THREE

267K 7.8K 4.4K
                                    

"Huwag ka nang mag-aral para parehas tayong bagsak mamaya. Damayan lang iyan!"

Tumabi sa akin si Erika dito sa konkretong upuan na kumukulong sa puno ng mangga. Lunch time kaya nagkalat ang mga estudyente sa paligid. Kakaiba rin ang init ng panahon. Mukhang uulan mamaya.

Ilang ulit nang dumadaan ang mga mata ko sa parehong sentence ngunit mga salita na mismo ang umayaw sa utak ko. Ang nilaktawan kong El Fili period kahapon ay magpapa-quiz naman mamaya.

Worst, hindi nag side notes si Erika. Kadalasan pa namang mga sagot ay wala sa libro.

Wala pa ako dalang Filipino dictionary para sa taimtim na mga salita na ginamit ni Rizal. He was probably being emo while writing the book.

"Bumagsak ka mag-isa," wika ko at sinalo ang daloy ng mani sa aking bibig. Hindi ako nag-rice, matatagalan lang pagre-review ko. In times of cramming, what I need is a comfort food.

Hinawakan ni Erika ang kamay ko na siyang humila ng aking atensyon mula sa libro. Nagdadrama ang mga mata niya.

"Ilang taon na tayong magkaibigan, Ruth. Ako ang unang kumausap sa'yo, freshmen year. Naalala ko pa. If we rise together, we should fail together, sister. That's friendship." Sabay pitik ng mga daliri.

Binatukan ko siya ng ballpen. Tila ba ay matalik silang magkaibigan ng tukso ay nadadala ako minsan kapag hindi siya nagre-review. Madali naman kasing bumigay rito. They offer more fun and excitement. Sino ba namang aayaw sa kung saan mas masaya, 'di ba?

Kaya imbes na mag-aral ay sinara ko na ang libro at tinawid ang isang paa sa kabilang side ng upuan upang maharap ang kaibigan. Kinuwento ko sa kanya ang napag-usapan namin ni Boone.

I can tell her almost everything about me. She does the same. Kahit mga walang kabuluhan ay sinasabi ko sa kanya at ginagantihan niya ng mga patawa kaya minsan ay nagkakaroon ito ng sense. Tulad ko, isa rin siya sa umaayon lang sa alon ng buhay.

"Hindi siya pumayag na maghiwalay kayo? Girl, man is fucked up over you he doesn't want to let you go." Inagaw niya ang paubos kong mani at pinunit ang nagusot na parte.

Pinipino ko sa aking ngipin ang mani habang binalikan ang kagabi. Matagal bago nauwi sa isang konklusiyon ang pag-uusap namin ni Boone. He almost came within an inch of being adamant and it fueled for a change of my mind. The break-up stung a little bit.

No, scratch that. It didn't sting but it only felt like it. What I actually felt was loss and indifference. Not just in a literal sense. Kawalan ito ng nakasanayan ko. I'm used to always having Boone. And with the split that just happened, I started surfing in the new wave of change.

My mother was initially the one who introduced those feelings. Her absence primed our family with it. She made me learn how to stand my ground. She made me learn not to cry for the pettiness of it all. Natularan ko ang ginawa niya na unang kumalas. It wasn't even a mutual decision. She just...did it.

So I welcomed the indifference like it's a much awaited guest and let it dine in my heart. Feeding itself fried hurt, steamed numbness and grilled tears.

I don't mope over these things. Kung may makakapagpabago man sa kamanhiran na ito, marahil iyon ay ang pag-ibig na totoo.

I wasn't in love with Boone. He knows that. And he accepted it.

"Girl, we've become best friends since I asked you for a one whole sheet of paper for our first quiz in our first year."

Tinulak ko ang noo ni Erika. Ang lapit ng mukha niya na kaunti nalang magdikit ang mga ilong namin.

"Kailan ka pa ba nagdala? Kahit red ballpen nanghihiram ka pa rin sa akin," ganti ko.

Mas umusog siya papalapit. Bahagya niyang niyuko ang ulo na, ayaw may makarinig sa kanya. Ngayon pa ba siya magtatago? Kanina pa kaya kami hindi nage-english dito.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon