"K-Kami po ni Andrei? Magiging kami po? As in ikakasal po kami? Seryoso po? Walang bawian?"
Muka naman seryoso ang aleng 'to pero hindi pa rin ako dapat maniwala kahit gustong-gusto ko ang sinabi n'ya.
"Pero dahil nagpapakabayani s'ya at ginugulo nya ang panahon na 'to possibleng maiba na ang future."
"Mag-asawa? Kaming dalawa mag-asawa? Magiging kami."
Hindi ko pa rin ma-absorb at ayoko talagang magpa-uto sa taong 'to kaso habang iniisip ko 'yon hindi ko maiwasang isipin si Andrei.
Siguradong kapag nalaman n'ya 'tong ginawa ko ililibing n'ya akong buhay.
"Pero inuulit ko, pwedeng magbago yun dahil sa ginawa n'ya. Hoy! Nakikinig ka ba? Sabing pwede pang magbago yun—ay pambihira tulala na s'ya."
Pero napaisip ako at nakatitig lang sa ale habang hinihimay ko ang mga salitang gusto kong itanong sa kanya.
"Si Andrei. Galing s'ya sa future pero yung itsura n'ya parang kasing-edad ko lang naman."
Ngumiti ang ale at itinuloy ang pagdidilig sa halaman n'yan.
"The body is still the same but what's inside is not."
"Kung ang nasa katawan n'ya ay 'yong s'ya sa hinaharap, nasaan ang katawan n'ya sa panahong 'yon? Sinong nasa loob n'on?"
Ngumiti muli ang ale, umupo at pinagmasdan ang ganda ng kanyang nail polish.
"Natutulog ang katawan na 'yon. Kung kaya ko lang puntahan 'yon ngayon para magising na s'ya ginawa ko na," murmur n'ya na parang nangigigil sa inis. Mukang ang laki ng atraso sa kanya ni Andrei.
***
"Bakit ganyan ka makatingin?"
Nahuli na lang ako ni Andrei sa ginagawa kong pagtitig. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kakahiya.
Ano kayang nagawa kong kabutihan sa mundo at isang katulad n'ya ang mapapangasawa ko sa hinaharap? Ako ba ang naka-discover ng gamot sa cancer? Naging instrumento ba ako para sa world peace? May madi-discover ba akong bagong element? Kung ano man ang nagawa ko, napakapalad ko ngayon.
"S-Si ate. Bakit hindi mo na lang binura ang alaala n'ya sa panahon na 'yon? Bakit kailangan mong bumalik pa dito?"
Nailusot ko! Nailusot ko pa nga!
Kasalukuyan kasi kaming kumakain sa canteen at nakapuwesto ako sa harap n'ya. Hindi ko pa nga nasisimulan galawin ang tanghalian ko samantalang paubos na ang kinakain nitong kasama ko.
"Itong kakayanan kong magbura ng alaala, gumagana lang sa editing process."
"Editing process?"
"Kumain ka na lang. Hindi mo rin maiintindihan. Iiwanan kita dito."
Binilisan ko na lang ang pagkain para hindi maiwanan pero hindi pa rin mag-sink in sa 'kin ang sinasabi n'yang editing process na 'yon.
After ng nalaman ko pakiramdam ko namumula ang muka ko sa tuwing titingin ako kay hubby este kay Andrei.
Yung feeling na aware akong alam n'yang sa future kami ang magkakatuluyan kinikilig na ako.
"Gusto ko pong malaman ang future."
Pinuntahan ko na naman ang ale kahit pinagbawalan na ako ni Andrei. Wala lang, para lang may idea ako, ganun.
Hindi ako mapakali sa klase kanina dahil plano kong puntahan ang aleng nagtitinda ng halaman after class para makinig sa mga ikukwento n'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/16472957-288-k35564.jpg)
BINABASA MO ANG
Write Me a Happy Ending
FantasyA fantasy story about someone who can 'edit' a love story-literally, so you can have your own happy ending.