Sabi ko noon sa kanya hindi pwedeng puro masasayang tagpo lang ang mababasa sa mga nobela. Hindi ko naman akalain na sa puntong 'to gusto palang sumang-ayon sa ideya n'ya, ang alisin ang malulungkot na eksena.
Si Andrei at Elizabeth.
Magkasama sila.
Tumatagos lang ang tingin sa 'kin ni Andrei na parang hindi n'ya kami kilala, hindi big deal sa kanya ang nakita n'ya at wala s'yang kahit kaunting pakielam na magkasama kami ni Lucas.
Naglakad na sila ni Elizabeth at lumagpas na hindi man lang nagtama ang mga mata namin. Wala na nga s'yang pakielam sa 'kin, sa amin.
Tinangay na ng hangin ang kakaunti kong pag-asang magiging maayos pa ang lahat. Sa tingin ko nakapili na s'ya kung kanino s'ya sasaya, hindi ata ako 'yon dahil kitang-kita ko kanina kung sino ang taong 'yon.
"Totoo ang tsismis? Break na talaga kayo?" usisa ni Lucas na may kasama pang pangangalabit.
"Tsismoso ka? Nakikinig ka sa mga tsismis? Kaya ka ba nandito para alamin kung totoo 'yon?"
Umiling si Lucas na may kasama pang kumpas ng kamay, "break man kayo o hindi pa, lalapit pa rin ako sa 'yo. Diba nagkataon lang na may inasikaso ako kaya naging busy. Pero good timing pala, noh?"
Good timing.
Ano bang ibig sabihin ng good timing?
Nakatadhanang mangyari ang mga bagay-bagay na naaayon sa gusto mong resulta masaya man o malungkot ang mararamdaman ng iba?
Hindi na nagpaparamdam sa 'kin ngayon si Angela. Baka tamang ito na ang mga mangyayari. We're in the right pacing of our story, maybe?
"Pwede bang makikain sa inyo? Puro milktea na laman ng tyan ko."
Iniwan ko s'ya at naglakad na lang ako mag-isa. Kunwari hindi ko narinig ang sinabi n'ya pero humabol s'ya na tawa nang tawa. Hindi naman ako nagbibiro pero kung makatawa s'ya wagas eh.
***
"Surot, pa-loadan mo naman ako sa 7-eleven," pakiusap na pautos ni ate.
Kasalukuyan akong nanonood ng TV sa sala pero hindi ko naman naiintindihan ang pinapanood ko, nakatingin kasi ako sa TV pero iba ang iniisip ko. Sayang ang kuryente namin pero hayaan na nga lang. Baka sakali na maagaw ako ng TV sa taong iniisip ko ngayon.
Sumilip ako sa wallclock namin at binalik ang tingin sa ate ko na busy sa harap ng laptop.
"Alas dyis na. Papalabasin mo pa talaga ang pinakabatang miyembro ng pamilyang 'to?" bara ko dahil wala akong balak lumabas ng bahay.
Iwinasiwas ni ate sa hangin ang kukay dilaw na pera. May pagkakataon akong mangurakot sa kaban ng pera ng ate ko.
"Bumili ka na rin ng snacks. 'Wag mong uubusin! Baon ko pa yan at pamasahe!"
Hinablot ko na ang pera at nagmadaling tumakbo sa labas bago pa magdagdag ng ipapabili na makakalimutan ko rin namang bilhin kung sakali.
Pagbukas ko ng gate nagkagulatan kami ng isang tao na naglapag ng box sa tapat ng gate namin.
Lumapit ako para tingnan ang laman at wala s'yang nagawa.
"Ikaw ba ang nag-iiwan n'yan dito lagi?" pagsusungit ko para itago ang mumunting saya sa puso ko.
"Para sa parents mo 'to," sagot n'ya na hindi makatingin nang diretso.
Mga paborito nina mama at papa nasa loob lahat ng box na 'to. Mahal n'ya talaga ang parents ko, ang in laws n'ya sa future.
"Hindi mo dapat ginagawa 'yan. Bakit hindi parents ni Elizabeth ang gawan mo nito nang matuwa sila sa 'yo?" bitter kong bara sa kanya na sana kontrahin n'ya.
"Nagsisimula ka na naman."
"Hindi pa 'ko nagsisimula, actually."
"Magkasama kayo ni Lucas kanina."
"Ikaw pala ang magsisimula."
Iniwanan ko s'ya sa tapat ng bahay namin, bigla akong nawalan sa mood makipagtalo sa kanya.
