2. Incidents

592 32 61
                                    

Pagka-discharged ko after ng masalimuot na confinement back to school na ako. Balik sa totoong mundo. Balik sa masakit na katotohanan.

Naghihintay ako sa tawiran. Ilang minutes na lang late na 'ko. Third year college na 'ko, Education ang kinukuha kong course at medyo hirap na. One year to go pa pero parang susuko na 'ko.

Bitbit ko pa 'tong mga cartolina para sa reporting mamaya pero andito pa rin ako at hindi pa nakakatawid.

Hindi ako pwedeng ma-late ngayon. Not today. May kakatay sa 'kin ng buhay kapag na-late ako.

Nakarinig na lang ako ng malakas na busina. Hindi ako natauhan sa busina ng kotseng muntik nang sumagasa sa'kin kundi sa pagkasakal ko. May kung sino na humatak sa kwelyo ko mula sa likod. Siguro nataranta syang iligtas ako pero bakit naman ganun nya 'ko hinatak? Hindi vehicular accident ang ikamamatay ko eh, pagkasakal.

"Ah eh thank you po, kuya," matagal ko pa s'yang tinitigan dahil alam kong nagkakilala na kami kung saan. Nakakunot ang noo n'ya, siguro dahil nakanganga ako habang nakaturo sa kanya.

Hindi ko alam kung ako lang pero isa ako sa mga taong hirap makatanda sa muka ng iba lalo na ng mga minsanan ko lang makasalamuha.

"Ikaw ba 'yon!" OMG s'ya ba 'yong niyakap ko last time? Hindi ko matandaan, oh my! Nahihiya pa rin ako. Hindi ko matandaan ang muka n'ya kung s'ya 'yon. Pambihirang brain naman 'to.

"Walk sign na. Pwede ka na tumawid," cold n'yang pagkakasabi.
Patawid din s'ya kaya sumabay na 'ko.

"Papunta ka rin ba sa school ko? Diba nurse ka? Anong gagawin mo sa school ko?" tanong ko para kunwari limot ko na 'yong nangyaring pagyakap ko sa kanya, kung tama ngang s'ya 'yon.

Pagtapat naming dalawa sa gate ng school may sumalubong sa kanyang anim na mga lalake.

"Kookie, reherse muna tayo."

"Bye," paalam ni kuya sa'kin. Nakatingin pa ko sa grupong 'yon nang mag-ring ang phone ko pero nailayo ko bigla sa tenga ko ang cellphone.

"Caramel! Ano na? Nasaan ka na? Tayo na next magri-report!"

"Chill ka lang, hallway na 'ko," pagsisinungaling ko habang nagmamadaling maglakad. Bawal tumakbo, mayayari ako.

"Anong hallway pinagsasabi mo! Walang bus at jeep sa hallway! Bakit busina ng jeep naririnig ko, aber? Kapag bumagsak tayo dahil sa 'yo papakabisado ko sa 'yo ang favorite kong kpop song! Tandaan mo 'yan!"

"Oo na. Lilipad na nga oh. Highblood naman." Tumakbo na 'ko para makahabol, bahala na mapagalitan kapag nahuli. Ayoko namang madamay sila sa kapalpakan nang araw na 'to. Ngayon lang naman ako nalate. Kung makasigaw naman si Glovie 'kala mo nasa teatro.

***

"Sino? Kamuka nino? Kamuka ni Jhong?" tanong ko kay Glovie paglabas namin ng room. Naka-survive kami sa reporting namin kanina. Buti na lang mabilis akong tumakbo. Panis.

"Ni Jung Kook. Ibang Jhong na dancer naman iniisip mo eh," daldal n'ya habang naglalalad kami dito sa may field.

Kpop na naman siguro pinagsasabi nito. Well, hindi naman sa hater ako basta hindi nila ako fan. May kanya-kanya naman tayong panlasa diba? Nagkataon lang na iba ang sa akin. Three years na kaming magkaibigan ni Glovie at kahit konting patak hindi n'ya 'ko naimpluwensyahan.

Napansin naming dalawa na may umpukan sa field. "Mukang may event. Bakit hindi ko alam 'to?" tanong ko sa kanya.

"Hay naku friend, lagi ka naman kasing out of coverage kaya kung hindi ko pa sa'yo iri-remind e hindi ka talaga aware," active din s'ya sa mga ganitong bagay. Magkaiba talaga kami. Ako kasi wala akong hobby, wala akong interest na pinagkakaabalahan. Sabi nga rin ni Glov boring daw ang buhay ko. Hay! Dalawang tao na ang nagsabing boring ako.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon