13. May Sasabihin Ako

117 2 15
                                        


On the way na sana ako papuntang school nang mapansin kong nasa unahan ko lang pala si Andrei. Babagalan ko pa nga sana ang lakad ko tutal nag-iiwasan naman kaming dalawa pero lumiko s'ya sa kaliwang kanto, hindi dun ang daan papunta sa school namin eh. Wala rin short cut o tindahan dun na pwede n'yang sadyain. Lumang bahay lang 'yon na walang nakatira ang makikita sa lugar na 'yon.

Ayoko sanang sundan si Andrei pero yung mga paa ko mapilit kaya pinagbigyan ko na.

Dahan-dahan akong sumilip sa lumang bahay sa siwang ng bintana at laking gulat ko nang makita kong may kausap s'yang babae. Hindi ko na masyado maaninag pa ang itsura n'ya dahil madilim sa loob! Madilim sa loob! Relax! Kalma! Hindi naman ganung tao si Andrei eh!

"Sorry bata, pero hindi mo maaasahan ang tulong ko."

"Inaasahan ko naman 'yon pero kung hindi ka tutulong 'wag ka rin sanang makielam. Problema ko 'to kaya out ang kahit na sino sa pag-aayos kong 'to."

"Pag-aayos? Wala kang inaayos, ginugulo mo pa nga. Ibalik mo sa 'kin ang panulat ko para matapos na 'to."

"Matagal nang hindi sa 'yo 'yon kaya 'wag mo nang angkinin. Sa 'kin na binigay 'yon kaya kung ano mang desisyon ko, ako na bahalang mamroblema."

Wala akong ma-gets sa pinag-uusapan nila pero mukang wala naman silang relasyong dalawa kaya aalis na lang ako at baka kung ano pang marinig ko.

"Bakit ba hindi ka na lang manahimik at ipagpasalamat mong ipinanganak ka pa. Hindi ba dapat sinusunod mo 'ko dahil kung tutuusin ako ang dahilan kaya ipinanganak ka. Kung hindi ko binago ang kwento ng mama mo, patay na s'ya bago ka pa pinanganak! Kaya ibigay mo na sa 'kin ang panulat ko!" galit na galit ang boses ng babae kaya napabalik ako sa pakikinig sa kanila. Kinikilabutan ako sa pakikinig sa kanila. Script ba 'to sa isang play? Hindi ipapanganak si Andrei kung hindi dahil sa babaeng kausap n'ya ngayon?

Nasilip kong palabas na bahay na 'to si Andrei kaya magtatago na sana ako pero lalong tumindig ang balahibo ko sa sinabi ng babae.

"Wala ka dapat dito tulad ko kaya lahat ng pinagdaanan kong hirap mararanasan mo din. Sana handa ka d'on."

"Matagal na 'kong handa," walang kabuhay-buhay na sagot ni Andrei.

Patakbo akong umalis ng bahay na 'yon at nagtago dahil baka mahuli ako ni Andrei na nakikinig sa kanila.

Ang dami ko ngang iniisip dumagdag pa 'yong narinig ko. Baka script lang 'yon sa isang group project kaya dapat hindi ko na 'yon iniisip. Badtrip kasi eh! Bakit ko ba kasi sinundan naintriga tuloy ako!

***

"Bata, baka gusto mong bumili ng mga halaman ko," tawag sakin ng isang babae.

Nahuli ko na lang ang sarili kong nakatitig sa ale na nagbibenta ng halaman. Kakaiba ang ekspresyon ng kanyang mata, ang putla ng kulay ng kanyang balat pero bumabagay ang napakaganda ng arko ng kilay n'ya.

Nakasuot s'ya ng puting silk na dress na hanggang tuhod at nakapusod ang kanyang buhok. Amoy na amoy ko rin mula sa kinatatayuan ko ang halimuyak ng pabango n'yang parang amoy pangmayaman.

Paglabas ng gate ng school namin, may commercial stalls kung saan naroroon ang mga nagbibenta ng school supplies, mga chicha, mga street foods, mga nag-ooffer ng photocopy services at computer shop. May bagong bukas na stall at ilang araw nang dinadagsa ng mga estudyante. Sa tingin ko, alam ko na kung bakit.

May inabot s'ya sa 'king maliit na cactus at nanghingi ng bayad kaya natauhan ako.

"Ayoko po ng cactus. Teka po mamimili po ako ng iba," protesta ko pero nagmatigas si ate.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon