dream on. Akala ko ba..."

Naglaho ang mga salita nang makita akong nakaharap sa kanila. Mata lang ni Cash ang gumalaw na dumapo sa kaibigan na agad ding lumingon sa dako ko. Humulma ng marahang gulat ang mukha niya kasabay ang pag-awang ng bibig.

Hinila ang paningin ko ng nakabukas na unang tatlong butones ng kanyang uniform. Rather than recalling the memory of it wrinkled back that day under the stairs, my eyes narrowed on his improper wear of it. Pwede siyang masita ng teacher niyan, lalo naman ng prinicipal. Lakwatsera pa naman iyon.

"Hi Ruth,'" bati ni Cash dala ang hilaw niyang ngisi. His shining shimmering retainer is hard to ignore.

Kung noon lang ito nangyari, marahil ay ngingitian ko sila at aalis na agad. I saw them, that's it. Then I'll go and that won't get inked in the diary of my brain.

But today is not one of those old days.

Lumapit ako sa kanilang mesa. If I were to eye the vacant chairs, they might think that I have a plan on joining them. Feeling close ako masyado kung gagawin ko iyon. I don't like them to think of me that way, lalo na't wala naman din akong balak makipaglapit sa kanila.

So I remained standing. Pag-iisipin ko silang nandito ako sa isang bagay lang. No further errands. I won't sit with them. A one friendly encounter is not enough for me to get myself attached to their group.

"Nag-cutting kayo?" Binuksan ko ang takip ng mineral water at uminom na hindi binibitawan ang atensyon sa kanila.

"Siya lang," tamad niyang tango kay Dean, "hindi ako pinapasok sa classroom since this morning."

Tinignan ko ang evaluation notebook niyang may pirma ng mama niya or...forged signature of his mother courtesy of Dean. It's on the Academic page, so I think umabsent siya at hindi niya ito napapirmahan. That's one of the school rules.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon