27. Parusa o Pabuya

26 2 2
                                    

Nakalimutan ko 'yong tablet sa kwarto ni ate! Babalik pa tuloy ako sa ospital! Ang layo ko na kaya!

Nakita ko ang kaklase ko na si Andrei Morris na naka-upo sa wheelchair habang malayo ang tingin, nakatulala s'ya sa glasswall ng floor kung saan din naka-admit si ate.

Ano kayang nangyari sa kanya? Balita ko ilang araw na s'yang absent pero dahil hindi naman kami close hindi na ako nakiusisa masyado. Ako lang naman ata ang hindi interisado sa kanya sa school namin. Napaka-arogante n'ya kasi.

Hindi na sana ako magpapahalata na nakita ko s'ya kaso nahuli n'ya akong nakatingin sa kanya.

Inalis n'ya din agad ang tingin sa 'kin pero nahuli ko s'yang ngumiti.

Baka hindi n'ya talaga ako nakita at naalala lang s'yang masayang bagay kaya napangiti. Haist. Buti na lang. Nakakahiya kung malaman n'yang nakita ko s'ya pero hindi ko man lang kinausap. Hindi pa naman ako magaling sa mga small talks lalo na sa mga hindi ko ka-close.

Pagkarating ko sa kwarto ni ate naabutan kong may bisita pala s'ya.

Naabutan ko pa ngang hinahaplos ng kaibigan n'ya ang ulo ng ate ko. Pinapalakas ata ang loob. Kailangan yan ni ate ngayon nang maka-move on na s'ya sa animal na 'yon.

"Oh! Bakit bumalik ka?" tanong ni ate kaya napalingon sa 'kin ang kaibigan n'ya.

"Yung tablet ko naiwan ko," sagot ko at nagmadaling kinuha ang gamit ko.
"Alis na 'ko."

"Mag-ingat ka, Vanilla."

Kinilabutan ako sa boses ng kaibigan ni ate nang banggitin n'ya ang pangalan ko.

Napabangon ako sa kama, pawis na pawis at naghahabol ng hininga.

Ano 'yon? Kailan nangyari 'yon? Wala akong matandang may ganun akong alaala. Bakit s'ya pumapasok sa panaginip ko?

Tinanghali ako ng gising.  Ayokong ma-late!

Pinaspasan ko ang kilos para umabot pa ako bago magsimula ang second subject namin.

Habang nag-iiwan ako ng apoy sa bawat madaanan ko, ngumunguya ako ng sandwich, nakakalungkot na hindi ako nakapag-almusal ng kanin.

Bago pa ako makarating sa finish line este sa gate ng school may matandang lalake na kamuntikan ko nang mabunggo kaya na-out balance ako. Mabuti na lang at hindi ko nasaktan si manong.

Pagsilip ko sa siko at tuhod ko, nag-hello sa 'kin ang gasgas at sugat. Malayo naman sa bituka kaya hayaan na lang, gagaling din naman.

Napatingala ako nang makita ko ang isang kamay na nag-aalok na hawakan ko para maitayo n'ya ako.

"Salamat po."

Tinitigan ko si manong, pamilyar kasi ang muka n'ya. Nakita ko na s'ya kung saan, sigurado ako, hindi ko lang matandaan.

"Magsisimula na ang pangalawa n'yong klase."

Sa sinabi n'yang 'yon bumalik ako sa sarili ko at naalalang late na nga pala ako.

Pagkarating ko sa pintuan ng room namin bigla akong natigilan, bakit alam ni manong na pangalawang klase na ang hinahabol ko?

Nagpalakpakan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa room, tradisyon yan ng klase namin sa tuwing may late. At least late lang at hindi absent, mantra 'yon ng section na 'to.

"Kung ano-ano sigurong pinapanood mo sa gabi kaya napupuyat ka," asar pa ni Lucas pagkaupo ko sa tabi n'ya.

"Hinihingi ko bang opinyon mo?" pagtataray ko pero tinawanan lang ako eh, hindi talaga ako effective na magsungit sa kanya.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon