Humahangos ako nang lumapit ako sa information, nakipagtitigan pa ako sa staff dahil hindi pa ako makapagsalita, kailangan ko muna ng hangin.
"Miss, saang room po naka-admit si Andrei Morris?"
Hindi ako mapakali kakahintay sa napakatagal na elevator kaya tumakbo na ako paakyat ng hagdan. Hindi na ko makapaghintay.
Hindi ko malaman kung bakit ganito ang kaba ko nang mabalita sa school na nakita s'yang nahimatay kung saan. May sakit ba s'yang malala? May hindi ba ako alam?
Binuksan ko agad ang pinto ng room n'ya at nagulat ako nang makita ko s'yang nakaupo sa kama at busy maglaro ng cellphone n'ya.
Pagkakita n'ya sa 'kin bigla kong naisara ang pinto, hindi na ako pumasok, at least alam kong okay na s'ya.
Napaupo ako na yakap ang mga binti ko, gusto ko kasing itago ang muka ko, naiiyak kasi ako. Sobrang nag-alala talaga ako sa kanya.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa kwarto n'ya kaya naaligaga ako, pa'no ko ipapaliwanag kung bakit umiiyak ako.
Naramdaman kong tumabi s'ya sa 'kin at hinawakan n'ya ang ulo ko.
"Sorry. Nag-alala ka ba?"
Lalo akong naiiyak sa lambing ng boses n'ya. Hindi ko alam pa'no ako aalis ngayon, kung paano ako magtatago, kung pa'nong hindi mapapansin 'tong obvious na nararamdaman ko sa kanya.
"Bigla ka na lang daw nahimatay. Bakit? May sakit ka bang malala? May hindi ka ba sinasabi sa 'kin? Mamamatay ka na ba?"
Umiyak ako nang umiyak, wala nang preno ang luha ko. Sa dami ng iniyak ko malakas na tawa lang ang narinig ko mula sa kanya. Yung pag-aalala ko napalitan ng asar.
"Nahimatay lang mamamatay na agad. Soap opera ba 'to? Hahahahaha!"
Tumayo ako para lumayas, gusto ko s'yang buntalin ngayon kaso may cctv sa paligid kaya next time na lang.
Kaso hinawakan n'ya ang kamay ko.
Ang kamay ko hawak n'ya.
Nasa tamang pag-iisip ba s'ya? O baka dahil may sakit s'ya. Baka mamamatay na nga s'ya!
Pagpasok namin sa room n'ya pinakain n'ya sa 'kin 'yong mga prutas na nasa side table n'ya, akala ko kanina nasa fruit market ako, bakit kasi ang dami. S'ya naman busy manood ng news sa TV.
"Ano ba kasing nangyari sa 'yo?"
"Hindi naman kasi talaga ako nahimatay. Napuyat kasi ako kakalaro ng games, nakatulog ako habang naglalakad sa school. Paranoid lang sina Mama kaya pina-admit ako. Ganun lang 'yon. Don't complicated everything."
Tiningnan ko s'ya ng masama dahil ang galing-galing n'yang mag-imbento ng kwento, akala n'ya makapaniwala n'ya 'ko.
"Di ako naniniwala," matabang kong sagot sa kanya.
"Oo nga. Kaya 'wag ka na mag-imbento ng mga scenes sa utak mo na mamamatay na ako. Healthy ako tsaka walang taning ang buhay ko, okay?"
Tumango lang ako at tinapos ko nang ubusin ang kinakain kong strawberry. Hala! Naubos ko ba lahat 'yon?
Magpapaalam na sana akong umuwi nang hanapin ko ang bag ko, bigla kong naalala na naiwan ko s'ya sa school kakamadali. Magaling.
Tumayo na ako para makapagpaalam nang biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang tao, parents pala ni Andrei. Bumati ako sa kanila at inabutan ulit ako ng makakain. Sayang naman kung tatanggihan ko kaya kinain ko na. Pabayaan ko na nga yun bag ko, magkikita pa naman kami nun bukas sa school.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasiA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.