"Gusto kong maging masaya 'yong taong iniisip ko ngayon at sana tama ang mga desisyong gagawin n'ya."
"Nasa teritoryo kita ngayon. Matutupad ang hinihiling mo."
Natawa ako sa pagkaka-deliver n'ya. Para kaming nasa fantasy movie, patawa talaga 'tong si Vien.
"Gusto ko lang ibalik sa 'kin ang alaala ko noong nabubuhay pa 'ko," nagtayuan ang balahibo ko sa sinabi n'ya, umihip ba ang malamig na hangin? Bakit lumamig dito?
"Joke!"
Tumayo ako at nilayasan ni Vien pero naiwan lang s'yang nakaupo at tawa nang tawa. Sa dami ng nangyayari sa 'kin kapag sinabi n'yang genie s'ya maniniwala ata ako.
"Kita na lang tayo bukas," pahabol n'ya pero hindi na ako lumingon at sumenyas na lang sa kanya.
***
"Nagtatrabaho ka sa sosyal na store na 'yon? Paano ka natanggap?" usisa ni Lucas pagpasok ko.
"Nag-apply lang ako. Ganun. Teka, parang minamaliit mo 'ko sa tanong mo na yan ah. Nakakahalata ako."
"Pupunta ako dun kapag naka-duty ka. Doblehin mo yung dami ng pearls ko ah tapos 'wag puro yelo," daldal ni Lucas pero naglagay na lang ako ng headset para mapansin naman n'yang wala ako sa mood makipagkwentuhan ngayon. Kaso makulit talaga 'to, hinatak n'ya ang headset ko para mapakinggan s'ya.
"May laban kami ng basketball mamaya, manood ka ah!" excited n'yang pag-aaya sa 'kin.
"Bakit naman ako manonood ng laban mo?"
Okay fine. Kaya pala excited s'yang ayain ako kasi kalaban n'ya si Andrei. Ang daming tao na manonood sa laban. Napapaisip ako kung paano tatakbo si Andrei eh ang lampayatot nun. Baka maghiwa-hiwalay ang katawan n'ya sa labang 'to.
Nasa tabi ko sina Hugo at Joanna na makabasag ear drum ang tili, hindi pa nga nagsisimula tumitili na. Sana may pandinig pa ako mamaya pag-uwi namin.
"Biceps pa lang ni Lucas ulam na!" tili ni Hugo.
Nang magsimula ang laban, smooth naman. Masaya ang audience at naghahabulan ng score ang dalawang team. Muka namang okay si Andrei at wala pang natatanggal sa parte ng katawan n'ya. Kapag nabalya s'ya ni Lucas siguradong—
Sakto naman na sa harap ko nakapuwesto si Andrei nang gumawa ng eksena si Lucas sa gitna ng court. Mainit na ang laban kanina at lalo n'yang pinag-init ang audience.
Naghubad si Lucas ng pantaas kaya nabalot ng mga tilian ang buong court. Nangingibabaw ang tili ng katabi kong si Hugo.
"Iuuwi na kita sa amin, Lucas!"
"Whaaaaa! Abs!"
"Take me home! I'm yours!"
Napalunok ako habang napatitig sa tyan ni Lucas. Bakit parang may anim na bato sa tyan n'ya?
Naramdaman ko na lang na may nagbato sa muka ko ng basang towel. Sino ba 'yon! Masama ang tingin sa 'kin ni Andrei, mukang s'ya ang nagbato ng towel n'yang panay pawis. Bargas din eh.
"Ano? Bakit ganyan ka makatingin!" bulyaw ko sa kanya. Epal eh. Panira ng view.
Pagkatapos ng laban nagmadali akong bumalik sa room, naiwanan ko ang wallet ko kaya hindi ako makakabili ng tanghalian.
Pagkarating ko sa room nanlaki ang mata ko nang maabutan ko ang isang patpat na tinubuan ng katawan. Nagpapalit s'ya ng pantaas na damit. Nahuli pa n'ya akong nakatingin sa kanya kaya ginising ko ang sarili ko. Nagmadali akong pumunta sa bag ko para hanapin ang wallet ko. Halos mahihimatay na 'ko nang lumapit s'ya! Pero nakapagpalit na s'ya ng damit.
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about a man who can literally 'edit' a love story-changing the past to create a happy ending. But who's to say it will truly be happy?
