25. Isang Matagal na Kakilala

44 2 4
                                        

Hapon na nang lumabas si Andrei mula sa resort na tinutuluyan n'ya.

Dumating s'ya at naabutan akong nakaupo habang pinanonood ang papalubog na araw. Busy sa pagkuha ng pictures.

Tumabi s'ya sa 'kin tapos nailang ako. Naalala ko yung mga eksena namin kanina sa kwarto n'ya. Nag-iinit na naman ang muka ko. Nawala ang pagkailang ko nang matanaw namin sina ate at kuya na parang nagtatalo. Matutuwa ba ako sa nakikita ko? Mukang galit na galit si ate.

"May kinalaman ka ba sa away nila?"

Natawa sa tanong ko si Andrei bago sumandal at nakigaya sa ginagawa kong panonood sa sunset.

"Diba hindi na ako makikielam?" sagot n'ya.

Naputol ang pagkuha ko ng mga pictures nang mag-rehistro sa phone ko ang pangalan ni Lucas. Tumatawag s'ya. Napatingin ako kay Andrei pero hindi s'ya nag-react.

"Sasagutin ko ba—" pero nagulat ako nang bumangon si Andrei at inagaw sa 'kin ang phone. S'ya ang sumagot!

"Hello, bro! . . . Ah oo kasama ko si Vanilla. . . Nagbago isip ko. . . Bye!" sabay hagis ng phone ko pabalik, pang-aasar naman 'to oh! Pa'no kung 'di ko nasalo!

"Anong sabi?"

"Gusto mo talagang malaman? Mukang gustong-gusto mong marinig boses n'ya ah. Mukang miss na miss n'yo ang isa't isa," pang-aasar pa n'ya.

"Hala. Ang high blood. Para nagtatanong lang," tiningnan ko ulit ang cellphone ko para makapag-picture ulit ng sunset, "seloso pero pinapaubaya n'ya ako sa iba. Whatta combination."

"Naririnig ko."

"Ay sakto. Pinaparinig ko talaga."

"Nagtatanong ka pa kasi kung sasagutin mo ba e alam mong magkasama tayo. Maging sensitive ka kaya?"

"Ang dami mo namang sinabi."

Nawala ang nagbabadyang awayan naming dalawa nang maramdaman ko ang presensya ni ate. Nakabusangot s'ya na parang pasan n'ya ng problema ng Pilipinas.

"O bakit ang pangit mo? Magkakasalubong na yang nguso at kilay mo?" tanong ko kay ate nang maupo s'ya sa tabi ko pero kay Andrei s'ya nakatingin.

"Favor naman. Pwede bang isabay mo na pauwi yung lalakeng 'yon bukas?"

Oh em gee. Magkaaaway sila.

"Maluwag ang kwarto ko. Gusto mo rin ba s'yang sa 'kin muna s'ya tumabi mamaya?"

Ang weird magsalita ni Andrei. Parang nakikipag-usap s'ya sa ka-edad n'ya. Na parang mga pang-mature na joke na ang alam. Sisipain ko na talaga 'to eh.

"Ikaw nang bahala sa kanya. Basta hindi ko lang makita ang muka nun," sagot ni ate with feelings.

Tumayo na si ate at nilayasan na kaming dalawa. Si Andrei naman nakangisi lang. Bakit may kutob akong may kinalaman s'ya dito? Pero sabi n'ya hindi na s'ya makikielam sa dalawa at hahayaan na lang mangyari ang mga dapat mangyari.

"Wala ka talagang kinalaman?"

"Ako talaga? Hindi ba pwedeng nagkatampuhan lang talaga sila? Mag-asawa nga nag-aaway, mga mag-jowa pa lang kaya."

Tumayo si Andrei at hiningi ang cellphone ko. Nagtaka lang ako. Baka ngayon s'ya gaganti, baka ihagis n'ya sa dagat 'tong cellphone ko. Ayaw!

"Pwesto ka dun oh tapos pi-picture-an kita."

Ngek. Gusto lang pala akong kuhanan ng picture. Pinasuong n'ya ako sa tubig tapos nag-i-instruct kung anong gagawin kong posing, ako naman si uto-uto sunod lang sa kanya.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon