Pagpihit ko para umuwi na lang bigla na lang bumukas ang gate. Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung pa'no magri-react dahil naabutan nya 'ko dito sa tapat ng bahay nya.
May bitbit syang gatorade at naka-scrub suit na blue.
Isip Caramel. Mag-isip ka ng palusot!
Ah tama!
Nag-stretching ako sabay jogging. Nag humming-humming pa habang nagja-jogging palayo sa kanya. Yeah. I'm so bright like the star on the sky. Yeah! Tumatakbo na ko palayo sa kanya.
"Next time mag-jogging pants ka. Ang hirap kaya tumakbo kapag naka-pantalon," pahabol nya kaya binilisan ko na ang pagtakbo dahil sa kahihiyan. Hinding-hindi na 'ko ulet magpapakita sa taong yun.
Pagpasok ko sa bahay nakarinig ako ng hikbi mula sa kwarto ni surot. Ingat na ingat akong hindi makagawa ng ingay 'tong paa ko habang umaakyat sa hagdanan. Inilapat ko ang tenga ko sa pinto at tama ako ng kutob. Umiiyak si surot.
Mabilis kong binuksan ang pinto at pakiramdam ko may kapa akong suot, nandito na ang superhero ni surot.
"Bakit bigla-bigla ka na lang pumapasok!" reklamo n'ya.
Pulang-pula ang noo n'ya, dala siguro ng matagal na pagkasubsob ng muka n'ya sa study table kanina.
"Sinong umaway sa'yo? Yung salbajeng bata ba!"
"Lumabas ka na nga!"
Hinayaan ko na lang, baka medyo personal 'yong iniiyakan n'ya ngayon. Humanda talaga sa 'kin 'yong salbajeng bata na 'yon kapag nakita ko s'ya.
"Hindi pa rin tumatahan?" usisa sa 'kin ni mama.
"Bakit naiyak 'yon? May nang-api ba sa kanya?"
Napailing ang mama ko, hindi pa man nagsasalita si mama kumukulo na ang dugo ko. Walang pwedeng mang-api kay surot bukod sa 'kin.
"May nag-comment sa kwento n'ya sa wattpad na ang panget ng story n'ya. Di pa nga kumakain ang batang 'yon mula nang umuwi dito."
"Panget naman talaga—" pero hinabol ako ng kurot ni mama at sumenyas na hinaan ko ang boses ko, baka marinig daw ni surot.
Simula ng gabi 'to, hindi ko na nakita si surot na nagsulat o nag-type ng kwento n'ya. Naapektuhan talaga s'ya ng sobra sa isang masakit na komento.
Tama nga ang sabi ng iba, nakakapatay ang mga salita.
***
Andito na naman ako sa tambayan ko at umiinom. Pagbukas ko ng isang bote, nakipagcheer pa ako sa boteng nasa tapat ko. Sanay naman kasi akong i-celebrate ang araw na 'to.
Happy monthsary, Micko!
'Asan ka na ngayon? 'Asan na yung promise mo na hindi mo 'ko iiwan? 'Asan na yung forever na pinagsasabi mo? Loko ka. Iniwan mo lang ako. Sana pinukpok mo na lang ako ng bote.
"Tsk tsk. Parang umikot na ang mundo ng iba d'yan sa lovelife. Sayang ang buhay, tsk tsk," nakakairitang boses na mula sa katabi kong mesa. Anong problema ng lalakeng 'yon! Bakit feeling ko ako ang pinariringan n'ya!
Sasagutin ko sana kaso tumayo na s'ya na na may ngatngat na barbecue sabay tingin ng masama sa 'kin, "sana hindi mo sinasayang ang chance na binigay sa 'yo, ate."
"Sino ka ba!"
"Ang dahilan kaya nakabalik ka dito."
Bigla akong napaisip, parang ilang beses ko nang narinig ang salitang yan. Nawala na lang s'ya sa paningin ko sa isang iglap.
"Dito ka pala umiinom ah," napalingon ako nang may nagsalita mula sa likod ko.
"Sino ka naman?"
![](https://img.wattpad.com/cover/16472957-288-k35564.jpg)
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.