THIRTY SIX

175K 5.1K 5.8K
                                    

Matagal bago naging malinaw sa akin ang sinabi niya. I was hoping for him to repeat but I held back seeing his fiery hazel greens. Sa mahigpit na tikom ng manipis niyang labi ay utos na rin sa aking huwag nang hilingin ang pag-ulit.

Nananantiya ang nag-aabang niyang pagtitig. So he's really asking me to live with him? In his condo? No words could compete to this but unbelievable! He's unbelievable in a sense that doesn't scream positive.

"Are you on drugs? Pumunta ka rito, sinuntok ang pinsan ko at sasabihin mong titira ako kasama mo? Magbigti ka na lang sa harap ng presinto, Dean."

Umikot ako sa counter upang lumabas na't mahatid ang cold compress kay Chuck. Sa marahas kong mga hakbang ay napapagilid si Dean upang ako'y makadaan dahil nakaharang siya sa hamba.

He's hot on my heels, I heard his footfalls. Napailiang ako habang tumatakbo pa rin sa isip ko ang kanyang sadya at hinaluan ng nangyari kanina. 

The image of Jillian and her mother is still a ripe fruit in my mind. I still can't believe Dean allowed these people to be in this new life of his. That's one thing. But asking me to reside in his place for God knows why just took the cake!

If this is because of my first tardy record, I admit that mistake and have learned from it. This, coming from someone who doesn't want to concede to failures. A big part of me want him to take part of the blame. He should have called me or had Marcus do so. Pero hinayaan niya kahit alam niyang late na pala ako.

Umupo ako sa tabi ni Chuck at inasistahan siya sa paglapat ng cold compress sa napuruhang parte ng kanyang mukha. Sa kabutihan ni Tito Nelson sa akin ay ito pa ang naiganti ko. Pinahamak ko ang anak niya.

"You can leave, Dean. Hindi ako sasama sa 'yo." Sa kanya ang mga salita ngunit sa pasa ni Chuck ako nakatingin. 

Katahimikan ang natanggap kong tugon. Sa kakalmahan ay iyon pa ang malakas na humila sa aking balingan si Dean. He's scratching his shadowed jaw all the while raising his left brow at me. Binalik niya ang ginamit na kamay sa halukiphip at tinitigan lang ako na parang wala akong sinabi.

May lihim na namamagitan sa kunot noo ko at nakaangat niyang kilay na nililinyahan ng sarkastiko at panunuya. I could sense he's trying to battle a pout. Anong nakakatuwa, Ortigoza?

"Aray! Aray ko ate..."

Mabilis kong inalis ang ice bag. Hindi ko namalayang nadiin ko ito sa mukha niya. Lumukot ang mukha niya sa sakit at sinubukang hawakan ang pasa upang aluin.

"Sorry,"nakangiwi kong paumanhin saka tinaliman ang tingin na dinulas ko kay Dean. I can't help but blame him on this one, too.

His breathy smirk made a sound. Marahan ang pagparte ng bibig niya at angat ang isang sulok nito. That signature crooked smile is again set to trigger the speed of my heartbeart.

But at the same time it annoys me how I don't know why he does that for.

"What's funny? I told you I won't go with you. I can work without having to reside in your condo, Dean."

Nilingon ako ni Chuck. Binaba ko ang tingin sa ice pack, iniiwasan ang  salubong niyang kilay na hindi ko matantiya kung nagtataka o naiinis. Anyway, he has the right to get annoyed. Dahil kilala ko ang baliw na bigla na lang nanuntok at may issue sa mga naka-topless.

"Hold it. Ikukuha kita ng shirt." Bibitawan ko na sana ang ice bag nang sumenyas siya sa kanyang kamay.

"Ako na ate," aniya sabay tayo. "I think your visitor wants to talk to you alone."

Huminga ako nang malalim at nakulong sa loob ang pagprotesta. Ayaw kong mapag-isa kaming dalawa!

"Chuck..." May pakiusap sa sambit ko. Bumagsak ang aking balikat, tila inindiyan ng tanging kakampi ko sa mga bumu-bully sa 'kin.

THE DAY HE BECAME RUTHLESS: The Metaphorical Series #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon