Niyaya ako ni Lucas pumunta sa mall para bilhin ang materials sa school project namin. Ayoko pa sanang sumama kaso nauto n'ya akong ililibre n'ya ako ng milktea.
"Nag-aaya si Lucas pumunta sa mall, okay lang ba?" tanong ko kay Andrei na busy maglaro ng games sa cellphone n'ya pero tumingin s'ya sa 'kin na parang ewan ang muka.
"Huh? Nagpapaalam ka ba?" nagtataka n'yang tugon sa 'kin.
Medyo napahiya ako sa reaksyon n'ya huhuhu. Ako lang siguro ang nag-assumed na may something na between us.
"Nevermind," tinalikuran ko na lang agad para hindi na madagdagan ang pagkapahiya ko.
"Ang tamlay mo naman kasama! Bored ka ba?" reklamo ni Lucas.
Wala kasi akong energy naubos na sa kakaikot namin sa mall. Napakaselan kasi ng taong 'to ang busisi sa bibilhin. Para naman kasing bibili kami ng appliances kung makabusisi eh colored cartolina at mga markers lang naman ang bibilhin namin.
"Gutom na 'ko. Gusto ko na kumain! Ang tagal mo kayang bumili!" reklamo ko.
"Okay na po kakain na po tayo, master," pang-aasar n'ya na kamuntikan pa s'yang makatikim ng sampal ni Saitama.
Magrereklamo pa sana ako nang may matanaw ako sa tapat ng Toy Kingdom. Huminto ako sa paglalakad at inaya si Lucas na mag-iba ng daan.
Nakita ko si Andrei na kasama ang kababata n'yang si Elizabeth. Pagkakataon naman talaga oh! Parang kagabi lang hinalikan n'ya ang noo ko tapos may kasama s'yang iba ngayon! Kaya wala palang pakielam kung magkasama kami ni Lucas kasi may kasama rin s'ya ngayon.
Pero nakakainis pa rin silang tingnan kapag magkasama, para akong nakatingin sa mag-jowang bagay sa isa't isa. Hoy! Elizabeth asawa ko yan sa future 'wag ka ngang pa-cute dyan! Kaasar!
"Vanilla."
"Oh bakit?" Nagulat ako nang alukin ako ni Lucas na hawakan n'ya ang kamay ko.
"Ayoko na nakikita kitang parang laging kawawa. Ano? Tatakas ka ulit?"
Naalala n'ya siguro 'yong nakita n'ya ako sa bookstore na nagtago at nahuli ni Andrei.
"Hindi ako tumatakas," pagsusungit ko sa kanya.
"Magtago na lang tayo?"
Nagulat na lang ako nang hawakan ni Lucas ang kamay ko at hinatak pasalubong kina Andrei. Nakita kong tumingin si Andrei sa 'min at napatuon ang mata sa kamay kong hawak ng iba.
"Oy bro! Andito ka rin pala," parang timang na bati ni Lucas, gusto ata nito mag-artista eh.
Binitawan ko na rin ang kamay n'ya at napansin kong tumingin si Lucas sa akin tapos inilagay na lang n'ya sa bulsa n'ya ang kamay n'yang kaninang hawak ko.
Tapos nagtama ang mata namin ni Andrei, ang seryoso ng muka n'ya.
"Kilala mo si Lucas?" rinig kong bulong ng Elizabeth na 'yon kay Andrei.
Pinakilala kami ni Andrei sa kasama n'ya at nagulat ako nang excited na excited si Elizabeth kay Lucas. Hala celebrity lang?
"Relative ko yung isa sa mga nakalaban mo last year kaya napanood ko yung match n'yo. Grabe! How does it feel to be a national champion?"
Huh? Champion? Sino? 'Tong si Lucas? Champion saan?"
"Shuuuu 'wag ka maingay. Secret lang 'yon."
"Saan s'ya champion?" tanong ko kay Andrei kaso sinimangutan n'ya ako.
"Ang galing. Nakikipag-holding hands s'ya sa di n'ya masyado kilala," pasaring n'ya kaya lalo akong naimbyerna sa kanya. "Akala ko alam mo, diba close kayo? Fencing champion s'ya last year sa palarong pambansa."
Wow! Itong kolokoy na 'to? Seryoso? Bukod sa pagiging imahe ng kagwapuhan ng section namin may iba pa palang alam 'to, amazing.
Nagkahi-hiwalay kami at balak pa sana akong ihatid ni Lucas kaso magkikita kami ni ate sa supermarket kaya nauna na ako. Walking distance lang 'yon supermarket kaya lalakarin ko na lang, sayang pamasahe.
"Vanilla! Sandali!" narinig ko ang boses ni Andrei na patakbong lumapit sa 'kin.
Hinihingal pa s'ya kaya hinihintay ko muna s'yang makahinga ng ayos.
Kinuha n'ya ang kamay ko at ipinunas sa damit n'ya. Ano bang problema ng taong 'to? Anong ginagawa n'ya?
"Masyado pang maaga kaya bawal kang magpahawak ng kamay kung kanino."
Hinigit ko ang kamay ko pero nagmatigas s'ya, hinigpitan n'ya pa ang pagkapit sa wrist ko habang nakatitig sa 'kin at seryoso ang muka.
"Ako dapat ang unang hahawak sa kamay mo," sambit n'ya na kinabigla ko. Ang tagal bago nag-sink in sa isip ko ang mga narinig kong sinabi n'ya.
Nananaginip ba 'ko? Totoo bang nagsasalita si Andrei nang ganito ngayon?
"A-Anong pinagsasabi mo? B-Bakit ikaw ang dapat unang humawak sa kamay ko? Pa'no mo nasasabi yan samantalang magkasama kayo kanina ni Elizabeth," daldal ko at halatang-halata na nagseselos ako.
Hindi ko na naman napigilan ang bibig ko. Kung mag-usap kami parang may dapat kaming pagtalunan.
"Nakita mo ba kaming magkahawak ng kamay? Tsaka kapatid tingin ko kay Elizabeth samantalang ikaw pinahawak mo yang kamay mo dun kay Lucas," inis na inis n'yang sabi sa 'kin kaya ako napataas na lang ng dalawang kilay sa mga naririnig ko.
"Teka! Bakit big deal sa 'yo? Kamay ko 'to! Hindi mo naman kamay 'to!" bara ko kahit para na lang kaming mga bata na nag-aaway dito.
Sumeryoso ang muka ni Andrei at tumitig sa 'kin na para bang napakaamo.
"Hindi ko hahayaang makipag-holding hands ang asawa ko sa ex n'ya."
Ex? Holding hands? Di hahayaan? Tama ba dinig ko? Nawiwindang na ako! Ano bang pinagsasabi mo!
Magiging ex ko si Lucas in future? Tama ba ang intindi ko? Ano ba! Ang hirap naman nito! Yung isa magiging asawa ko sa hinaharap tapos yung isa magiging ex ko?
"Sinasabi mo bang magiging asawa kita sa future!" tanong ko kay Andrei na kunwari wala pa akong alam.
Ibig sabihin totoo ang sinasabi ng ale. Hindi s'ya nagsisinungaling sa 'kin.
Kumakalabog ang puso ko na sa sobrang bilis para akong mahihimatay. Kailangan ko atang huminga nang ayos. Hinga. Hinga. Hinga. Inhale. Exhale."Ang asawa ko nakipag-holding hands sa iba sa mismong harapan ko pa," asar na asar n'yang reklamo sa 'kin.
"Teka! May makarinig sa 'tin!"
Nawiwindang ako sa pinag-uusapan namin dahil may ilang mga dumaraan na napapatingin sa aming dalawa.
Ano na lang ang iisipin ng mga tao! Naka-school uniform kami tapos maririnig nila na sinasabihan ako ni Andrei na nakikipag-holding hands ang asawa n'ya sa iba.Hahatakin ko sana si Andrei para makapag-usap kami sa 'di masyado dinadaraan ng tao kaso sa sobrang tampo n'ya magmatigas pa nga at ayaw umalis. Asar na asar s'ya na nakatingin sa 'kin na mukang sa sobrang tampo baka mag-tantrums na 'to mamaya.
"Nadala lang ako. Sorry. Nagulat lang ako sa pinaggagagawa mo," nakanguso n'yang paghingi ng tawad.
Speechless ako habang nakatitig kay Andrei nang mapansin kong papalapit ang kamay n'ya sa ulo ko. Bago pa n'ya maipatong 'yon sa ulo ko ay umiwas ako at nabigla s'ya sa ginawa ko.
Nanlaki ang mata ko sa reaksyon n'ya, sa ginawa ko at sa itsura namin ngayon.
B-balak n'ya bang burahin sa alaala ko ang mga sinabi n'ya kanina! Ganito n'ya ba ginagawa 'yon? Teka! Kagabi din! Hinawakan n'ya ang ulo ko!
"Sira ulo ka! Ilang beses mo nang ginawa sa 'kin 'to! Binubura mo ba ang alaala ko!"

BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasiaA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.