FIVE

246K 6.6K 4.3K
                                    

"Kahit gaano pa kabantot ang apelido ng crush mo, sa tuwing tatawagin ang whole name niya ay kikilabutan ka pa rin! Number twelve, Fenis!" sigaw ni Erika sa guwapong basketball player ng isang senior sa section A.

Parang pinapaso ang mga mata ko sa tumatamang sinag ng araw kaya iniiwasan kong mapabaling sa mga naglalaro. Nakakahilo rin ang panay likot nila sa court. While Erika's being an avid audience.

Pumasok ako sa klase kanina na barado ang ilong at mainit ang pakiramdam. I thought sick got the better of me pero nang tsineck ko sa thermometer ay hindi naman umabot sa range na nilalagnat. May heated fight lang siguro ang virus at ang immune system ko, that's why the pseudo-fever feeling.

Hinila ko na si Erika sa ilalim ng Narra. Puno ang canteen, at naokupahan na rin ang pwesto namin ng mga lunchbreakers sa manggahan. Sa mga pebbled rocks kami umupo upang makasandal sa katawan ng puno.

Simula ng announcement kanina, naging usap-usapan sa mga seniors ang gaganapin na educational tour. We'd be visiting college universities in the city to guide us choose the school for our futures. I already have in mind. Though, I have one of the student struggles.

Siguro sapat na ang isang taon upang masigurado ko ang kukuning kurso. Ayaw kong masayang ang pinag-aralan ko sa huli, so I don't want to make rash decisions. I know of some aquaintances who took nursing, pero nauwi lang din sila sa pagiging call center agent.

"Maghanap na lang kasi tayo ng matandang madaling mamatay. Sa atin pa ang mana! Hindi na natin kailangan magtrabaho. O 'di ba? Easy life."

Iyon ang sinabi ni Erika na maigting kong inilingan. Sa buhay hindi ako naniniwala sa easy life. Easy life seems...unideal. Kasi kahit nakahiga ka lang, nakaupo at walang ginagawa ay minsan nakakapagod na. Hindi rin madali ang walang ginagawa.

We can only feel the comfort and easiness when we rest after an exhausting task or after a physical and emotional burden that has been solved and lifted. There are only easy tasks. Not life.

Hanggang pangarap na lang yata ang masarap at madali na buhay. We're not here in this world just to have fun and to have it easy. Kahit ang pinakamayaman, naghihirap din iyan. It may not be through financial means but due to some other things.

But someone with an optimistic perspective, easy life is close to attainable.

"Iyong maangas na Calvillo ang magaling humalik."

Halos mabuga ko ang kinakain at naubo. Nilingon ko si Erika na may tinatanaw sa corridor sa kabila.

"Sino na naman ang pinaparinggan mo?" May paratang sa aking tanong. Kumati ang lalamunan ko at muling umubo.

Mukhang hindi niya ako narinig dahil sa paghila ng kanyang pananahimik. Dikit na dikit ang paningin niya roon na kahit tignan ako ay wala sa listahan ng kanyang gawain.

Sinundan ko ng tingin ang kambal na pinagkakainteresan niya. They have already passed by the canteen. Erika is never the button-down type. Ako na ang sumuko sa pag-awat sa mga pinaggagawa niya na nagtatapon sa kanya sa eskandalo. She's prominent for that.

"Iyang mga chaka kasi diyan, hindi marunong pumila. First come first serve lang iyan mga teh."

Biglang tumuldok ang hagikhikan ng tatlong babae sa gilid. Their blue skirts were tamed by the rush of the midmorning wind. Sunod na kumapit sa pandinig ko ang mga bulungan nila habang naglalakad palayo at papasalubong sa kambal.

Sinundot ko si Erika. "Anong tingin mo sa labi ni Jester? Putahe sa carenderia at kailangan pilahan?"

Kumawala sa kanya ang hagikhik at tuluyan akong nilingon.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon