11. Mga Salitang Walang Letra

97 4 14
                                        

Inaya ako ni Andrei na pumunta sa birthday party ng family friend nila. Noong una ayokong sumama kasi nahihiya ako kaso noong sinabi n'ya kung sino ang may birthday nagbago ang isip ko.

Magkakilala sila ng famous na si Blaire Caryle, kilalang-kilala s'ya sa school namin dahil bukod sa naging successful s'yang surgeon at kakaiba n'yang charisma ay asawa pa n'ya ang alumna din naming olympian na si Ms. Simile. Makaka-meet ako ng mga amazing na tao!

"Mukang hindi ka nakatulog sa sobrang excitement noh?" nakasimangot na tanong sa 'kin ni Andrei habang sakay kami ng kotse nila. Tumawa tuloy ang mama n'ya, pang-asar talaga 'tong si Andrei.

"Inaaway mo na naman si Vanilla," saway ng papa n'ya sa kanya. Pgaalitan n'yo nga po, kanina pa n'ya ako sinisimangutan. Toyo day.

"Nag-aasaran lang sila, hayaan mo na," sagot naman ng mama ni Andrei. Ewan ko ba dito sa katabi ko kung bakit biglang naging moody.

Pagdating namin sa bahay ng celebrant nakanganga ako, si Ms. Simile kasi ang sumalubong sa 'min, grabe ang fit n'ya at ang cute-cute.

Ang laki ng bahay nila at ang ganda-ganda, pati mga bisita nila mga kilalang tao, bigla akong nahiya pero na-excite at the same time. Kakaibang experience 'to!

Mas lalo akong na-amazed nang tumambad sa 'kin ang isang poging nilalang. Anong klaseng creation 'to? Bakit ang perfect ng itsura ni Blaire? Sigurado akong tama ang tsismis sa school namin, noong estudyante pa daw 'tong perpektong nilalang na 'to mapapalad ang mga nakasilay sa kapogian n'ya.

"Hinga," narinig kong side comment ni Andrei na halatang iritable na sa 'kin, nahihiya na siguro s'ya dahil sa 'kin sa inaasal ko ngayon. Na-starstruck kasi ako, anong gagawin?

Pinakilala n'ya ako sa celebrant, muntik na 'kong mahimatay nang ipatong ni Mr. Blaire ang kamay n'ya sa ulo ko. Paano kaya nabubuhay ang asawa n'ya sa araw-araw nilang pagsasama.

"Ikaw pala ang girlfriend ni Andrei."

Biglang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo ko, hindi ko kinaya ang narinig ko. Speechless ako! Por pabor Andrei linawin mo 'to sa kanilang lahat!

Lumapit rin si Ms. Simile na nakangiti habang nakatingin sa aming dalawa tapos ang parents ni Andrei nakatingin rin na parang naghihintay ng confirmation. Oh hindi! Anong misunderstanding 'to! I will explain! Please don't judge us!

Yung tingin ni Mr. Perfect kay Andrei parang hinihintay n'ya ang isasagot nitong katabi ko. Utang na loob naman ayoko ng pinapakaba ako! Ano na Andrei! Aminin mo na ang feelings mo! Naghihintay ako!

"Friend ko po, si Vanilla."

○| ̄|_

Aray. Medyo masakit. Medyo lang talaga promise. Kalma, Vanilla! 'Wag ka pahalatang affected, na parang asang-asa ka!

"Tito yung kamay mo po," inalis ni Andrei ang kamay ni Mr. Perfect sa ulo ko. "Happy birthday po," may inabot s'yang regalo.

"Touch naman ako, payakap naman, dati lagi kang nagpapabuhat sa 'kin eh," asar ni Mr. Perfect kay Andrei pero muka wala pa rin s'ya sa mood.

"Magulat ka kapag nagpakarga sa'yo yan," gatong pa ni Ms. Simile sa pang-aasar dito sa muntik ko nang maging boyfriend— ay ano ba 'yong nasabi ko?

Kumain kami at hindi ako mapakali sa sobrang sasarap ng handa nila. Dala ko ba 'yong tupperware ni mama?

"Tikman mo 'to oh! Masarap 'to! Say ah!" asar ko sana para naman mawala na ang bad mood n'ya. Pero natulala ako nang kainin n'ya ang isinusubo ko. Bigla akong kinilig. Pero bawal kiligin kasi kakasabi n'ya lang na magkaibigan lang kami.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon