FORTY NINE

284K 6.5K 6.2K
                                    

Hindi ko na mabilang kung nakailang balik ako na nagpalakad lakad sa harap ng pinto. Biting my nails, I couldn't stay still. Naiwan ko ang phone sa loob kaya wala akong matawagan. Kung manghihiram naman ako ng keycard sa reception, I doubt they'd let me. Jillian has the other one.

I went back to how I have hurt her which was seriously bad. With the thought of Dean making it worse...I don't want to see him turning out to be that kind of man.

Wala sa sariling nagbukas sara ang aking kamay. I was trying to feel the ghost of assault I've just inflicted. Aking hinawi ang alon ng pagsisisi sa ginawa. I admit that anger and temper altogether beat my rationality. But could I justify what I've done by saying that it was purely to defend myself?

Hindi ko ituturing na mababaw ang rason ni Jillian sa pananakit sa akin. The love she feels for Dean may have already went that deep, and I cannot judge her for that. Anyone would kill for the four letter affection.

Iintindihin ko siya sa bagay na iyon. Because like her, I would also hurt anyone for Dean. I guess I already did.

Mahihinang hikbi na naririnig ko at pagmamakaawa. Not hearing anything from Dean inflated my worry.

"Dean!"

Kung ano man ang ginagawa niya sa dalawa ay sinusubukan kong pigilan sa panay na pagkatok at abuso sa doorbell.

"Edgar! Curtis!" Although I'm not sure if at least one of them would pay heed. Those two are slaves for Dean!

Umatras ako sa narinig na mga yapak mula sa loob. Hindi ko alam kung bakit duguan na Jillian ang inaasahan kong bubungad sa akin. I don't want to think of Dean capable of that especially to a woman.

But the door opened to show neither blood nor bruise in her face. Bloodshot eyes and tear-stained cheeks told me that a while ago wasn't that bad compared to how she looks right now. Tila ba buong mundo niya ang gumuho. I could tell that the emotional trauma have played a part on her.

Sumisinghot siya, parang hinihingan ako ng tulong ngunit wala akong nakikitaang pagsisisi. She was just so...lost and broken.

"And I think you forgot something, Jillian." Dean's voice thundered not too far behind her.

I heard her tiny gasp before she slowly turned to him. Walang espasyo ang kahit anong pagbibiro sa paninitig nito sa kanya. He looks dangerous to me now.

"You don't want me to accuse you of theft for stealing something that isn't yours," dagdag nito sa malumanay ngunit mapanganib na tinig.

"Wala akong kinuha..." Jillian's voice shook, hindi matapos ang salita ay umiling na lang siya.

"How about the ring? It doesn't belong to your finger. It's never yours, Jillian."

Hindi nito halos maiangat ang kamay habang tinignan sa huling sandali ang singsing na inangkin niya. Devastated was the right word to describe in all her entirety when she took it off in between her trembling hands.

Nahihirapan na siya sa paghinga. Nahigit ko ang akin sa pagaakalang babagsak siya sa sahig. Lalo lamang akong nalito sa kung ano ang ginawa ni Dean sa kanya upang mawasak siya nang ganito.

"You tell the public what they should know. If you won't..." Dean chuckled darkly, "Well you don't really want me to do it, Jill."

Nilagay niya ang singsing sa kalapit na table at saka umiiyak na tumakbo palabas. Nakatakip ang bibig ngunit nakatakas pa rin ang hagulhol.

Kesa sundan siya ng tingin ay pumasok ako. Dean gathered me into his arms rightaway.

"Anong ginawa mo?"

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon