19. Nawawalang mga Alaala

54 2 14
                                    

Minsan talaga may ibabatong mga sorpresa sa 'yo ang buhay, pwedeng nakakatuwa, nakaasar o nakakalungkot. May pagkakataong sabay-sabay at kung medyo swerte, sunod-sunod.

Itong mga nararanasan kong mga sorpresang binabato sa 'kin ng buhay, hindi ko alam kung malulungkot ako o maasar pero ang alam ko lang at pinaniniwalaan, hindi 'to ibibigay sa 'kin nang hindi ko kakayanin.























"Sira ulo ka. Ilang beses mo nang ginawa sa 'kin 'to! Binubura mo ba ang alaala ko!"

Lumayo ako kay Andrei at hinubad ang sapatos ko. Ibinato ko sa kanya ang isa at kinuha ulit ang kabiyak para ibato ulit sana.

"Teka! Teka! Masakit na ah!" reklamo n'ya habang hinahaplos ang noo n'yang na natamaan ng ibinato ko kanina.

"Ilang beses nangyari na para kang may sasabihin sa 'kin tapos hindi naman natutuloy, binubura mo ba ang alaala ko pagkatapos mo 'kong kausapin kaya wala akong naaalala! Tama! Ang naaalala ko lang ay laging galing sa ulo ko yang kamay mo."

Huminga s'ya nang malalim at dinampot ang sapatos kong ibinato ko sa kanya kanina, lumuhod s'ya sa harap ko at isinuot ang sapatos ko.

"'Wag mo 'kong lapitan. Hindi na 'ko papayag na may burahin mo pa sa alaala ko!" maktol ko sa kanya pero wala na s'yang sinabi pa habang isinusuot n'ya ang sapatos na ipinangbato ko sa kanya kanina. Tinapos n'ya ang pagsintas sa sapatos ko saka tumayo na at nakangiting humarap sa 'kin.

"Gusto mong malaman kung nagsasabi ako ng totoo?"

"Alam ko naman wala kang balak magkwento. Tsaka nagmamadali ako. Hinihintay ako ni ate."

Hinawakan n'ya ang kamay ko at hinatak ako papalapit sa kanya.

"May madaling paraan para maikwento ko 'yon," tinitigan n'ya ako at napapikit ako, unti-unti s'yang lumapit at dumampi ang labi n'ya sa noo ko.

Para akong lumipad nang sobrang bilis papunta sa hinaharap, nakikita ang iilang senaryo na hindi ko naman din maintindihan pero may isang senaryo akong nakita, nakasuot ako ng belong puti at may isang lalakeng nag-angat nun saka ako hinalikan at may mga nagpalakpakan.

"Yes. I do."

Bumalik ang diwa ko at pagmulat ng mata ko ay nakita ko ang lalakeng nasa hinaharap na nagsuot sa 'kin ng sing-sing.

***

"Hoy ano na? Lutang ka, surot? Yung pinamili natin iniwan mo sa counter!" pagbuga sa'kin ni ate ng apoy.

Iniisip ko pa rin kasi 'yong ano, 'yong nangyari kanina. Mas intense kasi kanina na sa kanya mismo nanggaling.

Ibig sabihin totoo 'yong sinabi ng ale sa 'kin.

Iba talaga eh. Parang lumulutang ang mga paa ko sa paglalakad. Para akong adik na humahawak sa noo ko everytime na naaalala ko 'yon. Baka pag-isipan kong hindi maghilamos ngayong gabi.

Ano ba 'yong nangyari kanina? Nangyari ba talaga 'yon? Totoo ba 'yon?

"Ano! Bakit bigla kang huminto sa paglalakad!" reklamo ko kay ate. Bumunggo tuloy ang ilong ko sa matigas n'yang likod.

"Sandali kasi! Natanggal yung sintas ng sapatos ko!" bulyaw n'ya rin. Siguradong kapag nakita kami ng kakilala namin at isinumbong kami kay Mama makakatikim na naman kaming dalawa ng mag-asawang sampal. Ang sweet kasi naming magkapatid eh.

Natanaw ko sa kabilang dulo ng supermarket si kuya Kookie. Tatawagin ko sana kaso ang bilin nga pala ni Andrei kailangan namin silang paglayuin.

Haist. Gusto ko pa naman si kuya Kookie maging brother in law kaso kailangan kong sundin si Andrei.

Write Me a Happy EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon