Excited akong pumasok sa bahay, naamoy ko kasi mula sa labas ang nilululuto ni mama, ang paborito kong sinigang na baboy. Pagkahubad ko sa sapatos, iniwan ko 'tong nakasandal sa pader para matuyo. Naabutan na naman kasi ako ng ulan.
Nakarinig ako nang tawanan at mukang nasa bahay ang kaibigan ni ate. Baka si ate Glov. Aakyat na sana ako ng kwarto para makapagpalit ng damit nang mapahinto ako at pinakinggan ang mga nag-uusap sa kusina. Hindi lang silang dalawa ang magkausap. Tatlo sila. May isa pang pamilyar na boses ang naririnig ko kaya nagmadali akong tumakbo sa kusina para kumpirmahin ang kutob ko.
Paanong nandito s'ya?
Anong ginagawa n'ya sa bahay namin?
"Oh Vanilla? Long time no see! Balita ko may boyfriend ka na," bati sa 'kin ni ate Glov na nakangiti pero ang atensyon ko nakatuon sa isa nilang kasama.
"Ang cute naman ng kapatid mo, Caramel."
Nagtaasan ang balahibo ko. Bakit sumusulpot na s'ya ngayon sa tabi ng pamilya namin? Kakilala s'ya ng mama ni Andrei, kaibigan s'ya ng asawa ni Mr. Blaire, isa s'yang ale na nagtitinda ng halaman at ngayon kaibigan s'ya ng ate ko?
"Si Angela nga pala. Kaibigan namin ng ate mo."
Naka-suot s'ya ng hoodie at may eye glasses. Sa kabila ng iba-iba niyang katauhan, isa lang ang hindi nagbabago sa kanya, ang halimuyak ng kanyang pabango na laging napapansin ng pang-amoy ko.
"Magkakilala kayo?" tanong ni ate sa Angela na 'yon o Fate o Rhea o ano mang ginagamit n'yang pangalan.
Umiling ang ale na 'yon at itinuloy na lang ang pakikipagkwentuhan sa dalawa habang ako kung ano-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Baka may gawin s'yang masama sa bahay namin at ganun din kina ate. Nakabantay ako sa 'yo kung sino ka man. Hindi mo masasaktan ang ate ko at si ate Glovie o sino man sa pamilya ko.
"Hindi na kayo nagpang-abot noon? Bumisita s'ya sa 'kin sa ospital noong na-dengue ako. Umuwi ka ba noon?"
Wala akong matandaan na nagkita na kami ng ale na 'yon bago ko pa s'ya nakilala na nagbibenta ng halaman sa tapat ng school namin.
"Maghain ka na, Vanilla at kakain na tayo," utos ni mama.
Matapos maghapunan lumabas ako ng bahay at nagpunta sa 7-eleven para abangan s'ya sa pag-uwi. Kailangan ko s'yang makausap. Baka may kung ano s'yang masamang balak sa ate ko o sa pamilya ko.
Nag-aabang ako sa pagdaan n'ya para harangan s'ya at itanong kung bakit lumalapit s'ya sa pamilya ko.
Pagkatunog ng bell sa pintuan ng 7-eleven nasagap na agad ng pang-amoy ko ang pabango ng ale. Dumating lang s'ya bumango na ang paligid ko at para akong lumulutang sa halimuyak na naaamoy ko kahit ang dapat ay agressive ako.
"Kanina mo pa 'ko hinihintay?"
Sa itsura n'ya expected na n'yang hinihintay ko s'ya at gustong makausap.
"Anong plano mo? Bakit nasa bahay ka namin?"
Ngumiti lang s'ya saka ako iniwan. Bumili s'ya ng isang bundle ng yakult at humigop gamit ang maliit na straw habang nakatingin sa 'kin pagbalik n'ya.
"Hindi mo ginagawa ang assignment mo kaya kailangan kong magtrabaho ng doble ngayon."
Kumunot lang ang noo ko sa narinig ko. Wala akong maintindihan sa sinasabi n'ya.
"I approached you para matulungan akong pigilan ang batang 'yon. Pero anong ginagawa mo ngayon? Nagpapakasaya sa tabi n'ya? Kinailangan ko pang pagbatiin ang ate mo at yung Kookie."
"Hindi po ganun. Nakumbinse ko s'yang hayaan na lang mangyari ang dapat mangyari. Sabi n'ya hihintayin na lang namin ang deadline at babalik daw sa tamang daloy ng kwento ang lahat. Sabi n'ya—"

BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.