21. Gusto Kitang Makita

76 3 10
                                        

Hi! Ate Ayeen here! Would like to recommend 'You Are The Reason' by EkkosHeart . Hope you spare some time to read his amazing story.

The link is here ⤵️⤵️
https://my.w.tt/DJrTvtsvr7

Happy reading, stunning and beautiful people! ✨

❤️❤️❤️




















WARNING: Medyo 'SPG' ahead





















"Nasa ER po s'ya ngayon?"

Nagmadali akong pumunta sa ospital at naabutan nga si Andrei na nahihirapang huminga. Hindi na ako pinalapit sa kanya at nakikita ko lang s'ya mula sa pintuan. May kung anong tubong inilagay sa bibig n'ya at sa ilong.  Tulo nang tulo ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

Ang mama at papa n'ya ay pinipilit magpakatatag sa sitwasyon na 'to pero ako parang hindi ko ata kaya. Ngayon ko lang nakita si Andrei sa ganitong sitwasyon, yung totoong nahihirapan. Lagi n'ya lang kasing dinadaan sa biro ang lahat tapos ngayon nakaratay doon at hirap na hirap.

Lumipas ang dalawang linggo at nailipat na si Andrei sa regular room matapos mag-stay sa ICU.  Nagbilin si Andrei sa parents n'ya na 'wag akong papasukin kung sakali man na bibisita ako.  Lalo lang akong nalungkot sa inaasal n'ya. Bakit ayaw n'ya akong padalawin? Ayaw n'ya ba akong makita? Ako kasi gusto ko s'yang makita at makumusta.

Tini-text ko s'ya pero hindi rin sumasagot. Kapag napunta naman ako sa ospital iniiwan ko na lang sa nurse station ang mga prutas na padala ng parents ko at ni ate. Nalungkot din sila sa sinapit ni Andrei.

Alam ng mga nurse na ayaw akong padalawin ni Andrei kaya hindi talaga ako makakalusot.

"Vanilla."

May tumawag sa 'kin at nang paglingon ko nga ay napangiti ako.

"Kuya Kookie!"

Siguradong alam din ni kuya ang hindi pagtanggap sa 'kin ni Andrei bilang bisita.

"Ngayon na ba s'ya dadalhin sa Xray dept?" tanong ni kuya Kookie sa mga kasamahan n'yang nurse.

"Oo. Kakaakyat lang din ng orderly para sunduin s'ya. Bakit?"

Inakbayan ako ni Kuya Kookie at pinagtago sa loob ng nurse station.

"Ok lang sumilip. Baka tanggalin kasi kami sa trabaho kapag nahuli tayo kaya quiet ka lang ah," bulong ni kuya sa 'kin.

Nang may paparating na na wheel chair pinatungo ako para makasilip lang kay Andrei.

Iyak ako nang iyak nang makita s'ya na nangayayat. Hindi ba s'ya kumakain nang ayos? Bakit pumayat s'ya nang ganun?

Gusto ko sana s'yang harapin pero ayoko namang mapahamak ang iba kaya ang nagawa ko lang ay umiyak nang tahimik.

Araw-araw akong pumupunta sa ospital kahit alam kong hindi n'ya ako tatanggapin.

Nauupo lang ako at nagpapalipas ng oras, nagdarasal na bumuti na ang kanyang kalagayan. Mula sa malayo ko lang nakikita si Andrei at palihim pa. Ano bang iniisip n'ya at ayaw n'ya akong makita? Napunta ang atensyon ko sa kamay na nag-aabot sa 'kin ng mansanas. Napakapula ng mansanas na parang kapag kinagat ko tutulo pa ang katas nito sa gilid ng bibig ko.

"Kapag kinain mo 'to bibigyan ka n'yan ng lakas. Mukang pagod ka na, hija."

Isang matandang lalake na puti ang buhok ang nag-aalok sa 'kin na kunin ko ang mansanas. Sa kabila ng kulay ng kanyang buhok ay mukang mas kaya n'ya pang tumakbo sa marathon kay sa sa 'kin.

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon