"Nag-iisip ka na naman ng masama. Ang dumi na naman ng isip mo. Lahat na lang ng gawin ko minamasama mo. Minsan pakiramdam ko hindi ako naging sapat sa 'yo eh. Minsan napapaisip ako kung tama bang inagaw kita kay Lucas eh. Baka mas naging masaya ka pa sa kanya kung hindi lang ako parang tanga na nagpakabaliw sa 'yo."
Tumulo na nang tuluyan ang luha ko sa naririnig na lumalabas sa bibig n'ya. Parang hindi ako ang kausap n'ya, parang yung ako na asawa n'ya sa hinaharap. Bakit parang hindi s'ya naging masaya? Bakit parang naipon ang galit n'ya at ngayon n'ya nilalabas sa 'kin ngayon?
Nagpunas s'ya nang luha, "s-sorry. Hindi ko sinasadya 'yong mga nasabi ko."
"Napaka-non sense mo. Bakit sa 'kin ka nagrereklamo? Bakit hindi ka bumalik sa panahon mo at isumbat yan sa asawa mo? 'Wag sa 'kin!"
"Nagagalit ka naman nang hindi alam ang buong kwento. Nakita mo bang sumagot ako kay Elizabeth? Lagi mo na lang akong pinaghihinalaan!"
"Ikaw pa ngayon ang galit! Ano 'to? Naggagalit-galitan ka para ako 'yong magmukang may kasalanan?"
"Hindi ako naggagalit-galitan. Nagpapaliwanag ako. Ikaw 'tong nagtataas ng boses sa 'ting dalawa, para na nga akong tanga dito. Pinagmumuka mo na naman akong tanga sa inaasal mo."
Umatras ako nang lumalapit pa s'ya sa 'kin at tinapik ang kamay n'ya nang akto n'yang hahawakan ang kamay ko.
"Edi ngayon pa lang itigil na natin 'to. Mas okay pa atang si Elizabeth ang makatuluyan mo! Mukang hindi ka naging masaya sa 'kin sa pinanggalingan mong panahon!"
Ang dami pang masasakit na salita ang gusto kong sabihin para masaktan din s'ya pero tulo lang nang tulo ang luha ko habang nakatitig sa kanya.
"Pwede ko bang isipin na panget lang ang araw mo ngayon kaya nasabi mo 'yan?" malumanay n'yang tanong sa 'kin sa kabila ng garalgal n'yang boses.
Hinubad ko ang sing-sing na iniregalo n'ya sa 'kin. Ramdam ko ang nanlalamig n'yang kamay nang dumampi ang daliri ko nang iabot ko sa kanya ang sing-sing na ito.
"Bumalik ka lang ata dito para mabago ang buhay mo at ayokong masayang yang pinaghirapan mo. Piliin mo kung kanino ka sasaya kahit hindi na ako 'yun."
Nagmatapang akong lumayo sa kanya pero hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako sa mga sinabi ko sa kanya.
Hinabol n'ya ako at pinigilang umalis pero masyado nang mabigat ang lahat. Wala na rin ako sa tamang pag-iisip para timbangin ang sitwasyon.
"Hindi ba pwedeng mag-usap muna tayo?" pagmamakaawa n'ya.
"Hindi na kailangan. 'Wag na tayong mag-usap para may oras ka pang habulin si Elizabeth. Bilisan mo na. Habang hindi pa s'ya nakakalayo!"
"Walang pupuntahan 'yang pagseselos mo," tugon n'yang may pagtitimpi.
Lumapit ako sa kanya, umiiyak ako habang nakatitig sa mga mata n'ya.
"Burahin mo na 'tong alaala ko at piliin mo si Elizabeth. Tapos ang kwento."
***
Nawalan ng pakiramdam ang kamay ko dahil sa matagal na pagkakahawak sa malamig na milktea kahit nakalapag na ito sa mesa ko.
Lumilipad na naman kasi ang isip ko, parang may pakpak na punta nang punta sa kanya.
"Nodque, sagutan mo 'to sa board.."
"Nodque, ikaw ang leader ng group natin.."
"Nodque, dalhin mo daw 'to sa faculty.."
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasíaA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
