May mali daw sa isang tao kapag biglang nagbago, baka daw mamamatay na kaya biglang bumait o baka hindi na pala s'ya 'yong kilala mo.
"Grabe s'ya oh! Minadali n'ya talaga ako. Hindi mo ba alam na matagal talaga ang mga babae sa pagbibi—"
Nilapitan ako ni Andrei pagkabukas ko ng pintuan. Seryoso ang aura n'ya na parang ibang tao na 'tong kaharap ko ngayon.
"Nakita mo?" tanong n'ya sa kalmadong tono.
Parang ang mature n'ya na kung magsalita.
"Huh? Anong nakita?" pagmamaangmaangan ko pa.
"Alam kong alam mo ang sinasabi ko."
Tinitigan ko lang s'ya at matagal na pinagmasdan ang kanyang muka. Ang amo-amo ng muka ng taong 'to, yun tipong parang walang gagawing masama sa mundo, pero heto s'ya ngayon at misteryosong ginugulo ang isip ko.
"Ano ka ba talaga?"
Halata sa muka ni Andrei na parang inaasahan na n'yang mangyayari 'to.
"Noong una akala ko may sakit ka kaya ka laging nanghihina, bigla ka na lang din naging parang hangin na di ko mahawakan kahit abot-kamay lang naman kita. Nahuli rin kitang kinakausap ang ate ko at sinasabi mong alalahanin n'ya kung bakit s'ya nandito. Anong meron? May kinalaman ba 'yon kung bakit nakipagkaibigan ka sa 'kin dati? Ni hindi tayo nagpapansinan noon tapos sa isang iglap naging magkaibigan tayo. Anong sikreto mo, Andrei?"
Umiwas ng tingin sa 'kin si Andrei sabay pamulsa, alam kong gagawa pa s'ya ng palusot.
"Alam ko namang hindi ka magsasalita. 'Wag mo na 'kong sagutin. Ako nang bahalang maghanap ng mga sagot sa mga tanong ko."
Iiwan ko na sana s'ya at bababa na ng hagdanan.
Alam ko naman kung kanino ko makukuha ang mga sagot na hinahanap ko.
"Sandali," nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Andrei ang braso ko para pigilan ako, parang may kuryente akong naradaman na gumapang papunta sa puso ko.
Nakaramdam ako ng matinding lungkot na hindi ko pa naramdaman noon. Ano ba 'to? Bakit ang lungkot-lungkot ng pakiramdam na 'to?
Pagbitaw ni Andrei ay nawala ang lungkot na 'yon, napaatras ako sa kanya. Sino ba 'tong kaharap ko ngayon?
"Please 'wag mo nang dagdagan ang lungkot ko. 'Wag ka nang magtanong. Hindi ko rin kayang sagutin dahil ayokong madamay ka pa."
Kahit takot, sinikap kong umabante palapit sa kanya. Hindi ko na alam ang nangyayari basta ang alam ko ayokong mamatay si Andrei.
"Hindi! Kahit anong sabihin mo damay na ako! Alam kong may kinalaman ang lahat sa ate ko! Ate ko 'yon kaya dapat alam ko kung ano mang binabalak mo! Pa'no kung mapahamak s'ya!"
Umabante s'ya ng isang hakbang para lapitan ako. Wala akong balak umatras sa paglapit n'ya para maramdaman n'yang sincere ako sa mga sinasabi ko.
Pagkalapit n'ya hinawakan n'ya ang dulo ng buhok ko at tiningnan ako nang kakaiba.
"Hindi ka ba natatakot sa 'kin? Hindi mo ba iniisip na pwedeng masamang tao pala ako at makakasakit ako ng iba?" hinawakan naman n'ya ang baba ko at tinitigan ako sa mga mata.
Kumalabog ang puso ko. Alam kong hindi dahil sa takot. Kumakalabog puso ko na ang lapit-lapit n'ya sa 'kin.
"Hindi ko alam kung ano ka ba, pero ang kilala kong Andrei hindi n'ya 'yon magagawa, yung makasakit ng iba, hindi n'ya kaya 'yon."
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantastikA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