"Ano bang pumasok sa isip ko sa future at nagpakasal ako sa kanya? Oo, gwapo s'ya pero 'yon lang ba ang nakita ko para magpatali? Ipagpapalit ko talaga ang ten years relationship ko kay Lucas para sa kanya na biglang sumulpot sa buhay ko? Anong klaseng kwento 'yon?" pagkausap ko sa sarili ko, nagbabakasali na masagot rin ako.
Naramdaman kong may nagpatong ng kamay sa ulo ko, paglingon ko, nakita ko si Andrei na ang lungkot-lungkot ng mga mata.
Narinig n'ya ang mga sinabi ko.
"Matagal ko na sanang ginawa 'to para hindi na tayo napunta sa puntong magtatanong ka kung bakit mo 'ko minahal."
Binalot ako ng binuo kong lungkot at ngayon nga ay mukang kakainin na ako nang buo nang hindi ko namalayan. Nakasakit na naman ako.
"Hindi mo alam kung gaano ako nahihirapang magpigil. Ang daming pagkakataon na nakakalimot ako at hindi ko nakokontrol ang sarili ko. Hindi kita tinanggihan. Gusto kong gawin 'yon sa 'yo. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong gawin 'yon nang kasama ka. Pero hindi pa pwede ngayon."
Tumango ako saka pinunasan n'ya ang luha sa pisngi ko.
"Hindi rin ako bumalik dito para sa ibang babae, nandito ako para sa 'yo. Ikaw lang at wala nang ibang dahilan."
Ikulong n'ya ako sa pagitan ng bisig at katawan n'ya. Naririnig ko pa ang kabog ng dibdib n'ya, mabilis at sa tingin ko puno ng kalungkutan.
Naramdaman ko ang bigat n'ya na parang nawalan s'ya nang ulirat. Hindi s'ya sumagot at yung takot na naramdaman ko kanina naging triple nang makita ko s'yang wala nang malay.
***
Na-ospital na naman s 'ya at hanggang ngayon ay wala pa ring malay.
Ilang araw na s'yang natutulog dito. Maganda ba ang panaginip mo, Andrei? Kaya ba nagtatagal ka d'yan? Ayaw mo na bang bumalik dito? Mas masaya ba d'yan? Sana maalala mong bumalik dito. Hinihintay kita.
Sa tuwing matatapos ang shift ko sa part time job pumupunta ako sa ospital para bisitahin si Andrei na unconcious pero stable naman daw. Ilang araw na pero wala pa ring pagbabago.
Nagigising ako sa madaling-araw na nalulunod sa mga luha ko at tahimik na sumisigaw sa kalungkutan. Gusto kong tumakbo hanggang sa makalimutan ko nang maging malungkot.
Alam kong hindi ako okay sa tuwing didilat ang mga mata ko sa umaga pero hindi pa sumasang-ayon ang katawan ko para bumangon.
"Sure ka? Okay lang na dito ka mag-stay?" tanong ng mama ni Andrei sa 'kin.
"Wala pong pasok bukas at pinayagan po ako ng boss ko na mag-leave ngayon," nakangiti kong tugon, nakangiti pero kabaliktaran ang nararamdaman.
Uuwi lang daw muna sila at babalik rin pagkakuha ng ilang mga gamit.
Pagkaalis nila hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatitig lang kay Andrei na wala pa ring malay.
Lumilipad ang diwa ko sa mga alaala ko na kasama ko s'ya. Binabasa ng luha ko ang pisngi kong ito sa tuwing naiisip ko ang mga masasakit na sinabi at nagawa ko sa kanya.
Sana pala mas naging maunawain ako. Kaya naman atang madaan ang lahat ng matinong usap pero pinili kong maipon ang galit ko, hindi ko tuloy nakontrol at sumabog 'yon.
Humiga ako sa sofa at pinunasan ang luha ko. Hindi makakatulong ang ginagawa ko para muling gumising si Andrei kaya dapat ko nang itigil ang kalungkutang sumisira sa katinuan ko.
Napabangon ako mula sa sofa nang marinig ko ang paggalaw mula sa kama ni Andrei.
Nakatayo na s'ya na hawak ang swero habang nakatingin sa 'kin.
"G-Gising ka na," umagos na naman ang luha mula sa 'king mata pero sa pagkakataong 'to, dahil sa saya.
"Bakit nandito ka, Nodque?
Bakit magkasama tayo dito?"
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
