24. Pagpapaubaya

39 2 1
                                    

Hinawakan ni Andrei ang kamay ko at inilapit sa kanya saka inilagay sa bewang ko ang kamay n'ya.

Si Lucas naman halos mamilog ang mata nang makita kami ni Andrei sa ganun eksena.

"Sinabi rin ba sa 'yo ni Vanilla na kami ang magkakatuluyan sa future?"

Tininganan ako ni Lucas nang buong pagtataka, tumango lang ako at napabuntong-hininga na lang s'ya.

Lumabas kaming tatlo at uminom ng milktea—actually ako lang. 'Yong dalawa nagpapalitan lang ng matatalim na tinginan.

Nag-order din ako ng blueberry cheesecake para sa aming tatlo kaso mukang ako lang ang kakain nito. Wala sila sa mood kumain.

"Technically, hindi pa kayo mag-asawa as of now. Sa future pa. Meaning at this rate kami pa dapat ni Vanilla, am I right?"

Ay, nagsimula na si Lucas. So ang topic pala namin ay kung sino ang dapat kasama ko? Ngayon ko lang na-realize na maganda pala ako para pagtalunan ng dalawang 'to. Iba. Iba ka talaga, Vanilla.

"Katulad nga ng sabi ko kanina, kami ang ikakasal in the end. Hindi ako makikipag-agawan ngayon. Hindi ako mangugulo sa inyong dalawa."

Hala! Ipinamimigay na naman ako ng lokong 'to. Akala ko pag-aagawan nila ako pero 'tong Andrei na 'to ipinaubaya na naman ako kay Lucas.

"Sinong nagsabing kayo ang masusunod? Ako ang magdi-decide. Hoy, Lucas. Break na tayo kanina. At hoy ikaw, may choice akong hindi ka maging asawa sa future. Badtrip kayo. Makalayas na nga."

Binitbit ko ang milktea pati ang plate na may lamang blueberry cheesecake para maibigay sa counter para maipabalot at mai-take out. Sa bahay ko na lang 'to kakainin. Nawalan na ako ng gana dahil sa dalawang 'yon.

Sinundan ako ni Lucas at nilingon ko si Andrei na naiwang nakaupo at nakatingin lang sa amin.

"Vanilla," tawag sa 'kin ni Lucas sabay agaw ng platic bag na bitbit ko.

"Alam kong magulo 'to pero hindi pwedeng maging tayo kaya nakipag-break ako."

"Hindi ko alam ang buong kwento kung bakit hindi tayo ang nagkatuluyan pero ngayong alam kong mapupunta ka sa iba, gagawin ko lahat para hindi na mangyari 'yon."

Napakamot ako sa ulo sa mga narinig ko. Inagaw ko ulit sa kanya ang plastic bag na naglalaman ng pagkain ko.

"Hindi mo man lang ba naisip na medyo ang unfair nito sa 'kin? Noong isang araw lang masaya tayo tapos nang sumunod na araw sasabihin mong si Andrei na ang gusto mo? Don't you know how heart breaking is this?"

Kumalma ako sa harap n'ya, huminga muna kasabay ng pag-iisip ng mga tamang salita para sa pag-uusap na 'to. May tamang salita nga ba para ipaintindi sa iba na hindi na sila ang dahilan ng pagtibok ng puso mo?

"Kung tama ang dinig ko na babalik sa dati ang lahat, ako pa rin ang babalikan mo kaya maghihintay lang ako."

Ngumiti s'yang hindi masaya ang mga mata, pinalungkot ko s'ya pero wala akong ibang alam na paraan.

Pinanood ko lang ang likod ni Lucas na lumalayo sa 'kin, nakakadurog ito ng puso na wala man lang akong nagawa para sa kanya.

Pag-uwi ko nakabusangot lang ako habang nakatitig sa cellphone ko. Naghihintay ng tawag o message mula sa kanya. Kay Andrei!

Hindi man lang ako tawagan! Hindi man lang mag-message!

Tumunog ang cellphone ko at nakita kong nag-message si Andrei. Gusto kong sakalin ang sarili ko. Para akong ninja sa bilis mabasa lang ang message n'ya.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon