7. Can I Smile This Time?

241 11 17
                                        

"Anong iniisip mo?"

Nagpump nang mabilis ang puso ko nang mahuli ko si kuyang nurse na nakatingin sa'kin at kinakausap ako. Nasa harap ko sya na lumingon lang sa'kin habang yung background nya e yung mga maliliit na liwanag galing sa Christmas light na nakabitin sa mga puno-puno. Maraming mga taong naglalakad kasabay namin pero sa kanya lang ngayon ang buong atensyon ko. Naloko na. Hindi pwede 'to.

"Anong iniisip ko? Wala. Bilisan mo maglakad kuya. Naiiwanan na tayo ng mga kasama natin," naglakad ako at nakapahingang malalim ako nang malagpasan ko sya. Nang maabutan ko sina Jy at Glov nakahinga na ako nang maluwag. Safe na ako.

Habang yung iba tahimik na nanonood at naa-amaze sa mga fireworks ako naman 'tong hindi makapagconcentrate dahil tawanan nang tawanan 'tong dalawang 'to sa tabi ko. Halata naman kasing hindi sila interested sa fire works.

"Maiwan muna namin kayo ah. Pupunta lang akong banyo," sabay kindat sa'kin ni Glov.

"Ha? Eh bakit si Jy ang isasama mo? Diba dapat ako?" reklamo ko dahil ayokong maiwan kasama si kuyang nurse. Nilakihan ko pa ng mata si Glov dahil alam kong plano nila 'to eh.

"Bodyguard n'ya ako," bida naman nitong si Jy na bukas na bukas kakalasin ko ang braso nya sa katawan para wala na syang biceps na maipagyayabang.

Syempre kami na lang ni kuyang nurse ang naiwang magkasama sa gitna ng maraming taong nanonood din ng fireworks. Grabe tumitibok ng mabilis ang puso ko sa kaba, sa nerbyos at tense. Naku Glov bumalik kayo agad!

Pero kakampi pa ata nila ang langit dahil nagsimula nang umambon. Wrong timing talaga. Ang dami tuloy nagsitakbuhan para makahanap ng masisilungan. Bago pa ako makapagyaya kay kuyang nurse ay may talukbong na ang ulo ko. Amoy baby. Ah tama, yung jacket 'to ni kuya tapos inalalayan nya akong tumakbo para makahanap din kami ng masisilungan bago pa tuluyang lumakas ang ulan.

"Teka kuya, nababasa ka na. Sumilong ka din kaya dito sa jacket mo."

Hindi nya ako sinagot hanggang makahanap kami ng masisilungan. Kahit ambon lang yun nabasa pa rin nito ng konte ang buhok ni kuya. Bigla naman akong nakonsensya, mamaya magkasakit pa sya dahil sa'kin pero siguro naman hindi. Ambon lang naman.

Shockness! Utang na loob itigil mo ang pagslowmo sa harap ko habang ginugulo-gulo mo ang buhok mo.

"Dito na lang tayo sa Starbucks maghintay. Ako na lang ang tatawag kina Jy. Uy. Okay ka lang?"

"Ha? Ah oo. Dito na lang tayo maghintay," feeling ko namumula ang muka ko kasi nahuli ko syang natawa sa'kin dahil tingin ko nahuli nya 'kong nakatulala kanina. Kainis!
Nang nasa loob na kami tinawagan nya na sina Jy pero ayaw sagutin. Lagot talaga sa'kin si Jy! Hindi ako mapakali dahil magkasama sila ni Glov eh!

"Kuya, pwede ba akong makitawag? Tatawagan ko lang si Glovie?"

Inabot agad sa'kin ni kuya yung cellphone nya at tinawagan ko ang kaibigan ko pero tulad no Jy, ayaw rin sagutin ng bruhang 'to ang tawag ko!

"Wag kang mag-alala kay Glovie, safe sya kay Jy," pagpapakalma ni kuyang nurse pero sa totoo lang mas worried ako kay Jy, hindi ko lang masabi kay kuya hahahaha.

"Ano kayang plano nung dalawang yun sa'tin noh?" nginitian nya lang ako bago sya tumayo at nagtanong ng gusto kong inumin. Masyado ba kaming obvious na tatlo kaya nahalata kami ni kuya? Ay malamang! Si Jy at Glov pa masyadong pahalata sa mga plano nila.

Pagbalik ni kuya nailang ako dahil seryoso syang nakatitig sa'kin. Pasimple tuloy akong dumukot sa bag ko para kumuha ng salamin para i-check ang pes ko, pero wala naman, nasa pwesto pa naman ang ilong at mata ko. Ano bang problema nitong si kuya?

Write Me a Happy EndingMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon